Chapter III: Transfer Student

10 0 1
                                    

*flashback*

noong pagkagaling pa lamang ni Fred doon, binisita niya yung mga kakilala niya pa. E may pagka-shy type dahil sa nangyari nga kaya napunta sila ng nanay niya sa Iloilo, di niya napuntahan lahat. Si Clarence, o si Dong dong kung tawagin niya, na kanyang Bestfriend, noon, ay di niya na napuntahan. Pero, nagkita sila sa daan noong lumabas si Fred, sa labas malamang.

''Dong? Ikaw yan?''

''Fredeick Hi!!''

''Aba dalaga ka na ha!! Hahaha''

''Kamusta na?''

''Okay lang. :)''

''nabalitaan ko yung nangyari sa'yo, so it means di ka okay.''

''Osiya, next time uli ha! Kailangan na naming umalis ni ate. See ya!''

''Sige, ingaaat!''

Yung nangyari kasi kay Clarence ay namatayan siya ng nanay dahil sa cancer. Pero nandoon pa si Fred noon. Pero may nangyari pa noong nasa Iloilo sila. Dahil na rin sa kahirapan ay nakagawa ng di kaaya-aya ang kanyang ama, nakapagnakaw ito. Balita niya pa nga ay di ata naiburol ang kanyang ama dahil nga walang pangtustos sa funeraria. Kaya yun. Tragic man ang kanyang buhay, smile lang.

 So yun, pinuntahan ni Fred si Sophia, kaibigan niya rin dati. Kakosa niya dating manuod ng movies. Naalala niya pa nga noong nanuod sila kasama si Dong dong ng 'Percy Jackson: The Lightning Thief' at yung 'Tangled'. So, nung nakarating na siya...

''Sophia? Pia? Tao po.''

''Sino ho sila?''

''sophie!!! Ako 'to si Fredeick!!''

''Frederick? OMG!! Uy saan ka nanggaling?!''

''Sa Iloilo. Nagbakasyon, ng 1 year. Hahaha.''

''Ah ganon ba. Alam mo si Skipper, yung classmate natin dati, huwag mong sasabihin ha? Tsinismis niya yung nangyari sa'yo.''

''Sus hayaan mo. Kahit ganon, kailangan, life must go on. Lahi talaga sila ng tsismosa eh. Hahaha''

''Bat ka naparito?''

''wala lang, mangangamusta. Teka, saan ka pala nag-aaral?''

''Alam mo sa likod ng AUF? Sa ACSci?''

''Oh talaga? Di ko alam yun eeh.. Hahaha!''

''e ikaw, saan ka na nag-aaral?''

''nag-enroll pa lang. Doon sa Science High School. Di ko alam kung--''

''E yun yung ACSci eh!!!!!! Doon ka na rin mag-aaral??! OMG sana maging magka-klase tayooo!''

''Talaga? Edi mabuti!! Anong section ka?''

''Lepton, kay Sir Cristian David''

''Masungit ba siya? Maganda ba dun?''

''Di siya masungit. Mabait siya. Maganda doon promise! Sana makapasa ka..''

''Hope so. O sige ha! Mauna na ako! Baka hanapin ako e. Osige, see ya! :D''

''See ya!! :D''

Noong nakauwi na sila sa kanilang bahay ng kanyang kuya...

''O ano na result ng test?'' sabi ni nay Remia.

''Ayun, nakapasa siya. Ang taas daw ng score niya!!'' sagot ni kuya. John Paul nga pala pangalan ng kuya niya.

''Edi mabuti. Ano daw yung mga kakailanganin na gamit mo?''

''Papel, ballpen, pencil. Siyempre pati bag.'' sagot ni Fred.

''Malamang! Saan mo ilalagay yung papel at yung iba mong gamit? Sa bulsa mo?'' sabat ng kanyang nakakatatandang kapatid na si Emi.

''Oo na, oo na. Yung uniform puti, tapos pants, gray.'' sambit ni Fred.

''Pwede pa naman siguro yung black pants mo.'' sabi ng kanyang nanay

''Pero--''

''Hello!'' sagot ng kapatid ng sister-in-law ni ate pau, si ate Thel. Susunduin sila para mamasyal. Lagi silang umaalis para itreat yung mga kapatid niya.

''Ay hello thel! Pasok muna kayo.'' sabi ni nay Remia.

''ay thank you po.. Saan po sila paula?''

''nagbibihis pa ata.''

''a ganon po ba?''

''Bless po ate thel.'' nagmano agad si Fred.

''ay Frederick! Kamusta ka na?''

''okay lang naman po.''

''saan ka na niyan nag-aaral?''

''sa ACSci po, sa likod po ng AUF''

''ang galing mo talaga! Si Lance doon siya sa ICT e, yung katabi ng school niyo.''

Si Lance, Esguerra ha! Hindi si Ver, ay naging kaibigan at kalaro niya noong bata pa sila. Lagi kasing dinadala dati ni ate pau si Fred doon noong maliit pa siya, vice versa din kay Lance.

''oooh. Sana po magkita kami. :)''

''may mga gamit ka na ba sa school mo?''

''wala pa po e.''

''Ganon ba? Sama ka sa amin ni ate mo pau. Bibilhan ka namin ;)''

''Ay hindi na po nakakahiya...''

''Wag ka nang mahiya.. Bahala ka sayang yung opportunities...''

''Frederick, dali bihis na doon'' sabi ng kanyang ina.

''Sige po ate thel. Thank you po talaga!! :'>''

So yun. Umalis sila papuntang bayan. Binilhan siya ng school supplies kung ano ang gusto ni Fred. Shy type siya kaya di lahat ng gusto niya, na suggest niya. Binilhan siya na din siya ng school pants, pati na brief ewan ko paano nangyari yun hahahaha. Nagpasalamat siya ng todo kay ate thel. Dinrop sila sa bahay nila pagkatapos nilang kumain.

''Ma! May pants na ako!''

''Sige lagay mo jan, paplantsahin ko.''

Life of a FanboyWhere stories live. Discover now