Si Frederick ay isang, tao malamang. Joke lang. Isa siya sa mga pinakamatalinong high school student sa kanilang paaralan. hindi man siya talaga gaanong matalino ngunit nagkaroon siya ng determination upang magawa ito. Nagkaroon kasi ng isang family problem, yung kapitbahay nila. Joke!! Siyempre yung family niya... Masyadong confidential e. Basta yun yung naging dahilan kung bakit napilitang lumipat siya at ang kanyang ina sa isang bario sa Iloilo, to be specific, Passi City ata. Doon, nasubok yung power niya, na lumipad. Joke uli! Power niya na malampasan yung mga mahihrap na situation sa life. First time niyang maranasan yung paglalaba ng balde baldeng damit para may makain, paglalako ng lutong ulam sa bundok bundok para magkaroon ng baon, o di kaya ay walang makain, o minsan, kapag may ulan, kailangan ay may payong yung bahay nila para di sila mabasa. Ganoon ang mga naranasan niya!!! Kaya po sana tulungan natin siya at magdonate sa mga nabanggit na banko: Metrobank, Chinabank, Piggybank. JOKE!!! O basta yun. Tapos, nung nag-aaral siya, 5 pesos lang yung baon niya. Modern time ha! Grade 6 na siya noon, graduating. Nakapagtapos siya ng Valedictorian even though transferree lang siya dahil nakitaan siya ng potensiyal ng kanyang guro. alam niyo ba, lagi siyang nilalaban sa mga patimpalak! Lagi siyang Champion, o di kaya ay 2nd. Lagi pa siyang nadadala sa iba't ibang lugar. Tinutulungan siya ng boong baranggay para makapaglaban, ng sabong. hindi joke lang. Sa mga competitions siyempre... So yun, since then naging talk of town siya. Noong nag-aaral na siya sa High School sa bayan, kailangan niya pang magising ng 3am at aalis ng 5am para makarating ng 6am sa kanilang paaralan. Siyempre, dahil sa pagpupursigi niya, nangunguna siya sa kanyang klase, sa Special Science Class, section A pa! Pero nagkaroon na naman ng problem. Nagkasakit yung kanyang ina ng Pneumonia doon. Siyempre walang magbabantay sa nanay niya, so tinulungan siya ng kanyang mga tiyahin. Pero, sabi ng mga kapatid niya, umuwi na daw at doon na lang sa Pampanga ipagpapatuloy yung pag-aaral niya. Tapos noon, doon niya pinagpatuloy yung pag-aaral niya sa mas mataas na paaralan, Sa isang Science High School. ACSci ata yun.. At dito magsisimula ang kanyang kwento, ang kanyang pagiging Fanboy.
YOU ARE READING
Life of a Fanboy
HumorOngoing po itong story. True-to-life story po ito. :) Abangan niyo po yung ibang part!! Enjoy po :)