Chapter 3

303 10 0
                                    


 
 
 
Everything was so dark. Noise and voices come and go before I could even make out what it was. Parang nagmamadali ang lahat...

Ano bang nangyari? May emergency ba? Gustuhin ko mang dumilat pero feeling ko naka-plaster ang talukap ng mga mata ko, ang bigat-bigat, hindi ko maimulat.

When I finally opened my eyes to the light, I saw white ceiling, white walls, white blanket over me, and I was lying on a white bed. Hindi ko na kailangang magtanong kung nasa'n ako. Nakita ko kaagad ang dextrose na nakabitin sa bandang kaliwa ko.

Pero anong nangyari? Bakit nasa hospital ako?

As if on cue, kaagad na bumalik sa isipan ko ang mga pangyayari kagabi...

Si Jared... Ang babaeng kalampungan niya sa damuhan... Ang pulang kotse...

Nagsimula na namang pumatak ang mga luha ko, hindi dahil sa sakit ng katawan ko, kundi dahil sa sakit na iniinda ng puso ko. Ang kataksilan ni Jared ang pinakamasakit na pangyayari sa buong twenty-three years ng buhay ko. Hindi ito kayang pantayan ng kahit anong sakit na idudulot ng lahat ng uri ng aksidente...

Naupo ako sa kama at pinakawalan ko ang isang pigil na pagtangis. Ayoko rin namang marinig ako ng mga doktor sa labas na umaatungal at baka i-sedate pa nila ako. Wala sa sarili, kumot ang ginamit kong pamunas ng mga luha ko. Saka ko napansin ang mga kuko ko...

When did I paint my nails red? No, I would never paint my nails red. It was always silver or platinum, but never red. I hate red. Pero sino ang gagawa ng kalokohang ito?

Nahilo ako sa kakaisip kung sino ang pwedeng gumawa nito. Si Jenny ang unang-una sa sa listahan. Pangalawa ay ang seven years old kong pinsan na si Rochelle, na minsang tulog ako ay nag-drawing siya ng mga star, heart, circle at square sa mukha ko, gamit ang lipstick ng nanay niya. Kaso wala siya rito, nasa Davao na sila ngayon.

But... Would the doctors even allow that?

Sunod kong napansin ang suot kong singsing... Saan galing 'to? Mukhang wedding ring pero saan naman ako kukuha ng ganitong singsing? Saka nasa'n na ang singsing na bigay ni Jared?

And why do I care kung may kumuha man ng singsing na bigay ni Jared? So what! Dapat nga ay kagabi ko pa itinapon 'yon.

Kakatitig ko sa aking mga kuko at daliri, napansin ko na rin pati ang balat ko. Parang pumuti yata akong masyado... Ganito ba talaga ako kaputi? O baka naman dahil sa ilaw ng hospital room na ito.

Namamangha pa rin akong nakatitig sa mga braso ko at sa kuko nang bumukas ang pinto at pumasok ang isang lalaking nakasuot ng dilaw na polo shirt at itim na maong pants. May hawak siyang umuusok na paper cup na kung hindi ako nagkakamali ay kape ang laman. Medyo naamoy ko rin kasi.

"You're awake! Thanks God! You're awake!" Tuwang-tuwa siya nang makitang nakaupo na ako sa kama. Agad niyang ipinatong sa mesa ang hawak na kape at lumapit sa akin.

I don't think he's a doctor, he doesn't look like one. At palagay ko'y hindi rin siya nurse. Nakakapagtaka lang dahil sobra naman yata ang pagkatuwa niya nang makitang gising na ako. Kilala ko ba siya?

No, he doesn't look familiar at all. Pero gwapo siya. At sa porma niya, halatang mayaman.

"Anong pakiramdam mo? May masakit ba? Ah, may kailangan ka ba? May gusto kang kainin? Inumin? Kahit ano..?" Tanong niyang parang walang mapagsidlan ng kanyang excitement. Nais ko na tuloy ma-weirdohan sa kanya.

Kahit hindi ako sumagot sa mga tanong niya ay nagbukas pa rin siya ng maliit na fridge doon at naglabas ng mansanas, orange, brownies, pineapple in can, bottled water...

Bigla akong nauhaw pagkakita ko ng tubig.

"Pwede ba akong pahingi ng tubig?" Medyo nag-aalangan pa akong manghingi ng pabor sa isang stranger.

Then it hit me...

Hindi kaya siya 'yung driver ng pulang kotse kagabi at natutuwa siyang ayos na ako? Hindi siya makakasuhan o mapapagastos ng malaki dahil mukhang wala naman akong malaking injury, 'di ba? In fairness, wala akong nararamdamang matinding sakit ng katawan. Naigagalaw ko pa rin naman ang mga paa ko at mukhang wala akong makapal na bendahe saan man sa katawan ko...

That must be it! Siya ang nakabanggaan ko kagabi.

Napansin kong parang natigilan siya at napatingin sa akin. May mali ba sa sinabi ko? Bakit parang nagulat siya na nagsalita ako? Nakalagay ba sa medical records kong hindi ako makakapagsalita dahil sa nangyaring aksidente? Andito pa naman ang dila ko ah...

"Medyo nauuhaw kasi ako. Gusto ko sanang uminom ng tubig kung okay lang," wika ko ulit nang hindi pa rin siya kumikilos.

"Ah! Sure! Sure! Pasensya na," agad niyang binuksan ang bote at nilagyan ng straw bago ibinigay sa akin.

"Salamat," kakong tinanggap 'yon at agad na ininom.

Nang malasahan ko ang tamis, tiningnan ko ang label at nakita kong flavored water pala ito. Madalas ko itong makita sa TV pero ngayon lang ako nakatikim ng ganito. Hindi ko naman kasi kailangan ang matinding luho.

"Grapes..?" Wala sa sariling binasa ko ang label ng bote.

"Yes. Your favorite."

Favorite? Paano ko namang naging paborito ito? Nanaginip ba ako't nagsalita ng tulog? Sinabi ko bang gusto ko ng grape-flavored water habang nananaginip ako? Gaano katagal nga ba akong walang malay?

"Matagal ba akong walang malay?" Tanong kong ibabalik sana sa mesa ang bote ngunit maagap siya, kinuha niya sa kamay ko ang bote ng tubig at tinakpan bago ipinatong sa mesa.

"Two days. Nag-aalala nga kaming lahat dahil baka ma-coma ka rin kagaya ng isang driver. Thanks God, you woke up."

Kagaya ng isang driver? Then hindi siya ang driver na nakabangga ko nang gabing 'yon. Kawawa naman pala ang isang driver, na-comatose...

Kung two days na ako rito, sinu-sino ang mga dumalaw? Dumalaw kaya si Jared?

Hmph! Makapal ang mukha niya kung magpapakita pa siya sa akin pagkatapos ng nangyari. He should burn in hell!

Si Jenny, malamang dumalaw. Siya ang contact person ko in case of emergency.

"Tatawagan ko lang si Joyce. Tiyak na matutuwa siya kapag nalaman niyang gising ka na. Iyak siya nang iyak since that night, she's really worried about you," halata pa rin ang excitement na dinukot niya ang phone sa bulsa ng polo shirt niya at sinimulan 'yung kalikutin.

Pero teka...

"Joyce? Sino si Joyce?" Wala akong kilalang Joyce ang pangalan, o kahit Joy man lang.

Napatingin siya sa akin, natulala. I swear namutla siya na parang na-shock talaga. Bakit?

Sino si Joyce?

At sino ang lalaking ito?

Unwanted SurprisesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon