Chapter 5

263 7 0
                                    


 
 
Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko sa salamin. I'm looking at a stranger's face... Isang napakagandang mukha na hindi ko pa nakita kahit minsan lang sa buong buhay ko. Ang weird... Pakiwari ko'y nanonood lang ako ng TV. This face isn't mine. This body isn't mine. Only the memories are mine...

Ano ba 'to? Isang masamang bangungot? Ngunit kahit ilang beses ko pang kurutin ang sarili ko, hindi pa rin ako nagigising. Ang sakit tuloy ng hita ko na palihim kong kinurot sa ilalim ng kumot.
 
Okay, so, hindi ako nananaginip. My only option to wake up from this weird nightmare is totally gone. Ano na ang gagawin ko ngayon? Mabuhay muna bilang si Marjorie hanggang sa makabalik na ako sa sarili kong katawan? Hanggang kailan?

At ano ang mangyayari sa akin sakaling mamatay ang tunay kong katawan?

H'wag naman sana...

Bigla akong tinakasan ng lakas sa naisip ko. Hindi ko yata kakayanin ang makita ang sarili kong mamatay. Saka, baka kaya ako comatose dahil naligaw ang kaluluwa ko. Baka naman magigising ako agad kapag nakabalik na ako sa sarili kong katawan. Di ba?

Another question... Nasa'n na ang spirit ni Marjorie? Nagkapalit ba kami? Parang sa napanood kong movie dati?

Nalulunod na ako sa kakaisip nang muling bumukas ang pinto. Pumasok ang lalaking halos mabaliw sa mga pinagsasabi ko kanina. His name is Rafael, Raffy daw for short. He's a lawyer, thirty years old, asawa ni Marjorie. May anak silang si Joyce, seven years old, grade one.

Si Marjorie nga pala ay twenty-five na at meron siyang online business. Buy and sell ng mga fashionable clothes, shoes, bags, and accessories. Mahilig siya sa shopping at may sarili siyang website.

Marami pang ikinuwento si Raffy tungkol sa kanilang magpamilya sa pag-asang baka bumalik ang alaala ko. He still believes I'm suffering from something related to amnesia. Sana nga gano'n na lang.

"Nagpunta ako sa ICU," wika niyang titig na titig sa akin.

Napatingin lang ako sa kanya. Kabado kong hinintay ang susunod niyang sasabihin.

"Nakita ko siya... Ang sinasabi n'yong si Carlyn Reyes," patuloy niya.

"Talaga? Kumusta na ang... kalagayan... niya?" Hindi ko na napigil ang sarili ko.

"Hindi pa rin nagigising. She's still fighting for her life," naupo siya sa puting monoblock chair sa tabi ng kama ko.

Napagdaop ko ang mga palad ko at tahimik kong nahiling na sana, bukas, magising na ako sa tunay kong katawan.

"Paano mo nakilala ang Carlyn Reyes na 'yon?" Tanong niyang medyo gumulat sa akin.

Kapag ipagpilitan kong ako nga si Carlyn, baka ipasok na lang niya ako sa mental institution. Ano ba ang pwede kong isagot sa tanong niya?

"Hindi ko pa kayang ipaliwanag sa ngayon. Pagdating siguro ng tamang panahon," nasabi ko na lang.

"I guess I should be glad na hindi mo na pinagpipilitan na ikaw siya," ngumiti siya sa akin, napansin ko tuloy na may dimple siya sa kaliwang pisngi.

Sa totoo lang, gusto kong ngumawa at ipagsigawan na ako talaga si Carlyn Reyes. Kaso, natatakot akong mapagkamalang baliw, kaya ang tanging magagawa ko na lang ay ang matulog at umasang pagkagising ko ay nakabalik na ako sa katawan ko.

"Pwede ko ba siyang makita?"

"Kapag pauwi na tayo. The doctors will still run some tests on you at kapag talagang clear ka na, makakauwi na tayo," pangako niya.

"Salamat."

Napansin kong napatingin lang siya sa akin. May nasabi na naman ba akong kakaiba?
 

 

 
Nang makita ng doktor na wala namang problema sa pagkilos ko, pagtayo, at paglakad, pinayagan na niya akong umuwi. But God knows, mas excited pa akong pumunta sa ICU kesa sa umuwi.

Natuwa ako nang makita ang babaeng makakasalubong namin ni Raffy... Si Jenny! I'm sure galing siya sa ICU. I'm so glad hindi niya ako pinabayaan! Ngunit nang sulyap lang ang iginanti niya sa ngiti ko, agad rin akong nagising sa katotohanang hindi na nga pala niya ako kilala ngayon. I'm a total stranger to my best friend now. Ang sakit pala no'n sa pakiramdam.

Hearing that my body is in comatose is way too different than seeing it with my own eyes. Nakita ko ang sarili kong nakahiga na walang kakilos-kilos, maraming mga apparatus na nakakabit sa katawan ko. Kung hindi lang sa nakapagitang salamin, marahil ay nilapitan ko na ang katawan ko at niyugyog upang magising. O di kaya ay yayakapin ko nang mahigpit, baka sakaling lumipat ang kaluluwa ko pabalik at magising na ako.

Kung hindi siguro ako nakasandal kay Raffy, malamang bumagsak na ako sa sahig. Hindi ko na pinigil ang mga luha ko. Umiyak ako sa sobrang awa sa sarili ko.

"Ssh... She will be fine," mahinang sabi niya na niyakap ako.

Hinayaan ko siyang yakapin ako. Mas gusto kong umiyak ngayon kesa maasiwa sa yakap ng isang stranger. Akala ko, ang kataksilan ni Jared ang pinakamasakit na pangyayari sa buhay ko. Mas matindi pa pala ito, ang makitang fifty-fifty ang aking sarili.

Bakit kailangang mangyari 'to sa akin? What have I done to deserve this? Napaka-unfair naman nito!

Ayoko pa sanang umalis pero inakay na ako ni Raffy palayo. Wari akong walking doll na sunud-sunuran kung saan niya ako akayin. Blangko ang isip ko sa ngayon. There's nothing in my mind but the image of myself lying lifeless in the midst of tubes and wires.

Isinakay niya ako sa itim na Pajero. Narinig kong binuhay niya ang makina. Narinig ko rin na napabuntong-hininga siya. Napatingin na tuloy ako sa kanya.

"It's not like you to forget the seatbelt," aniyang dumukwang upang ikabit ang seatbelt ko.

Seatbelt... Yeah, tama... Palagi ko na lang nakakalimutang mag-seatbelt. The night of the car accident, I'm sure I forgot to buckle up that time. Pero sino naman ang makakaalala ng seatbelt sa ganoong eksena?

Siguro, dapat ko na munang tanggapin sa ngayon ang kalagayan ng katawan ko. Wala akong magagawa kung iiyak na lang ako nang iiyak. Tanging panalangin at paghihintay lang ang magagawa ko sa ngayon.

Praying... Hoping... Waiting...

"Saan tayo pupunta?" Nakuha kong itanong nang mapansin kong ibang daan ang tinatahak ng sasakyan niya.

Sumulyap lang siya sa akin. Saka ko naalalang hindi nga pala ako si Carlyn na nakatira sa Cubao. Iba na nga pala ang bahay ko.

"Home... We're going home," sumagot din siya pagkatapos ng ilang saglit.

Tumanaw na lang ako sa labas ng bintana. I should forget my body's present condition kahit panandalian lamang. There are more pressing matters at hand. Like, how would I act now as Marjorie?

Rafael seems to be a good person. But if I am to act as his wife, would that also mean going to bed with him?

Malamang...

Nayakap ko ang sarili ko. Hindi ko yata kakayanin 'yon. Kahit pa nga hindi ko ito katawan, pero, hindi kakayanin ng konsensya ko.

Wait! Awat muna! Ayoko munang mag-isip ng ganyan. Si Joyce... Tama. Si Joyce... Paano ko ba siya pakikitunguhan? Mabait kaya siyang bata? Paano ba maging ina sa isang batang hindi ko kilala?

At saka... Paano ba ang maging asawa sa isang stranger?

Unwanted SurprisesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon