A/N: Dedicated sa'yo atee! Isa po kayo sa naging inspiration ko. I really really love your stories especially STG and NLSTG
Nakatingin sa labas ng bintana mula sa sasakyan ko, di ko maiwasang di mapangiti. Masyado kong namiss ang Pilipinas.
Hindi parin talaga kumukupas ang ganda nito kahit halos pitong taon ako nawala dito.
Tuloy tuloy lang ako sa pagbiyahe ngunit napatigil ako nung nahagip ng mga mata ko ang isang parke. This park didn't change.
Katulad pa rin siya noon.
Maganda ito pero hindi maganda ang huling dalaw ko dito.
Marami-rami rin ang tao dito. Dati ay halos walang dumadalo dito, kami lang.
Umupo ako sa isang bench, di kalayuan sa mga batang masasayang naglalaro.
"Babe! Bilhan mo naman ako ng ice cream"
Napadako ang tingin sa isang babae at lalaki. Halatang magkarelasyon sila.
Higit higit nung babae ang kamay ng lalaki papunta sa isang tinderong nagtitinda ng ice cream.
"Babe naman! Puro kana lng ice cream. Para kang bata" Ani ng lalaki. Ngumuso naman ang kasama nitong babae.
Napangiti ako ng palihim.
Ganyang-ganyan din siya sa'kin noon.
"Fine! Kung ayaw mo akong bilhan, maghahanap ako ng bago kong boyfriend yung lalaking bibilhan ako ng ice cream" Sabi ng babae atsaka tumalikod pero wala pang ilang segundi ay awtomatikong hinawakan ng lalaki ang kamay nito at niyakap ng mahigpit.
"Ikaw talaga babe. Bibilhan naman kita eh. Huwag kanang maghanap ng iba. Nandito naman ako. Takotkaya akong mawala ka" Sabi nung lalaki.
Lumawak ang mga ngiti ko.
"Hubby ko, buy me ice cream naman oh" Pacute niyang sabi sa'kin.
"Wifey naman. Ilang ice cream na ba ang nakain mo? Nako! Tataba ka niyan"
"Bakit hubby? Ayaw mo na ba sakin kapag taba na ako?" Tanong niya sa'kin na may lungkot sa mga mukha. Agad kong dinampi ang mga palad ko sa magkabilang pisngi niya.
"Ofcourse not! Mamahalin parin kita kahit na mataba ka. Mamahalin kita habangbuhay, kahit na ano pa ang itsura mo" Sabi ko at niyakap siya.
Asan na kaya siya ngayon? Kamusta na kaya siya? Naalala niya pa kaya ako? Ano kaya ang nangyari kapag hindi ko siya iniwan?
Maraming tanong ang naglalaro sa isip ko ngayon.
Muli akong sumulyap sa magnobyo.
Nakayakap mula sa likod ang lalaki at kumakain naman ng ice cream yung babae.
They reminds me of us.
"Huwag kanang magjoke ulit ng ganon ha? 'Di ko kaya kapag mawawala ka sa'kin" Ani ng lalaki at hinalikan sa pisnge ang kasintahan nito.
Tumayo ako mula sa kinauupuan ko at humakbang papunta sa nagtitinda ng icecream.
"Manong isa nga pong icecream, mango lang po" Sabi ko.
Mula sa pagkakayuko ay iniangat nito ang kanyang ulo.
"Jared, iho. Ikaw ba iyan?" Gulat na tanong ito. Pati ako ay nagulat din. Hanggang ngayon ay nagbebenta parin si Manong Carlo ng icecream.
Ngumiti ako sa kanya.
"Ako nga po ito Manong Carlo. Matagal ko na po kayong hindi nakita. Kamusta naman po kayo?"
"Nako. Ayos lang naman ako. Ikaw?" Sagot niya sa akin sabay bigay ng icecream na binili ko, iniabot ko narin ang bayad ko.
"Ayos rin naman ho" Sagot ko kahit hindi naman.
"Manong, isa pa nga pong ube flavored na icecream" Lumingon ako sa babaeng nagsalita sa harap ko.
"Hello po!" Bati niya sa'kin at saka ngumiti.
Ngumiti rin ako sakanya "Hi"
"Nako Jared! Itong batang ito ay kaparehang-kapareha ni Aphrodite! Parehong gustong-gusto ang ube" Nawala ang mga ngiti ko nung marinig ang pangalan niya.
Is she doing well right now? I hope so.
I olny want for her is the best kaya labag man sa kalooban ko ay iniwan ko siya.
"Manong Carlo, who's Aphrodite?" Tanong nung babaeng nasa gilid ko at kasama narin pala niya ang nobyo niya.
Ngumiti ako.
"Aphrodite, she's so like you as what Manong Carlo said. Pareho kayong gustong-gusto ang ice cream na ube flavored. She's gorgeous like you too. She's the girl who made my heart skip a beat. Ang babaeng walang ginawa kundi ang ngumiti. She's amazing and she's the girl who made me feel the thing called love" I said while smiling.
"Mukhang inlove na inlove ka dun sir ah" Sabi ng babae. I guess she's 17 years old.
"Yes I am madly inlove with her yet I left her. Nga pala, Im Jared. Call me kuya Jared. Huwag na 'yong sir masyado mo akong ginagawang matanda" I said and shook hands with them.
"Ako naman si Era at siya naman ang pinakagwapo, mabait at mahal na mahal kong boyfriend, si Alec" Sabi niya sabay pakilala sa binata.
I smiled at the and looked at my watch.
"Nice meeting you Era and Alec but I need to go" Sabi ko.
"Nice meeting din po" Sabi niya and waved goodbye.
She really reminds me of her.
Aphrodite, how are you? Bumalik na ako at tutupadin ko ang pangako nating dalawa.
A/N: Sisihin niyo si Lee Seung Gi guys. Siya. Siya ang dahilang kung bakit sumulat ako ng ganitong klasing story. Hohoho. Eh kasi naman eh! Nadala ako ng kanta niya. Hohoho!
Sorry kung pangit ha? Minadali ko lang kasi yan and to inform you again. Ongoing po ang storyang ito yet short story lang. Thank you again.
Saranghae
-PerfectlyBroken03
BINABASA MO ANG
Forgotten Memories
RomanceTungkol sa isang lalaking bumalik sa nakaraan. Pinipilit na maalala ang lahat kasama ang babaeng kaisa-isa niyang minahal. (Ongoing/Shortstory) ©MIACAH17 for the cover. Thanks atee!