A/N: Lahat ng nakasulat ay flashback lng po.
Para po sa inyo ito. Eh kasi naman, kahit bago palang yung endless, gusto ko na yung story na yun. Hahahaha. Atee, thanks for being an inspiration. Gusto ko yung mga gawa niyo.
"Tara dun hubby. Gusto kong kumain ngayon ng pizza" Masayang wika niya habang hinihigit ako.
Napakamot nalang ako ng ulo ko. Wala kasi akong pera ngayon.
"A-ah. W-wifey... a-ano k-kasi..."
"Hmmm? May problema ba hubby ko?"
"W-w-wala kasi a-akong p-pera n-ngayon" Nakayuko kong sabi.
Hinawakan niya mukha ko at kitang-kita ko sa malapitan ang maamo niyang mukha. Ang ganda talaga ng babaeng 'to. Mahal ko talaga 'to. Di ko nga siguro kaya kapag nawala siya sa'kin eh.
"Hubby naman! Yan lang ba problema mo? Tsk! Tara, libre ko ngayon" Sabi niya at hinila ulit ako.
Nakarating na kami sa tinuro niyang stand ng pizza.
"Wifey, i-ikaw na lang ang kumain" I said but she just looked at me at nag-order na ulit.
Pagkatapos niya ay binigay niya sa'kin ang isa pang pizza.
"Hey, sabi ko ikaw nalang kumain"
"Hindi! Kailangan kapag kumakain ako, kumakain ka rin"
"Wifey naman. Nakakahiya sa'yo"
"Oy sa'kin ka pa nahiya. Sige na hubby kainin mo na yan kung hindi magagalit talaga ako sa'yo.
Wala na akong nagawa pa kundi kainin ito.
Hindi ako katulad ni Aphrodite. Mayaman sila habang ako ay mahirap pa yata sa daga. Nakakahiya mang aminin pero kapag lumalabas kami ay tanging ice cream lang ang kaya kong ibigay sa kanya.
I'm a working student. Wala na akong mga magulang. Scholar ako sa isang private school kung saan nag-aara si Aphrodite.
Ibang-iba siya sa mayayaman na nakasalamuha ko.
She's rich yet very down to earth. She's very kind and sweet. Kaya mahal na mahal ko siya.
"Hubby, what are you thinking?" I was distracted by my thoughts nung nagsalita siya.
Ngumiti naman ako sakanya.
"I was thinking about our forever. Iniisip ko rin na sana mayaman nalang ako para maibigay ko sa'yo lahat ng gusto mo"
Ngumiti siya saakin.
"You dont have to be rich hubby. Nasa tabi lang kita, okay na ako" She said.
Pagkatapos naming mamasyal ay hinatid ko na siya sa kanila.
"Bye hubby! I love you" She said ang kissed me ony my cheek.
"I love you too wifey" I replied back.
Hinintay ko munang makapasok siya sa loob bago umalis.
BINABASA MO ANG
Forgotten Memories
RomanceTungkol sa isang lalaking bumalik sa nakaraan. Pinipilit na maalala ang lahat kasama ang babaeng kaisa-isa niyang minahal. (Ongoing/Shortstory) ©MIACAH17 for the cover. Thanks atee!