Hideaki's PoV
Bwisit ang lalaking iyon!
Buti sinabi niyang 'wag akong pumasok ngayon at talagang umalis nang hindi ako tinulungan! Hanggang ngayon masakit pa rin ang aking likod nang matapos ang pangyayaring iyon. Ramdam kong nang-iinít ang aking mukha dahil doon. Agad kong pinagsasampal ang aking sarili nang mawala 'yung iniisip ko!
Napatingin tuloy 'yung mga taong dumadaan. Malamang iniisip naman nilang mukha akong takas sa Mental Hospital...hahahaha...nakakatawa.
Someone's PoV
Ay! Napaka-cute na nilalang! No wonder nagkakagusto si Al sa kaniya.
Mukhang kailangan ko pa ring sundan itong si cutieboy.Hideaki's PoV
Makapasyal muna sa mall nang makabili ng pangangilangang sa bahay.
Napaka-lonely talaga. Napatingin ako sa bawat taong may ka-relasyon. Ay, grabe talaga! Puro bata pa, ang sarap hampasin ng sinturon ang mga puwet nila! Hindi man lang mag-aral muna.Habang nagsasalita ako sa aking isipan, ramdam kong may mainit sa damit ko. 'Di 'ata namalayan ng nakabangga ko.
"Ay!" bigla kong sabi sa kaniya. Oh God, basang-basa ang aking damit! Napatingin ako sa kaniya. Grabe, ang ganda ng babaeng 'to! Mukhang modelo sa tangkad eh, tinalo pa 'yung mga nasa beauty pageant.
"Ay, sorry! It's my fault for not looking at...oh!" Nakita niya ang bakas ng kapeng natapon sa suot ko. "I'll buy new clothes for you kapalit ng namantsahan!" sabi niya.
"'Naku, miss, hindi kailangan.Okey na ako; ako na lang bahala sa aking damit," sagot ko sa kanya.
"No! Ako na lang dahil ako naman ang may kasalanan. Sige na, please?" balik nito.
Ano ba 'yan?! Mukhang mahirap itanggi lalo nang pinagtitingnan na kami ng mga tao dito sa mall. Pinaunlakán ko siya at tumango ako bilang sagot.
"Ay, salamat! Pasensya na talaga!" Kaya naman hinatak niya ako sa Uniqlo at bumili ng damit para sa akin. 'Nyeta, ang gaganda palá ng mga damit dito. Dapat dito na lang ako namimili. Pagakatapos niyang magbayad ay nagpakilala siya sa akin.
"'Nga palá, how rude of me! I haven't introduced myself yet. My name is Alexia. And you, cutieboy,"
Ay, "cutie boy" daw? Hindi kaya ako cute; pogi ako. Pogi!
"Hideaki nga palá. Salamat talaga sa polo, ah! Hindi ko talaga 'to malilimutan," pasasalamat ko sa kaniya. May hinugot siya sa kaniyang bag at ibinigay sa akin. Kinuha ko ito: business card palá niya. Kaya naman ibinigay ko rin 'yung business card ko.
"Hideaki. Pleasure meeting you. O paano, mauna na 'ko," sabi niya.
Tumalikod at umalis si Alexia nang hindi man lang hintayin akong magsalita. Nakatayó lang ako habang pinananood siyang maglakad nang papalayo hanggang nawala ang anyo niya sa madla. 'Di bale na't baká makita ko rin siya muli. Bigla kong naalala ang business card na nasa kamay kong pinapawisan. Binasa ko ang simple ngunit eleganteng mga letra nito.
Alexandra Lim-Santiago
Chief Executive Officer
Santiago & Lim CorporationTeka. Parang pamilyar yung apelyido. O, baká naman kapangalan lang iyon. Ipinasok ko ang tarheta sa wallet ko at tumuloy na sa drugstore upang mabili ko na ang mga sinadya ko. Pagkatapos ay nakauwi na rin ako sa apartment ko. Nakita ko si Alex sa labas, pero iniwasan ko lang siya at pumasok sa loob. Hanggang ngayon, hindi pa rin ako maka-get over sa nangyari kagabi.
Narinig ko ang pagtunog ng orasang nasa gilid ko lamang kaya napabangon na agad ako para maligo nang makapasok nang maaga. Kumain na rin ako nang kaunting agahan bago umalis. Hindi ko man lang namalayan ang oras ngayon! Ganito na lang ba lagi ang nangyayari sa akin? Kada umaga laging late, eh.
Ayan tuloy, nasermonan na naman ako ng boss ko.
"Lagi ka na lang late, ah!" banat ni boss Alex. "Ano ba'ng ginagawa mo at nahuhuli ka, ha?"
Hindi ako sumagot at pinagtitignan na naman ako ng mga katrabaho ko. Ang tanga mo talaga Aki!
Napa-buntonghininga si Alex. "Sa susunod, agahan mo ang pasok ha? Oh, 'to na 'yung ie-edit mo sa author mo," sabi niya. Ibinigay niya ang storyboard at sabay taboy sa akin. May tumatawag sa kaniya kaya hindi ko na lang pinansin ito at pumunta na sa pwesto ko para tapusin ang ginagawa ko.
Alexander's PoV
Sinagot ko ang tawag sa akin. "Hel-"
"-HELLOWW, dear brother!!~ " sigaw nang nasa kabilang linya. Pinatay ko agad ang phone at pinatong sa gilid. Grabe, ang sakit sa eardrum 'yung sigaw ng babaeng iyon!Someone's PoV
Aba, bastos 'tong lalaking 'to! Minsan nga lang naman ako tumawag, tapos gaganyanin ako! Binabaan pa ako!!
Lagot ka sa akin!
Back to Hideaki's PoV
Nang matapos na ang pag-eedit ko ng manga ay nagpaalam na ako kay Alex para makauwi na. "Boss, mauuna na po ako," sabi ko sa kaniya. Aalis na sana ako nang hinila niya ang aking kamay at bigla akong hinalikan.
"Ingat ka, Aki," bulong niya.
Namula ang aking pisngi at itinaboy ko siya habang tumatakbo palabas. Gulong-gulo pa rin ang isip ko sa elevator, sa lobby, hanggang makarating ako sa kalsada sa harap ng Building. Biglang may humila sa akin at sa wari ko, kamay ng lalaking 'di ko kilala ang tumakip sa ilong ko gamit ang panyo. May kakaibang amoy ito, at sadyang nawalan ako ng malay.
=ITUTULOY!=
//
Thank sa kaibigan ko sa pag edit nitoHehehe hallo sa inyo... okay lang siguro sa inyo yung mabagal na UD ko? Mabagal din kasi makaisip nang idea .. peroooo sana magaustuhan nyo lang ^_^
Thanks for reading !!! ( ^_^)|/
BINABASA MO ANG
My Damn First Love
Romancesi Hideaki Kuriharu ay isang Literature Editor Dati sa Manila pero nalipat sa bagong pagtatrabahuhan at napunta sa isang manga department. malas nga naman nakilala nya si Alexander Lim ang isang editor-in-chief sa manga department. Ano nga ba mangya...