Sunod Sa Simula

6 0 0
                                    

Habang sumasampal sakin ang malakas na hangin ay medyo naramdaman ko na ang hapdi sa aking mukha. Saka ko lang napagtanto na hindi na pala hangin ang sumasampal sakin kundi yung buhok ng katabi ko sa jeep. Taraay. Haba ng hair! Nag-Rejoice ka ba girl?
Dahil likas na sakin ang pagiging matiisin ay ninamnam ko na lang ang bawat hibla ng buhok nya. Kahit medyo masakit na sa mukha ay ayos lang, sanay na naman akong masaktan.

Pagkatapos ng 14 minutes ng pagtitiis sa hair ni ate girl ay napagdesisyunan ko ng bumaba sa jeep dahil di ko na talaga kaya.

Keme lang. Nasa paroroonan na kasi ako.

Pagkababa ko ng school ay agad din akong sinalubong ng
Alikabok.

Tapos saka pa dumating ang isang taong, hmm, close to a friend. Tapos iniabot nya sakin ang phone nya. Sabay sabi ng mga katagang..

" Tingnan mo oh! May bago ng story yung si HaveYouUsedYourCombThisMorningDiHalata ! Diba Idol mo to ?"

Aba oo nga pala. Kung may Idol man ako sa pag sulat ng story, yun ay ang isa sa mga sikat na author sa Wattpad. Si HaveYouUsedYourCombThisMorningDiHalata. Karamihan ng mga istorya nya sa Wattpad ay nabasa ko na, ang hindi lang ay etong bago nyang sinusulat. Salamat naman. Nag update sya. Yung dalawang story nya, ngayon tatlo na!

" Oh bakit parang di ka naman excited? " tanong ni Vin sakin. (Yung friend-friendan, ngayon lang napangalanan)

" Kahit naman hindi ako maexcite, itutuloy pa din naman nya yun. Ano bang title ng bago nyang story?" Tanong ko naman.

" Ang Kapatagang Pinatag Ni Tipak. Saka one shot lang to. Gusto mo, ikwento ko nalang say--"

" Wag mong ikwento!!" Pag putol ko sa sasabihin nya. Ganyan sya eh. Spoiler.

" Sige na. Mauna na ako sa room. " Pagpapaalam ko sa kanya.

Kung di nyo natatanong, may account din ako sa Wattpad. Doon, nakatambak ang mga storyang di ko pa napa-publish. Kung ano ang dahilan, ako lang ang nakakaalam. Lalala....

Kung bakit ko idol si HaveYouUsedYourCombThisMorningDiHalata ,ay dahil gusto ko lang. Well gusto ko kasi yung stories nya, kakaiba. Unpredictable. Hindi korni, hindi mahaba ang pangalan ng mga characters, at hindi bad boy at gangster yung lalaki. Saka sa mga title palang ay pak na pak na. Di mo malalaman kaagad yung connect sa story hangang sa marealize mo nalang yun habang binabasa. Yung dalawang stories nya ay
" Ang Pag Ice Bucket Challenge ng Mantika "  na tumutukoy sa pag gising daw pala ng natutulog na diwa ng mga mambabasa.
At " Ang Ganda Mo "
Na tumutukoy pala sakin. Este sa mga aspiring authors na makita ang kakayahan nila.
Kung may pagkakataon akong ma'meet sya, ay di thankyou sa pagkakataon.

--
Sa room. Dumiretso agad ako sa bakanteng upuan sa kanan ng isa pang bakanteng upuan at sa kaliwa ng bakante pang upuan, sa unahan ng bakante pang upuan sa likod ng bakanteng upuan na napapaligiran ng bakanteng mga upuan. Konti palang ang tao. I mean, ako palang ang tao. Ang aga kong pumasok kase. Bakit? Wala, dito ako masaya eh. Yun nga lang, walang makakaappreciate ng pagiging early bird ko. Walang ibang tao eh.

Alas dyes pa ang klase namin pero alas siete palang eh nasa room na ako. Masaya lang talaga. Minsan kase kailangan mo talagang sanayin yung sarili mong mag isa.

Makalipas ang 1 hour and 21 minutes and 22 seconds ay pumunta muna akong library. Para matulog.
--

Nasa library parin ako ngayon at iniintay mag 10:01 bago bumalik sa room.
9:58
9:59
10:00
10:01

Tada! Nag lalakad na ako papuntang room!
Pagpasok ko palang sa room ay nadatnan ko na ang nagkakagulo kong mga kaklase. Pero, hindi. Hindi naman masyadong nagkakagulo. May tinitingnan lang sila sa white board. Dahil tao lang din ako at nadadala ng kuryosidad, nakitingin na ako.

Agad kong nakita ang mga nakasulat.
Para syang, kwento?. Na nagmukhang vandal. Imagine, dumating ako ng wala yun tapos dumating ulit ako, meron na nun.

Dahil ako ay natutuwa sa reaksyon ng mga tao, at sa sulat ay pinicturan ko ang senaryo.
Ito nga pala ang nakasulat...

" Sa tuwing ikaw ay naiisip ko, parang tangang napapangiti ako. Sa dami ng bagay na wala ako, heto ka, andito kasama ko. Kahit nahihirapan ako minsan, di ko hiniling na ikaw ay lumisan. Kahit mawala paminsan minsan, ikaw parin ang aking inaasahan... "

Give Your Story A TitleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon