Sunod sa Sunod Sa Simula

3 0 0
                                    

" Sikreto. Lihim. Tinatago. Paminsan minsan naiisip ko ito. Naiisip na 'ayoko ng ganito'. Pero kung titingnan sa bandang kumikinang, maiisip din kung ano ang katuturan.
Bakit itatago kung pwede namang ilabas?
Bakit di sasabihin kung pwedeng ibulalas?
Bakit ikukulong kung gusto rin namang tumakas?
Simple lang ang naiisip kong dahilan,
Para sa ikatatahimik ng karamihan.
Para sa ikauunawa ng ilan.
Para sa ikapapanatag ng kalooban at para maiwasan ang kalituhan."

Yan ang mga katagang nadatnan ko ulit sa room pagkagaling ko sa library kung saan ako umidlip ng dalwang oras. Katulad ng nauna, para itong artistang pinagkaguluhan. Maraming natutuwa, may ilang nagsasabing nagsasabing papansin lang daw yung sumulat. Umakyat narin sa level two ang madlang dabarkads na nakikibasa dito. Kung dati ay kami kami lang magkakaklase ang nakakasaksi ng mga akdang effort na effort na isinusulat sa white board na pagkatapos picturan ay saka buburahin, ngayon may ilang taga ibang seksyon na nakikiread.

[Author's Kemedoo : Ako muna ang magsasalaysay ha. Tenchuu!]

Umuwi na si Lei sa bahay nila. (Malamang lamang nga). Pagkauwi sa bahay ay agad niloadan ang pocket wifi nya. Ini'on ang kanyang laptop. Kinonnect sa internet at nag log in sa wattpad. Binuksan nya ang mga nakatambak na story sa drafts nya. Nakangiti nyang pinagmasdan ang mga istorya nyang pinamagatang..
Story 1. Story 2. Story 3. Hanggang 9. Mga istoryang di matapos dahil di maumpisahan. I mean, may umpisa naman kaso walang title. At kahit ako ay nagulat nang mapagtantong gagawa pala ulit si Lei ng panibagong story. Para syang shunga, tawa ng tawa mag isa, o baka meron syang nakikita na di natin nakikita? Baka na'motivate dahil sa nasaksihan nya sa classroom. Baka may naisip na namang konsepto na walang titulo at walang pangwakas. O baka trip nyang magtype. Kung ano ang dahilan, sya lang ang nakakaalam. Saka pala ako. Hahaha.

So ayun nga. Nagsulat sya. Nadagdagan na naman ang mga likha niyang may nilalaman naman kaso walang title at di pa nabibigyan ng makatarungang katapusan (Buti pa yung stories nya, di pa nagtatapos..)
At dahil ang hirap palang magnarrate gamit ang sariling point of view, ibabalik ko na kay Lei ang Mic. Keeems.

Ganun parin ang ginagawa ko. Papasok ng maaga tapos tutulog sa library. Tapos may madadatnang sulat sa white board, pipikturan ang senaryo tapos matutuwa, tapos uupo, tapos mag kaklase, tapos kakain.
Ngayon ,nasa canteen ako kasama si Vin. Mali, di ko sya talaga kasama, lumapit lang sya at pilit na ipinapabasa ang bagong likha ni HaveYouUsedYourCombThisMorningDiHalata. Sabi nya parang ako yung kwento, so binasa ko kasi siguradong maganda yun. Ang kwento ay pinamagatang "Very Very Light" Na tumutukoy sa isang petite na babae na nilipad ng hanging dala ng mayabang na paminta. O ha. Medyo natawa ako. Di ko akalain.XD

" Oy Lei. Ikaw ba, di ka ba magsusulat? Tanda ko pa noon hilig na hilig mo ang magsulat di ba? Kahit nga yung arm chair mo eh sinusulatan mo eh"

Yang mga katagang yan ang nagtrigger sa ka-feeling-an ko.

" Stalker ka no! Bakit mo alam yan?" Haha. Echosera ako. Malay mo stalker nga. Haha

" Baka kase katabi kita at nakikita ko yung mga sinusulat mo. "

Oh well.

" Nga pala Lei, bilang fan, proud na proud ka siguro sa idol mo no?"

" Oo. Ngayon na ang dami ng reads at votes ng mga stories nya? Sinong fan ang di matutuwa?"

After lunch..

Bumalik na ako sa classroom. Pagbalik ko , pinag uusapan ng mga kaklase ko kung sino yung nagsusulat sa white board namin. Madaming nagthetheorize, madaming nakikikeme, madami ding keme.

Sa panahong uso na ang facebook, twitter, wattpad etc, bakit sa white board pa naisipan nung mystery writer isulat ang mga likha nya. Ganun ba talaga sila kahirap? Ganun ba talaga sya kapapansin? O may pinatatamaan ba sya sa classroom namin. Kung ano ang dahilan nya, yung nagsulat lang ang nakakaalam.

" Sa mundong nilukob ng pera't kasinungalingan, saan pa papanig ang mailap na katotohanan.
Parang sa dami ng sa puso ko'y humahadlang, saan pa makikita ang kaligayahan.
Nais nang ipabatid, tunay na nasa kalooban.
Nais ibahagi ang nais ipaalam.
Ngunit iniisip palang ang pwedeng kasadlakan
Mas pinipili ng isipan, ang katagang 'huwag na lamang'.
(Sulat sa White Board)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 28, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Give Your Story A TitleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon