Simula

7 0 0
                                    

Pagsulat ang daan para maipahayag ang nararamdaman.
Gamit ang lapis at papel, mga akda ay sinimulan.
Umasang sa larangang ito'y mayroong patutunguhan
Kahit sinasabi nilang ito'y walang kasaysayan..

Ako si Lei. At base sa discription ng aklat na to, ako yung bida dito. So malamang lamang sa alamang na tungkol sakin at sa buhay ko yung tula-tulaan sa taas.

Ako ay marunong kumanta, sumayaw, magpinta, gumuhit tumugtog ng gitara, piano, violin at plauta. Talented ba'ga.

Enggg. Isa lang yung malaking kakemehan. Yung mga abilities na yun, di ako biniyayaan nun. Yung mga kapatid ko, sila ang talented.
Si ate Lin, magaling kumanta, magdrawing at mag gitara. Si Lea naman, yung bunso, magaling sumayaw, magpiano at kumanta. Mas magaling syang kumanta kay ate Lin kase marunong syang magwhistle. Yung parang kay Morissette Amon at dun sa kumanta ng  " baby its youuu! You're the one I love, you're the one I need..."  Mana siguro sila kina mama at papa.
Ako? Well..

Maganda.Ako.

Ewan ko ba. Sobrang talented na siguro ng pamilya namin kaya pinagdesisyonan nalang ng tadhana na wag na akong bigyan ng talent. Pero bakit ako? Bakit hindi si Lea eh sya yung bunso? Haay nako.

Pero iintindihin ko pa ba yun? Maiinggit pa ba ako sa mga kapatid ko eh wala naman akong magagawa tungkol dun?

Hinanap ko kung saan ba ako may ibubuga. Kaya ayun, sinubukan kong magfiredance at bumuga ng apoy. Pero di ko din napagtagumpayan. Nakain ko ata yung apoy eh. Kaya siguro sobrang hot ko.
Well, back to the topic. Ayun nga, hinanap ko kung saan ba ako biniyayan ng kahit kaunting galing. Sinubukan kong tumambling, tumugtog gamit ang dahon ng sampaloc, tumawid sa sinulid, at hindi huminga sa ilalim ng isa plangganang tubig sa loob ng 49.08 seconds. Pero ang masasabi ko lang ay natagpuan ko talaga ang sarili ko sa pagkakape! Sa aming pamilya, ako lang ang may kakayahang uminom ng 5 mugs na kape sa isang araw at medyo proud ako dun.

Give Your Story A TitleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon