Kabanata 10: Ang Paglalapit

2.7K 81 0
                                    

Kabanata 10: Ang Paglalapit

Maria Fabians Fujiwara

"Yes Mom, okay lang naman po." Sambit ko saka tiningnan ng masama si Lucas habang tinatakpan ko 'yung bibig niya sa kamay ko. "Bye po." Nag-hang up na ako kasabay nang pagwakli ni Lucas ng kamay ko.

"Pwe! Ang baho ng kamay mo!" Sinamaan ko siya ng tingin.

Inamoy ko 'yung kamay ko, "Pwe! Ang baho ng hininga mo!" Binelatan ko pa siya saka sumandal sa sofa. Nakapatay 'yung TV para hindi kami mag-away.

Kinuha niya 'yung remote at binuksan 'yung TV. "Hoy! Ba't mo 'yan hinahawakan?!" Singhal ko sa kanya. Kasasabi palang namin na hindi namin gagalawin 'yung TV.

"Bakit ba? Gusto ko manood ng TV eh, may Asia's Next Top Model pa naman ngayon. Kung ayaw mo'ng manood dito, edi doon ka sa kwarto." Sagot niya kaya napaisip naman ako.

Oo nga 'no. Ba't di ko naisip 'yun? Kaagad akong tumayo, inirapan ko pa siya bago ako umakyat sa kwarto. Nag-lock ako ng pinto para walang istorbo. Bahala siya 'dun siya matulog. Tutal, wala nang iba'ng kwarto dito sa bahay na'to, edi 'dun siya matulog sa salas. Mwahahaha! Napakatalino mo talaga, Mariana. Ang ganda mo pa.

Nanood kaagad ako ng The Legend of the Blue Sea. Nakitawa at naki-emote na rin ako. Ang senti at baliw ko ngayon.

Nakapatay din 'yung ilaw at nararamdaman ko ang lamig sa kwarto'ng 'to. Idagdag pa na napakalaki ng TV na 'to, aba para na akong nasa sine. Nakayakap din ako sa unan ko habang matalas na nanonood doon sa TV nang may bigla'ng kumatok.

"Wala, tulog na!" Sigaw ko. Ay tanga, ba't ako sumagot? Edi nahuli ako? Ang bobo mo talaga, Mariana. Pero keri lang dahil maganda ka naman.

"Hoy! Buksan mo 'to! Matutulog na ako!" Sigaw niya at patuloy sa paghahampas ng pinto. "Hoy, ano ba! Nakakatakot na dito! Ang lamig at ang dilim!"

Napatawa ako ng mahina. "Eh takot ka pala eh, ang lakas ng loob mo'ng makipag-away sa isang Maria Fabiana na mas nakakatakot pa. Mwahahaha!" Tumawa ako.

"Mas nakakatakot kasi 'yang mukha mo!" Sigaw niya kaya kaagad kong binuksan ang pinto at kaagad siyang binatukan.

"Ano'ng sabi mo?" Nanggagalaiting tanong ko.

Pumasok na siya sa kwarto kaya napasabunot nalang ako sa buhok ko. Kainis! Sana hindi ko nalang binuksan. 'Yan kasi, patanga-tanga.

Nilipat niya ang channel habang nakahiga siya sa sentro ng kama. Nanonood siya ng Asia's Next Top Model. Tinitigan ko lang 'yung mukha niya habang nilalasap niya ang bawat katawan ng mga lalaki'ng modelo. May mga pagkakataong napapalunok siya, napapatili at napapahampas sa akin.

At dahil nga nakaupo lang ako sa gilid ng kama, at todo hampas pa siya sa akin, bigla nalang akong nahulog kaya sumakit 'yung pwet ko. "Aray! Punyeta ka, Lucas!" Sigaw ko habang iniinda ang pwet ko.

Sinilip niya lang ako at nag-peace sign. Ibinalik niya ulit 'yung tingin niya sa panonood. "OMG! Go fafa macho!" Tumili pa siya ng tumili kaya tumayo ako at hinila 'yung buhok niya'ng medyo mahaba-haba na. Para'ng Lee Min Ho lang. "Aray! Ouch! Ano ba'ng problema mo?!" Pagrereklamo niya kaya binitawan ko siya at pinameywangan. Tinaasan ko na din siya ng kilay para mas mag-mukha akong mataray.

"Akala ko ba matutulog ka na? Doon ka nga manood sa salas! Istorbo!" Humiga din ako at sinipa 'yung likod niya dahil nakaupo na siya ngayon at iniinda pa rin 'yung pagsabunot ko sa kanya.

"Ugh! Ang sakit 'nun ah!" Sigaw niya. "Ang chaka mo na nga, nagmamaldita ka pa."

Inismiran ko siya habang naka-krus 'yung kamay ko. "Tabi, manonood ako." Sambit ko at pinindot 'yung remote at pinalitan muli ito ng palabas na paborito kong K-drama nina Lee Min Ho at Jun Ji Hyun.

Nakakainis lang dahil nahahati na nga 'yung atensyon ko sa subtitle at mga tauhan, hinaharang pa ni Lucas 'yung ulo niya sa telebisyon kaya todo pilig ako ng ulo ko para makita 'yung palabas.

"Are you kidding me, Maldita'ng chaka?" Humagikgik pa siya kaya nakakrus na naman 'yung balikat ko habang nililiitan ko siya ng tingin. "I'm the view." Hinawi niya pa ang buhok niya na nasa imahenasyon niya lamang.

Inirapan ko lang siya. "Hoy, gabi na, magluto ka na." Sambit niya. "Mamaya ka na nood ng nood diyan ng jeje'ng palabas."

Tumayo ako at pinameywangan siya. "Excuse me? Jeje?! Lee Min Ho? Jeje?! Hah! Ikaw ang mas jeje, bakla'ng 'to. Ang gwapo nga ni Lee Min Ho, tapos jeje? Ang ganda kaya niya'ng manamit! Baka ikaw ang jeje! Hoy, bakla'ng jeje, ikaw ang magsasaing ng kanin ngayon dahil sa pagtawag mo sa palabas na 'to na jeje!" Nag-aalab na 'yung galit ko habang nakatingin ng matalim kay Lucas pero ang bakla, tinawanan lang ako.

"Bes, umuusok 'yung ilong mo. Mas lalo ka'ng nagiging chaka." Dahil sa sinabi niya ay huminga ako ng malalim.

Saan niya nakuha ang tapang na tawagin akong chaka? Bulag ba siya? O sadyang tanga lang talaga siya? Ako, na si Maria Fabiana Fujiwara na sobrang ganda at yaman, tinatawag niya'ng chaka? Kapag talaga ako, nagkadibdib, who you siya sa akin, hah! Makikita niya.

Nagdabog ako habang pababa. "Matulog ka na diyan. Tutal 'yan naman ang sabi mo. Kakain muna ako ng masarap na pagkain dito sa baba. Hmm, samahan ko nalang din kaya ng ice cream at gagawa din ako ng mango float para mas masaya ang solo dinner ko di'ba?" Napahagikgik pa ako dahil nakikita ko 'yung adam's apple niyang nagtaas-baba. Tumalikod na ako sa kanya at lumabas. "Mukha'ng magiging mas masarap ang pagkain ko ngayong gabi kapag may mainit na sinigang akong lulutuin." Pagpaparinig ko sa kanya. Nilakasan ko 'yung boses ko para marinig niya talaga. Aba, mainggit siya.

Pero siyempre, ang lahat ng iyon ay pawang walang katotohanan. Joke lang ang lahat ng 'yun.

Umupo ako sa upuan sa dining table at nakababa 'yung mga balikat ko. Kailan ba ako matututo'ng mag-luto? Eh, pancit canton lang ang kaya ko eh. Minsan nga, sobrang lambot na dahil iniiwan ko lang sa tabi kapag nagluluto ako.

Nakakainis talaga! Gusto ko nang kumain ngayon. Nakakagutom. Binuksan ko ang ref at wala akong nakitang laman doon. Sinarado ko nalang iyon ng malakas at nakababa na naman ang mga balikat ko dahil wala na talagang pag-asang makakakain na ako maliban nalang kung kakain ako sa labas.

Tama, sa labas nalang ako kakain tutal hindi naman na ako nakalabas ng bahay simula kanina 'nung hinatid kami ng mga magulang namin dito.

Pupunta na sana ako sa kwarto para kunin 'yung cellphone ko nang biglang tumambad sa harapan ko si Lucas. Napasinghap pa ako habang nakahawak sa dibdib ko.

"Ay bakla'ng kabayo!" Inirapan ko siya. "Pasulpot-sulpot ka ah! Para kang kabute!" Singhal ko.

"Nasaan ang mga pagkain?" Tanong niya. Lumalabas na din 'yung pagiging lalaki niya lalo na't mapupungay ang kanya'ng mga mata habang tinatakpan ng ilang hibla ng buhok niya ang kanyang noo. Nakatitig din siya sa akin na parang binabasa niya ang mga mata ko. Jusque. 'Yung noseline po niya. Nasa heaven na po ba ako? Ba't ang gwapo'ng nilalang ang nasa harap ko? "Ang tagal mong magluto." Umirap pa siya kaya nawala bigla 'yung mga papuri ko sa kanya na parang bula na lamang. Nakakainis, okay na sana. Sinira niya pa.

"A-ano, lalabas sana ako para doon na kumain." Sambit ko at nilagpasan siya pero nagsalita siya muli.

"Hoy chaka, gabi na." Sambit niya kaya napatigil ako.

Biglang tumibok ng malakas 'yung puso ko. "C-concern ka?" Tanong ko.

Napapangiti na rin ako habang mas bumibilis 'yung pag-hinga ko. Juice colored. Magiging mabait na ba itong si Lucas sa akin?

"Hindi 'no! Baka may ma-rape ka pa, ikaw pa naman 'yung nagmumukhang lalaki." Tumawa pa siya kaya naiwang nakaawang ang bibig ko at 'yung mga mata ko ay parang walang buhay na nakatingin sa kawalan.

Asa pa akong magiging mabait 'yan.

Ang Boypren Kong BekiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon