Kabanata 19: Tunay na Damdamin

2.7K 97 2
                                    

Kabanata 19: Tunay na Damdamin

Maria Fabiana Fujiwara

"Attention everyone." Narinig naming tumikhim si Lolo kaya bumalik kami doon at nakinig. "Next week will be the wedding of Mr. Lucas Caleb Aragon and Ms. Maria Fabiana Fujiwara. You are all invited!" Masiglang bati ni Lolo at bumaba na. Bumalik na rin sa pagsasaya ang mga tao samantalang nakanganga pa rin ako.

Biglang lumakas ang kabog ng puso ko lalo na nung hinawakan ni Lucas ang kamay ko. Inangat ko ang tingin ko sa kanya at nakita kong seryoso ang mukha niya.

"Gian," bati niya kaya napalingon ako sa kung saan siya nakatingin. At tama nga ako, nandoon si Gian at nakangiti sa aming dalawa.

"Lucas," nginitian ni Gian si Lucas na parang may pinapahiwatig. Hmm?

Pinisil ni Lucas ang kamay ko, "Chaka, punta muna ako sa banyo nila." Sambit niya at binitawan ang kamay ko. Bigla ding nawala 'yung parang may kung anong nararamdaman ako sa tiyan ko.

Sasabihin ko sana sa kanya na sasama ako pero nakakahiya naman dahil sa banyo siya pupunta. "Ah sige." Umalis na siya sa harapan namin ni Gian kaya nilingon ko si Gian at ngumiti.

"You look absolutely stunning, Mariana." Napayuko nalang ako sa sinabi niya.

"Uh? Thank you?"

"Come, let's eat." Sabi niya at hinawakan ang kamay ko at nagtungo kami sa buffet table.

Bakit ganoon? Kapag si Lucas ang humahawak sa akin, parang kinukuryente ako, pero wala naman akong nararamdaman ngayon na hawak ni Gian ang kamay ko.

Nasa kalagitnaan na kami ng paglalakad nang lingunin niya ako at nginitian. Sinuklian ko nalang din siya ng ngiti dahil masaya naman siyang kasama. Nakakalito, minsan, gusto ko si Gian ang kasama ko, kadalasan, si Lucas.

Hindi ko man aminin sa sarili ko, pero alam kong may kaunting nararamdaman na ako kay Lucas. Nakakainis lang kasi parang wala lang sa kanya. Siyempre, puso babae siya e.

Kumuha na kami ng plato at pumwesto sa malapit na table. Magkaharap kaming dalawa habang kumakain. Konti lang ang nilagay ko sa plato ko, baka isipin ni Gian na PG ako. Short for patay gutom. Mehehehe.

"Mariana, kumain ka pa." Sambit niya habang nakangiti.

Umiling lang ako, "Ah he he. Mamaya din." Sambit ko at ngumiti din sa kanya.

"Kamusta naman kayo ni Lucas?" Tanong niya sa akin. I turned my gaze to him because of what he said.

Napangiti nalang ako nang maisip ko na palagi kami'ng nagbabangayan noon, ngayon, nagbabangayan naman kami pero may halong sweetness na. Sana lang talaga hindi lang ako ang may nararamdaman sa kanya.

"Okay naman kami, minsan nagbabangayan pero hindi din naman kami nag-aaway ng seryoso." Dahil sa sinabi ko ay napatawa kami'ng dalawa.

* * *

Lucas Caleb Aragon

Nang makalabas ako ng CR ay bumalik ako sa ginanapan ng party. Kung hindi sana nagpahiwatig si Lucas na sila muna ang mag-uusap ni Chaka sa ngayon, malamang sa malamang, hindi ko bibitawan ang kamay nung chaka'ng 'yon.

Nang matanaw ko kung nasaang table sila ay bigla'ng lumakas ang kabog ng dibdib ko at nanlumo. Para'ng lahat ng dugo ko ay kumulo at umakyat sa ulo ko. Isa lang ang nasa isip ko ngayon... hindi ko gusto ang nakikita ko.

Nakakainis dahil nakikita ko si chaka na masaya kasama si Gian. What now?! Inlove na ba siya kay Gian? Kakanselahin na ba ang kasalan? Hah! Mabuti nga 'yon para wala na akong makitang chaka araw-araw, kada bukas ng mata ko sa umaga... mas nakakalungkot 'yon.

Ang Boypren Kong BekiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon