Introduction

87 4 0
                                    

Maymay's POV


Sabi nila, panget daw ako at wala akong patutunguhan dahil nga panget ako. Ano ba? Kailangan talaga, ulit-ulitin?


Pero ang pinakamasakit at pinakamasaklap sa lahat, at hindi ko talaga matanggap-tanggap!


Wala daw akong magiging lovelife!


Sinabi sa akin ni mama noon, kapag nakahanap ako ng lalaking tunay na magmamahal sa akin, mabrebreak daw ang sumpa ng kapangitan ko. Ano namang kalokohan yun?


Somehow, nangangarap din ako na sana makahanap ako ng taong magmamahal sa akin.


Yung hindi lang sa panaginip o imagination ko lang siya makikita. Gusto ko yung the one.


The One na makikita ko araw-araw..


The One na makakasama ko for a life time..


Yung tipong hindi ako lolokohin, sa halip, ipaglalaban ako at mamahalin kung sino ako kahit anong klaseng pagmumukha pa ang meron ako.


Teka, meron pa nga ba akong makikitang ganun?


Sa kabila ng kagustuhan kong magkaroon ng lovelife, may pangarap din naman akong nais makamit. (Aba syempre naman!)


Una sa lahat, gusto kong matulungan ang pamilya ko, makapaghanap ng marangal na trabaho pero isa lang talaga ang sinisigaw ng puso ko, ang maging Recording Artist balang araw!


Ako si Marydale Entrata. Papatunayan ko na walang imposible kung mangangarap ka at maniniwala na maaabot mo ito!


P.S Sana maging successful din ako sa lovelife! Hihih.

Crazy Little Thing Called Skrengge!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon