Chapter 5: Edward ATM

10 0 0
                                    

Maymay's POV



Narito ako ngayon sa harap ng unit ni Edward bitbit ang isang malaking maleta. Susko, ang layo ng room niya kaya pawisan ako ngayon. Bahala na, magtiis siya sa amoy ko haha.

Automatic na nagbukas ang pinto kaya pumasok na ako. Namangha ako nung makita ko ang loob ng unit niya. I can say na doble ang laki nito compare sa bahay namin. Sa bagay, ano pa bang aasahan ko eh sa mamahaling condominium siya nakatira.

Nagtuloy ako sa loob at pinagmasdan ang buong paligid. Simple lang ang design niya pero napakaclassic tingnan. Pinangarap ko lang dati na makapasok sa ganitong lugar, ngayon dito narin ako titira. May dalawang kwarto sa loob ng bahay, may mini kitchen, dining area at entertainment room.

Natuwa ako ng makita ang sets of instrument. Nakalimutan kong sabihin sa inyo na musically inclined ako, sa katunayan nga may ilan na din akong nacomposed na kanta. Lalapit na sana ako nung biglang may nagsalita.

"You're here." Sabi niya habang naka-crossed arm. Taray.

"Nakikita mo naman." Sabi ko habang nakangiti.

"Good. Come here, I will show you your room." Sabi niya at parang mayor na lumakad patungo sa isang kwarto.

Anong good dun? Talaga 'tong si Edward wala nang masabing matino. Sinundan ko lang at tumigil kami sa harapan ng kwarto na tutuluyan ko.

"This is your room." Sabi niya at ibinigay ang susi nito. "And that room over there, is mine." Sabi niya habang tinuturo ang kulay asul na pinto. "Never go there unless I call, okay?" Dagdag niya pa.

Tumango lang ako bilang tugon. Siguro may lihim siyang tinatago dun kaya ayaw niyang magpapasok sa kwarto niya. Bushak, baka may chainsaw dun!

"There's no sharp thing inside my room so don't even think about it. Just finish your thing and go to entertainment room. Hurry!" Sabi niya at umalis na. Mind reader ba siya? How come na nalaman niya ang nasa isip ko?

Pumasok na ako sa magiging kwarto ko at bumungad sa akin ang kulay red na room, hindi naman siya masakit sa mata actually ang cute niya. All red. Simple lang pero eleganteng tingnan. Hmm, since all red ang buong kwarto ko ibig sabihin, all blue naman ang kwarto niya? Teka, bakit parang kinikilig ako?

After kong ilagay sa tamang lugar ang mga gamit ko, lumabas na ako nang kwarto at pumunta sa int. room. Hindi parin mawala sa paningin ko ang mga instruments na narito.

Gusto kong tumugtog ng gitara, actually I can play drums too. Marunong din akong magpiano kaso basic lang ang alam ko. Natutunan kong tumugtog dahil tinuruan ako ng mga ka-churchmates ko.

Hindi ko naman matututunan ang lahat ng ito kung wala akong passion sa music kaya kung gusto nyong matutong tumugtog ng paborito niyong instrument dapat may panahon kayo para dito at lalong higit sa lahat, ang desire nyong matuto kahit gaano pa 'yan kahirap. Kung gusto nyo namang matutuhan lahat, one at a time lang dapat. After mong mamaster ang isang instrument, saka mo pagtuunan ng pansin ang iba para makapag-focus ka. Parang pag-ibig lang yan e, kung gusto mong magtagal ang relationship nyo, mag-stick to one ka, hindi yung pinagsasabay mo sila.

"Hey, are you listening?" Iritado niyang tanong. Ang sungit niya ata ngayon?

"Sorry, come again?" Sambit ko.

"I said, there will be rules in my house and you must follow every rule here." Sabi niya at nilapag sa table ang isang pirasong papel. Take note: All CAPS and Bold letter.

Mawawala ba naman ang rules and regulations keme sa story? Binasa ko ang 10 commandments este ang rules ni mayor.

1. Never go to my room.
Pinanindigan niya talaga ito ano? Para namang rereypin ko siya kapag pumasok ako sa kwarto niya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 22, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Crazy Little Thing Called Skrengge!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon