Chapter 1: Ang Pagtatagpo

55 3 0
                                    

Maymay's POV


🎶 Take a look around, take a walk down town, wonderin' if what you have been telling me is true 🎶

🎶 The I've been livin' large should I accept that it's too hard forget about your dreams, girl. Lalalala.. 🎶

"Hmm, ano pa bang pwedeng isunod dito?" Tanong ko habang nakatingin sa phone ko. Hindi ko napansin na dumaan na pala ang bus kaya dali-dali akong tumayo.

"T-teka lang! Sir, wait lang!" Sigaw ko habang hinahabol ang umaandar na bus.

Susko, hindi pa ako nakakarating sa school pinagpapawisan na ako. Nung makasakay na ako, kinuha ko ang aking earphone at sinuksok ito sa aking tenga.

Now playing: It's beautiful day by Jamie Grace

Ako si Marydale Entrata, 3rd year college and taking up Business Administration. Isa akong working student at nag-aaral sa isang sikat at kilalang paaralan, ang Stratford University.

Hindi man ako kasing yaman ng mga nag-aaral dito, mayaman naman ako pagdating sa pag-aaral. Aba, sino ba namang mag-aakala na makakapag-aral ako sa ganitong school? Kahit nga magulang ko hindi makapaniwala. (-__-)

"Maymay!" Sigaw ng kaklase ko. Agad naman akong lumingon at tinanong kung bakit niya ako tinatawag.

"Natapos mo na ba ang pinapagawa ko sayong project?" Tanong niya.

"Syempre naman!" Masaya kong sabi sa kanya. Pinakita ko ito at natuwa naman ako nung magustuhan niya ang ginawa ko.

"Thanks!" Sabi niya at inabot ang kanyang bayad. Ganun lang kasimple, kung gusto mong makasurvive, kailangan mong gumawa ng paraan para mabuhay.

Hindi nagtagal, dumating narin ang teacher namin. Nagsimula na siyang magtawag ng aming pangalan. Hindi pa man nakakarating sa letter B, isang napakagwapong lalaki ang dumating sa pinto ng aming room.

"Oh class, I forgot to say.." Ms. Parker

Bushak! Huwag mong sabihin na isa siyang transferee at dito siya mag-aaral? Ganito kasi lagi ang nababasa ko sa pocketbooks. Isang girl from mahirap na buhay, mamemeet ang isang napaka-gwapong boy from rich family and at the end of the story, magiging happily ever after ang ending nila! Parang fairytale lang.

"He is Marco Gallo, from Elite School. He will be.."

"Your classmate." My delulu mind said. Napatingin ako sa mga classmates ko na naghihintay rin ng sasabihin ng aming teacher.

"One of the students na mag-aaral dito sa Stratfort University. Actually, napadaan lang siya para kunin ang schedule niya dahil sa akin siya naka-assigned."

Napanganga nalang kami sa aming narinig. Hinihintay kong sabihin ni ma'am na Class, joke lang. Kaso mukhang imposible na bawiin niya pa ang sinabi niya. After niyang makuha ang schedule niya, agad narin siyang umalis. Mukha naman siyang suplado. Hmmp.

After ng klase, dumiretso ako sa cafeteria para gawin naman ang trabaho ko. Hindi pa man ako nakakarating nung makita ko ang besfriend kong si Vivoree. Dali-dali siyang lumapit sa akin at hinila ako sa isang table.

"Bes, may kwento ako sayo!" Masigla niyang sambit.

"Spill it." Mabilis kong sabi.

"May bago kaming kaklase, gosh! He's so handsome, as in super cute!" Kinikilig niyang sabi.

Crazy Little Thing Called Skrengge!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon