Chapter 4: Roomates

10.3K 425 8
                                    

Choco's POV

Hapon na at mukhang wala naman nang gulo sa buong mag hapon ko. My first day in school looks normal for me. Well except lang naman dun sa mga bwisit na yun kanina.

Nag lalakad ako sa hallway palabas na ng high school building. Yeah St. Bernard has a high school and college kaso may harang nga lang. Tsk, nasa harap ako ng faculty room ng tinawag ako ng isang babae, siya ata yung secretary nung Headmistress.

"Mr. Pink I just want to tell you na di pala pina payagang lumabas ng campus ang mga student once nan a enroll na sila sa St. Bernard" sabi ng secretary. Medyo nagulat naman ako kasi di ko yun nabasa eh.

"So saan ako matutulog?" tanong ko dun sa babae

"May mga dorms naman kami dito, ihahatid na kita dun. Kaso matutulog ka muna dun sa katabi ng pinapagawang room, may mga makakasama ka din duon, ayos lang ba?" sabi ulit ng babae. Tumango nalang ako bilang sagot.

"Very well, this way please" sabi nito at nauna siyang mgalakad.

Medyo malayo pa daw yung dormitory kung kaya kaylangan naming sumakay sa traysikel. Yup St. Bernard is not just a school, parang baryo narin ito, bukod sa paaralan, may mga mini stores na rin at book store, at kung ano-ano pa, kaya lang wala lang silang palengke and mall. Kasi pwede naman daw lumabas ang mga student pag weekends para bumili ng mga pagkain nila sa labas. Huminto yung traysikel dun sa harap ng parang mini-subdivisions eh.

"Nandito na tayo, punta muna tayo sa reception area. Para maka log-in ka at ma pamilyar mo yung lugar" sabi niya at nag lakad na ulit kami. Maganda ditto, di ako nag sisi na nag enroll ditto. Pumasok kami sa parang mini-office at may nakita kaming naka upo na babae.

"Ms. Jane, siya na ba yung lilipat dito" tanung nung naka upon a babae

"Oo Joy, nandito kami para ipa log-in siya, at bahay niya yung katabi ng bahay ng 4 musketeers" paliwanag ni Jane

"Ganun ba oh sige, ako ng bahala" sagot nung Joy

"Pano, ihahatid ko na siya. Pano? Mauuna na kami" paalam ni Jane. Tahimik lang ako at nakikinig sa mga pinag sasabi nila, paki ko ba sakanila?

Nag lakad pa kami ng kaunti at huminto sa tapat ng medyo may kalakihang bahay ditto sa mini-subdivision nato. Nag doorbell naman si Jane at biglang bumukas yung pinto at nagulat ako nung si Atom ang bumukas

"Good Afternoon Miss Jane what can I do?" tanong ni Atom

"Ah, inihatid ko lang kasi si Choco, dito muna siya titira panandalian habang ginagawa pa yung bahay sa tapat" sabi ni Miss Jane.

"Ganun po ba? Sige po kami na po bahala sa kanya." Sabi naman ni Atom

"Oh siya, uuwi na ako. Choco pag may kailangan ka wag kang mahiya sa kanila" sabi naman ni Miss Jane. Tumango nalang ako bilang sagot, pinanuod ko muna sa Miss Jane hanggang nawala na siya sa paningin ko.

"Uii, dika pa ba papasok?" tanong ni Atom

Pumasok ako sa kanya at inirapan lang siya.

"Grabe ka, ikaw na nga yung nakikituloy eh ikaw pa ang masungit" naka pout na sabi ni Atom

"Whatever, kasalanan ko ba kung bakit di ginawa agad yung bahay ko?" pangangatwiran ko. Umiiling-iling si Atom. At dumiretso ako sa kusina, ako kasi yung tao na kusina agad ang hinahanap.

"Ano ginagawa mo dito? Gutom kana ba?" Tanong ni Atom. Umiling ako, at bigla ko nalang naisipan ang mag luto. Siguro kinakalawang na ang skills ko sa pag iimbento at pag gawa ng mga masasarap na putahe.

"Anong meron sa fridge?" tanong ko kay Atom

"Raw meat of pork and vegetables, why?" tanong ni Atom

"Hmm, wala naman. Sige na bumalik kana sa ginagawa mo, kug meron man" sagot ko

"Okay," sagot ni Atom na para bang na wi-wierdohan na sakin.

Khalil's POV

Na alimpungatan ako nang may narinig akong sigaw sa baba na di pamilyar sakin.

"Atom ano ba di kapa ba diyan aalis oh ibubuhos ko itong sabaw ng sinigang sayo!!" sigaw ng di pamilyar na boses

"Oo na aalis na nga" sagot naman ni Atom

"Buti pa si Klein tahimik lang at naka upo" sagot ulit ng di pamilyar na boses. At dahil naniniwala ako sa curiosity kills a cat, lumabas ako at dumiretso sa kusina. Dahil don ko nadinig ang boses nila.

"Sino ba yang kasama niyo at ang ingay niyo­­­-- Choco?" gulat na tanong ko

"Uii bro, panandalian muna daw titira si Choco dito kasi ginagawa pa yung bahay dun sa harap eh" pag papaliwanag ni Atom. Tiningnan ko naman rection ni Choco at mukhang wala itong pakialam at ipinag patuloy ang pag luluto nito. At siyempre si Klein ayun as usual tahimik.

"Ano tapos na ba kayo mag usap? Kakain na tayo" sabi ni Choco. Ang yabang talaga kahit kalian.

"Yesssshhh, matitikman ko na ang sinigang nayan, ang tagal ko nang di nakaka kain ng lutong bahay eh" sabi ni Atom. Waaahhh sinigang daw *Q* sharapp naman niyan.

"Sige, kainan na" sabi ni Choco

Waaaahhhh!!! Naka ilang sandok na ba ako ng sinigang, ansharap eh *Q*

"Di naman halata na paborito mo ang sinigang bro" singit ni Atom

"Whatever Atom," sagot ko sabay irap. Nakita ko naman ang amusement sa mga mata ni Choco, pero agad din ito napalitan ng kalungkutan.

"Siya nga pala Choco, dun ang room mo sa dulo ng hallway nasa right side katabi ng room ni Kloyd at katapat ng room ni Khalil" paliwanag ni Atom. Tumango lang si Choco bilang sagot.

"Ah nasan nga pala si Kloyd?" tanong ni Choco

"Umuwi sa kanila dumating daw kasi parents niya eh" sagot ni Atom. Kita ang pag ka balisa ni Choco sa sinabi ni Atom sa kanya. I don't care about him anyway.

***************************************************************

Ah yeah. May UD na hoho. Geh pakibasa nalang. :)

~DYOSANG P I N K <3

[✔] Baklang Bitter! #MPregTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon