Hazel
"Loviiiiiii!" Sigaw ko kabang tumatakbo papunta sa bestfriend ko.
"Ano ba naman Bev! Ang aga-aga ang ingay mo! Shhh" sigaw niya sakin tapos nilagay niya yung index finger niya sa bibig niya. Acting for me to keep quiet.
"Hay nako. Whatever. Alam mo ba, kagabi, ka-chat ko si Luis!" Yumakap ako bigla sa kanya.
"Oh? Ano namang napagusapan niyo?" Walang gana niyang sabi. Nagbabasa kasi ng tungkol sa Science thingy.
"Nagtanong siya kung anong assignment natin" masaya kong sabi.
Nakita ko naman sila ni Angel na humahagalpak na sa tawa.
"Why? Did I say something wrong?" Takang tanong ko sa mga kaibigan kong baliw.
"Pfft. Wala naman, kala naman kasi namin kung ano. Hahahaha!" Tawa parin ng tawa si Angel.
"Oo nga naman Bev. Haaay, sige asa ka pa dali! May Pinky na kaya yun! Hahaha" sabi naman ni Lovi.
"It's Hazel, not Bev. Not Beverly either. Bev and Beverly is not so pretty. Duh! But, whatever. Magb-break din yang si Luis at si Pinky!" Sabi ko.
Napailing nalang silang dalawa.
Bigla namang dumating si Ms. Argead at nagsiayos na kami ng upo. History lesson nanaman. Ugh.
A/N: Argead pronounced as 'Argiyad'
"Okay class, our lesson for today is about the history of Europe and, I want you to be-" hindi natuloy ni Ms. Argead dahil biglang bumukas ang pinto ng room.
"Sorry I'm late" ohmy! Anjan na si loves!
"Next time Luis, I won't be accepting you in my class if you are tardy." Sabi ni Ms. Argead"Noted Ms. Argead" umupo na si Luis sa upuan niya. Katabi niya si Lovi.
Nagpatuloy na ang lesson at guess what, Boring! Ugh.
But para hindi naman ako ma-bored, mag papakilala muna ako sa inyo.
Ako si Beverly Hazel Gatefco, 18 years of age, taking my course BS HRM in Aqua Oasys Academy. Di naman ako mayaman, hindi rin mahirap. Katamtaman lang. Hahaha. Well, halata niyo naman, adik ako kay Luis. Hayyyys. Kaso nga lang, may karelasyon na sya sa ibang grade. At si Pinky yon. Kaiyak nga eh.. Maganda naman ako, matalino, mataray, haha. At mataba. Hays.
"Excuse me, Ms. Gatefco, are you in?" Bigla naman akong napatuwid ng upo. Eto nanaman tayo.
"Uh, o-oo naman po ma'am." Shit. Nagdadaldal kasi ako sainyo! Yan tuloy!
"Ma'am? How many times do I have to tell you that it is more formal to call proctors in the word Ms. than Ma'am!" Phew. Okay, may leon po.
"Excuse me Ms. Argead, sorry to interupt you, but, the bell rang already, and my classmates and I are going to have our break." Woah. That was great! I think i'm blushing. Luis! Don't let me totally fall to you. Tho i am already fallen. Stupid.
"Hmp! Bye!" Padabog na lumabas na si Ms. Argead sa room namin. Napatingin ako kay Luis na nakatingin din sa akin.
"Uhm.. Uh, thanks?" Fuck! I acted wierd!
I heard him chuckled. Ang cuteeee! Wala siyang sinabi sa akin at tumalikod nalang. Woah!!
"Huy! Bev! Ano na? Yelo lang ang peg?" Napatingin ako kay Angel na nakapamewang na nakaharap sakin.
"Guys, nginitian niya ko!!!" Sigaw ko at niyugyog yugyog si Lovi. Hahaha. Ohmyghaaad.
"And so? Tara na, gutom na ko, after an hour uwian na rin natin." Walang kwentang Lovi to! Di man lang supportive. Huhu.
"Mall tayo mamaya?" Tanong ni Angel samin.
"Pass muna ako." Gusto ko kasi i-chat si Luis agad pagka-uwi eh.
"Himala! Woah woah woah.. Nag-pass ang ultimate shopper ng squad natin. Lovi, narinig mo ba yun?" Nagtinginan silang dalawa.
"Hmmm. I smell something fishy. Baka naman kasi iiistalk nanaman si Lu-" hindi nya natapos yung sasabihin niya kasi nagsalita na agad ako.
"Hindi ah! No I won't. Pagod lang talaga ako, gusto ko magpahinga." Depensa ko naman sa sarili ko.
"Hmmm. Okay!" Sabi nung dalawa..
Di nagtagal, after namin kumain, naguwian na rin.
Since magma-mall sila Lovi at Angel, uuwi na ako. Ich-chat ko na si Luis!!!
BINABASA MO ANG
Hindi Pinagtagpo
Teen FictionSiya si Beverly Hazel Gatefco. Mayaman, maganda, matalino, pero chubby. Nasa kanya ang lahat. Ngunit may isang hindi kayang ibigay ng tadhana, at yun si Luis. Patuloy pa rin kayang aasa si Hazel, o siya na ang kusang magpalakawala ng taong mahal niy...