"Bev." ani Luis ng pagbuksan ko siya ng pinto.
Hindi ako makapaniwala na sa oras na ito ay nasa harapan ko ang lalaking mahal ko.
Napatingin ako kay Luis na iniwawagayway yung kamay niya sa mukha ko.
"A-ah. Hey." Hindi pa rin ako makapaniwala.
Napaigtad ako nung hawakan ni Luis yung bewang ko at bumulong.
"Halika, ubusin na natin yung adobo mo." Binitawan niya na ako atsaka dumeretso sa kusina. Isinarado ko na yung pinto at sumunod sakanya.
"H-hoy! Bakit ka ba nandito?!" I tried my best na sungitan siya para hindi niya mahalata na may gusto ako sakanya.He chuckled. "Masama ba? Tutulungan na nga kitang ubusin yung adobo mo eh." Matapos niyang sabihin yun, tumalikod na siya sa akin at nagpatuloy sa pagsandok ng kanin.
Bumalik na ako sa mesa at pilit na pinapakalma ang sarili. Bakit ba siya nandito? Asan ba si Pinky? Nag away kaya sila? Nag break na ba sila?
I laughed with my own thoughts. Kung sana ganun kadali na paghiwalayin sila.
"So Bev, let's talk about your lovelife." So andito na pala siya sa harap ko. I laughed.
"My what?" I asked. And continue eating.
"Your love life." Napatingin ako sakanya at napatitig sa gwapo niyang mukha. My god. Stop torturing me.
"Hey! Staring is rude, you know?" agad naman akong napaiwas ng tingin. Nako bev.
"E-eh bakit kasi love life ko pa? Tsaka, wala naman ako nun. Hahaha. Yung iyo nalang. Kamusta kayo ni Pinky?" Labag sa kalooban kong itanong yun pero kusang lumabas sa bibig ko.
"We're good." I just gave him a faint smile. Ang sakit. Nagseselos ako. Nagseselos ako kasi nakikita ko talagang mahal na mahal niya si Pinky.
Bakit ako nagseselos? Ano bang karapatan ko?
BINABASA MO ANG
Hindi Pinagtagpo
Teen FictionSiya si Beverly Hazel Gatefco. Mayaman, maganda, matalino, pero chubby. Nasa kanya ang lahat. Ngunit may isang hindi kayang ibigay ng tadhana, at yun si Luis. Patuloy pa rin kayang aasa si Hazel, o siya na ang kusang magpalakawala ng taong mahal niy...