Okay so pagdating ko sa apartment ko, nagbihis na ako. Humiga muna ako para magpahinga.
After 30 mins, naisipan ko rin mag facebook. Hindi ko mapigilang mainis sa nakita ko na profile ni Pinky Regesco! Eww like duh!
Ang profile niya lang naman ay nakatalikod siya habang suot suot niya yung jersey ni Luis! May nakalagay na 'Imperial 06'.
Hmp! Magbbreak din to! Ang panget kaya ni Pinky! Haha.
Habang sinusuri ko ang profile ni Pinky, biglang may nag-chat sakin.
Luis: Hi! :)
Si luis ba to? Ohmyghaaad. Teka ich-chat ko muna siya.
Hazel: Hello!
Luis: Kamusta? Okay ka lang ba kanina? Para kang ewan nung pinapagalitan ka ni Ms. Argead eh.
Hazel: Ayos lang naman ako.. Thankyou nga pala kanina, kasi kung hindi mo kinausap si Ms. Leon, baka sinigawan na ako ng bongga nun!
Luis: Hahaha. Oo okay lang.
Ano ng itatopic ko? Huhu. Ah!
Hazel: Pagod ka ba? Kakauwi mo lang?
Luis: Uhm.. Mejo kani-kanina lang.. Nakita nga kita nagaabang ng jeep eh, dapat sasabay na ako sayo kanina, kaso nauna ka na.
Sheeet! Luis dapat sumabay ka na sakin!
Hazel: Ah, buti hindi ka sumabay, baka makita pa ako ni Pinky, sabihin pa nun inaagaw kita sakanya.Luis: wew. Hindi na nga ako priority nun eh.
Hazel: Oh, sorry to hear that.
Napansin kong 8:00 na pala. Di pa ko nagdidinner, baka padating na sila Lovi, eh sa iisang apartment pang naman kasi kami nakatira. Sa Surigao nga ang province namin eh.. Tuwing bakasyon lang kami umuuwi dun.
Luis: kumain ka na ba? Wag ka magpalipas ng gutom. Masama yun.
Is it real? Bakit parang concern si Luis sa akin.
Hazel: ah, uhm. Hindi pa nga eh. Magluluto na muna ako..
Luis: ganon? Kumain ka na.. Gusto mo ba pumunta ako jan? Ipagluluto kita.
Woah, what's happening?! Bakit ka ganyan Luis?!
Hazel: hala wag na uy!!! Kaya ko namang magluto..
Luis: Ano namang lulutuin mo?
Hazel: maybe, adobo. Yung maanghang. Masarap kasi yun eh.
Luis: maanghang?
Hazel: uhm, oo, favorite ko kasi yung maanghang.
Luis: masarap nga yun! Penge ako, hahaha.
Hazel: teka! Magluluto na muna ako.
Luis: oh sige sige..
Habang nagluluto ako, hindi ko mapigilang mapangiti. To think na routine na naming magchat ni Luis araw araw. As in. Yung tipong para kaming mag-on? Na paggaling sa eskwela, chat na agad, pagkagising mo, may 'goodmorning :)' na chat galing sa kanya. Masarap yung ganun no? Lalo na kung kami.. Kaso hindi eh.. Hindi. May Pinky siya..
**kriiiiiiiing**
Angel calling...Sinagot ko na ito..
-Hello?
-Oy Hazel, mga before na 12 na kami makakauwe.
-12? Bakit sobrang late?!
-Eh sa naisipan kong magclubbing.
-Sasama sayo si Lovi?
-yup.
-O himala?! Napapayag mo!
-haha. Powers ko pa ang kwekwestyonin mo!
-eh pano to? Nagluto ako ng dinner.
-edi kainin mo, kaya mo naman yan. Baboy ka eh.
-ay grabe siya oh! Hayuppp! Sige na, masusunog na tong adobo ko. Hahaha.
-okay! Ciao!
-Ciao!
End Call
Napatitig nalang ako sa adobong niluluto ko. Ang dami nito! Pano ko to uubusin? Ayaw naman nila Lovi na nagiiwan ng pagkain sa ref. Kasi hindi naman na daw yung makakain. Matatambak lang. Pero to think na chocolates lahat ang laman ng ref namin..
Nagsandok na ako, ng para sa akin lang. Malamang ako lang naman magisa kakain ngayon. And daya nila Angel, hindi nagyaya :(.
Napatingin ako sa cellphone ko ng may tumatawag nanaman. Baka si Angel ito, kung kaya't sinagot ko na at hindi na tiningnan ang screen.
-Hello? Tatawag tawag ka pa, magclub nalang kayo! Namromroblema na nga ako kung paano uubusin tong adobo eh!
-Uhm. Hello, Bev.
Hindi si Angel ito.. Hindi din si Lovi.. Para akong nabuhusan ng malamig na tubig nang marinig ang boses niya.
-L-luis. A-ah hi?
He chuckled..
-namromroblema ka sa adobo hahaha. Ubusin mo na..
-hindi ko kaya no! Bat ka pala tumawag?
-itatanong ko lang sana kung tapos ka na magluto.
-oo tapos na. Ge kakain na ko. Bye!
-pffft. Okay okay! Bye!
End Call.
Susubo na sana ako ng biglang may nagdoorbell sa pinto..
8:30 palang? Baka nalasing na sila angel.
Binukasan ko na ang pinto. Hindi kp akalaing ang lalaking mahal ko ang nasa harap ng pinto. Napahawak ako sa bibig ko..
L-Luis..
BINABASA MO ANG
Hindi Pinagtagpo
Teen FictionSiya si Beverly Hazel Gatefco. Mayaman, maganda, matalino, pero chubby. Nasa kanya ang lahat. Ngunit may isang hindi kayang ibigay ng tadhana, at yun si Luis. Patuloy pa rin kayang aasa si Hazel, o siya na ang kusang magpalakawala ng taong mahal niy...