Magkasamang naglalakad ang mag-amang sina Lira at Ybarro sa kakahuyan upang maghanap ng makakain.
Masayang-masaya si Lira dahil unang beses niya pa lamang niyang makakapiling ang kanyang ama ng sila lamang dalawa.
"Tay, masaya ako na makapiling na kayo ni inay."
"Masaya din ako, kami, na makapiling ka nang muli anak."
Hindi nagatagal ay may nakitang masasarap na prutas si Lira. Sa sobrang kulit niya ay tinakasan niya ang kanyang ama upang mamitas ng mga prutas. Hindi namalayan ni Ybarro na naka-alis na si Lira sa tabi niya hanggang sa may narinig siyang tunog ng ahas. Dali dali siyang tumakbo kung saan niya ito narinig sa pangambang may nangyari kay Lira.
Punong-puno siya ng paghihinagpis ng makita niya si Lira, ang kanyang anak, na nakahandusay sa lupa at wala ng hininga dahil sa isang masamang Bathaluma, si Ether.
"Bathalang Emre", sambit ng prinsipe, "bakit ninyo hinayaang magkaganito ang aking pinaka-mamahal na anak?"
Malungkot na bumalik si Ybarro sa kuta ng mag-isa. Nangangamba siya sa magiging reaksyon ni Amihan. Nakita niyang papalapit ang reyna.
"Ybarro, nasaan si Lira? Hindi ba't magkasama kayo?", tanong ni Amihan na may halong pangamba
"Amihan, patawad pero nawala sa aking paningin si Lira kaya't tinakasan niya ako.", Alam kong masamang magsinungaling ako kay Amihan ngunit ayaw kong magalit siya sa akin.
Hindi nawala ang pangamba ni Amihan kaya nagtungo siya sa kubol ni Pinunong Ymaw upang malaman ang tunay na nangyari gamit ang tungkod nito.
Labis na lamang ang sakit na naramdaman ni Amihan ng malaman niya ang tunay na mga nangyari. Nawala na nga ang kanyang anak, nagsinungaling pa sa kanya si Ybarro.
Pagkalabas niya ng kubol ni Pinunong Ymaw ay sinugod niya si Ybarro at sinampal.
"Ano ang kasalanan ko sa iyo Ybarro? Bakit mo pinabayaan si Lira? Wag kang magsinungaling dahil alam ko na ang lahat. Dahil sa kapabayaan mo namatay ang aking anak!", ang galit na galit na sabi ni Amihan.
Hindi na nagawang magsalita ni Ybarro sapagkat umalis na si Amihan sa kanyang harap at umlis kasama ang lahat ng mga kapanalig nito sa kanilang kuta.
Habang naglalakbay sila Amihan papunta sa kanilang bagong kuta sa Adamya ay kinausap siya ni Danaya.
"Kamusta ka na? Amihan kailangan mong maging matatag sapagkat nasasaiyong responsibilidad ang isang panibagong buhay. Nasabi mo ba ito sa kanya?", tanong ni Danaya
"Hindi ko na nagawa pa Danaya. Simula ngayon, ako nalamang ang kikilalaning magulang ng aming anak.", habang sinasalaysay ito ni Amihan, ay inilabas niya ang kanyang palad na may marka ng pagdadalang diwata.
BINABASA MO ANG
Ang Kasalanan ni Ybarro
FanfictionNang dahil sa pagkakamali, nawala kay Ybarro ang nag-iisang prinsesa niya na si Lira at ang pinakamamahal na reyna na si Amihan. Maitatama pa ba ang pagkakamaling iyon sa muli nilang paghaharap ng e correi? Written by: LazyNinja