Si Cassiopeia ay isang makapangyarihang diwatang naninirahan sa isang gubat sa Lireo. Siya rin ang unang reyna ng nasabing kaharian. Siya ang tinatawag na "Mata" dahil sa kakayahan niyang makita ang lahat ng nagaganap sa buong Encantadia. Kaya din niyang makita ang nakaraan at ang hinaharap.
Sa kasalukiyan ay nagdadasal siya kay Bathalang Emre ukol sa kaniyang pangitain.
"Mahabaging Emre, ano nga ba talaga ang iyong pinaplano para sa Encantadia? Totoo ba ang aking mga nakita? Isang sang'gre ang tuluyang magdadala ng kapayapaan dito sa lupaing ito."
"Ngunit kasabay ng kanyang pagdadala ng kapayapaan, ay mayroong isang sang'greng magbabalik at magdadala ng kaguluhan dito, lalong-lalo na sa Lireo. Hindi ba't ang sang'greng tinukoy ko na magdadala ng kapayapaan ay si Sang'gre Ezekiel? Ang bunsong anak nina Amihan at Ybarro?"
"At ang sang'greng magdadala ng gulo ay si Sang'gre ---"

BINABASA MO ANG
Ang Kasalanan ni Ybarro
FanfictionNang dahil sa pagkakamali, nawala kay Ybarro ang nag-iisang prinsesa niya na si Lira at ang pinakamamahal na reyna na si Amihan. Maitatama pa ba ang pagkakamaling iyon sa muli nilang paghaharap ng e correi? Written by: LazyNinja