Nagulat ang lahat nang biglang tumayo si Amihan sa hapagkainan.
"Aquil, mga kawal, esta sectu, may mga paparating."
Natakot ang mga kasama ni Amihan at sila'y nagmadaling nagatago upang makaligtas. Naghanda naman sina Aquil, Amihan, Danaya, Pirena at ang mga kawal upang depensahan ang kanilang kuta.
Laking gulat nila ng si Wantuk ang kanilang nakita. Isa lamang ang ibig sabihin nito, nahanap na sila ni Ybrahim.
"Ano ang ginagawa mo dito Wantuk? Paano mo kami nahanap?", ang nagtatakang tanong ni Amihan.
"Pitong taon din namin kayong hinanap mahal na reyna. Sandali lamang, gusto kang makausap ng hari ng Sapiro. Hayaan mo na siya'y aking sunduin." At doon, umalis agad si Wantuk.
Nagmadali si Amihan na magdesisyon.
"Danaya, magmadali ka. Kunin mo ngayon si Ezekiel sa aming kubol at pumunta kayo sa lugar ng mga bandido. Manatili muna kayo sa mundo ng mga tao. Isama mo si Aquil. Doon muna kayo manirahan hanggang sa mailayo kong muli si Ybrahim.", ang utos ni Amihan kay Danaya.
"Ngunit Amihan, nakatitiyak ako na hindi magugustuhan ni Ezekiel na lumayo sa kanyang ada at kung aalis kami ni Aquil dito ay hihina ang inyong depensasa mga Hathor."
Sa kabila ng mga sinabi ni Danaya sa kanyang apwe, hindi na nila napigilan si Amihan sa kanyang desisyon.
Mabigat man sa loob ni Danaya, sinama parin nila ni Aquil si Ezekiel sa lugar ng mga bandido, at tuluyan nang nilisan ang mundo ng Encantadia.
BINABASA MO ANG
Ang Kasalanan ni Ybarro
FanfictionNang dahil sa pagkakamali, nawala kay Ybarro ang nag-iisang prinsesa niya na si Lira at ang pinakamamahal na reyna na si Amihan. Maitatama pa ba ang pagkakamaling iyon sa muli nilang paghaharap ng e correi? Written by: LazyNinja