Ang Anghel ng Hara

1.3K 40 4
                                    

Sa isang talon sa Adamya, naglalaro ang isang munting bata. Kasama niya ang kanyang ina, mga ashti, at ang kanilang masha.


 "Malaki na talaga ang aking ina, hindi ba?" Ang taning ni Amihan sa kanyang mga kapatid na sina Danaya at Pirena.


 Sa 7 taong lumipas ay kayraming nangyari. Itinakwil ni Hagorn si Pirena sa Lireo at muling nagbalik loob sa kanyang mga kapatid. Mahirap man sa umpisa, ngunit tinangggap din siya nina Danaya at Amihan. Sa panahong ding ito isinilang ang isang bagong sang'gre. Si Sang'gre Ezekiel, ang bunsong anak ni Amihan at Ybarro.


 Nang lumisan sina Amihan at kanyang mga kasama sa kuta nila Ybarro, ay mas pinili niyang huwag ipaalam kay Ybarro na siya ay nagdadalang-diwata dahil sa sakit n kanyang nararamdaman sa pagkamatay ni Lira.


 "Sa mga panahong isang sanggol pa lamang si Ezekiel, kayo na ang tumulong sa akin sa pagpapalaki sa kanya. Avisala Eshma mga kapatid ko." 


 "Amihan, ang anak mo ay parang anak na rin namin. Hindi namin hahayaang may mangyaring masama sa kanya." Ani ni Pirena 


 "Ina, tara na po, bumalik na po tyo sa ating kuta, magsasanay pa po kami nila Mashna Aquil. Hindi po ba Mashna Aquil?" Pagtatanong ni Ezekiel na siya namang sinang ayunan ni Aquil.


 Lumapit si Ezekiel sa kanyang ina, ngunit imbis na umuwi na sila sa kuta ay ipinasyal muna ng magkakapatid ang munting sang'gre sa isang tuktok ng burol upang masilayan nito ang buong Encantadia. 


 Manghang-mangha si Ezekiel sa kanyang nasilayan. Nakalimutan na nito ang kanyang pagsasanay dahil inaliw at nakipag-laro na sa kanya ang kanyang mga ashti, habang namahinga sa ilalim ng puno ang kanyang ina.


 Makikita ang ngiti kay Amihan sa kanyang nakikita, ang kanyang anak na lumaki na isang masiyahin at masiglang Encantado.


 "Bathalang Emre, ako'y nagpapasalamat at hanggang ngayon ay hindi mo pinababayaan ay aking anak." Ang tahimik na pasasalamat ni Amihan. 


 Hindi nagtagal ay napagod na rin si Ezekiel at muli na siyang nag-ayang bumalik ng kanilang kuta.


 Pagkabalik nila sa kanilang kuta, nakita nilang nagahanda na ang mga dama ng makakain para sa kanilang pananghalian, tinulungan sila nina Danaya, Pirena at Amihan. Ilang minuto ang lumipas, habang nanananghalian ang lahat, biglang napatayo si Amihan sa kanyang kinauupuan.


 "May binubulong sa akin ang hangin. May paparating."  

Ang Kasalanan ni YbarroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon