Chapter 18

11 0 0
                                    


"Aycee gising na"

Bumangon ako ng maalala ko wala nga pala ako sa bahay namin.

"Buti naman at gumising ka na, kanina pa ko nakaayos dito oh. Kumain ka na dun"

"Sige "

Umalis ako sa kwarto ni Rj para kumain kaso bago pa ko makababa ng hagdan nakasalubong ko si colline na naka uniform na rin

"Andito ka pala? Ano na naman ba ginagawa mo dito?"

Hindi ko na lang siya pinansin at umalis sa tapat nya, nagugutom na rin kasi ako saka wala ako sa mood makipag away pa sa kanya.

"Aycee kumain ka na dito oh ikaw na lang hindi kumakain, napasarap ata ang tulog mo kaya hindi ka magising ni Javier"

"Hala, gantong kasarap na pagkain pinag hintay ko? Natatakam na tuloy ako tita haha"

Ang sarap kase ng niluto ni tita eh. French style chicken with bacon and peas! Yung gutom ko kanina lalong nagutom dahil sa ulam parang ayoko na pumasok para lang kumain ng kumain.
Nakakatatlong kanin na ko nang bumaba sila RJ

"Aycee ano na ? hindi ka pa ba mag aayos?" sabi ni Rj

"Javier, Don't you see? She's busy eating! Don't disturb her saka late na tayo duh tara na "

Hindi ko na lang sila pinansin, ang sarap sarap ng kain ko dito eh saka ayoko pumasok naiistress lang ako.

"Javier!" sigaw ni colline

Nagulat na lang ako ng hinahatak ako ni Rj sa cr

" HOY ANO BA, HOY!"

Tinulak nya ko sa banyo saka ako binasa.

"What the---!"

"Ayan maligo ka na, absent na ko sa isa kong class dahil sayo kaya wag mo sasabihing di ka papasok kase hinantay kita kaya ako na absent"

tapos umalis na sya

"Boss! wala po akong susuotin binasa mo pa ko!"

"Merong uniform si colline jan sa cabinet, dalian mo lang nagmamadali na yun sa baba"

-----

Nandito na kami sa school pero ayoko pa ren pumasok ng classroom

Pumunta ako sa likod ng school namin at may planong dun lang muna hanggang matapos class ko ngayong araw

Ang ganda tignan yung mga langit parang wala silang problema, sana naging langit na lang ako para di na ko nag mumukmok dito

Ano ba kase nagawa ko sa parents ko at bakit ayaw nila ako makasama. Sana binigay na lang nila ako sa orphanage kung ayaw naman nila sakin. Hindi yung mag isa ako at least doon madami akong makakausap.

Sa sobrang tahimik at relaxing dito sa likod ng school nakatulog na pala ako

"7pm na"

hanggang sa bahay ba naman may nanggigising sakin. Akala ko pa naman kila Rj lang un, dumilat ako at napagtantong nasa likod pa ren ako ng school. Tinignan ko etong katabi ko nagulat pa ko kase OMYGOSH HINDI KO SYA KILALA!

chineck ko kung may muta ako, kung magulo ako at tinignan ko na rin balikat nya baka natuluan ko sya ng laway

"Hala sorry sorry di ko alam nakatulog ako, nabigatan ka ba sa ulo ko? sorry di ko talaga sadya"

"Ok lang, andito ako kase tahimik dito kaso nga lang sadyang ang ingay mo maghilik kaya imbes na mag relax pinanood na lang kita matulog. But it's 7pm na kailangan ko na umuwi kase anjan na sure yung sundo ko kaya ginising na kita, sorry"

"hmmm ok lang sorry naabala pa kita"

"It's ok Ms. Salvador" saka sya ngumiti

omygosh ang gwapo nya! walang wala sila RJ dito

"Kilala mo ko?"

"Oo naman kilalang kilala, sige bye" saka sya tumakbo palayo

palayo sakin, chos hahaha

May magandang nangyayari pala kapag nag cutting classes no? HAHAHAHAHAHA aaraw arawin ko na to kung ganun naman kagwapo makakasama ko.Naglakad na ko paalis ng school. Maglalakad na lang ako hanggang bahay, wala naman akong dalang car saka hindi ko natext si manong na sunduin ako kase natulog ako ng 5hours.

Padaan na sana ako sa village nila xander pero napastop ako ng makita si xander at colline na magkayakap

Anong meron sa kanila? meron na naman ba kong hindi nalalaman?

Bakit lahat ng tao may itinatago sakin? Hindi siguro ako deserving ng trust nila kaya ganon

hinintay ko silang umalis saka ako naglakad muli papuntang bahay

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 31, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Hard To BelieveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon