+639280247113
Calling...
Hingal na hingal si Ryniel nang magising mula sa masamang panaginip na iyon. Nakatulugan pala niya ang ginagawang report sa kanyang opisina.
Huminga muna siya ng malalim bago sagutin ang tawag ng mula sa di kilalang numero.
" Hello, sino 'to? "
" Ah, eh, hello po Sir..." sagot sa kanya ng lalaking nasa kabilang linya.
" May maitutulong ba 'ko sayo? " magalang na tanong niya rito.
" Kasi po Sir...may gusto po sana akong sabihin sa inyo..."
" Ha? " Bigla siyang nahiwagahan sa lalaking ito. Sino kaya siya? "Sige sabihin mo, makikinig ako. " Hahayaan na lang muna niyang sabihin nito ang gusto niya, bago niya tanungin uli ang pangalan niya.
Pero di na siya sinagot ng kanyang kausap, dahil biglang naputol ang linya niya. Hinintay pa niyang tumawag ito uli, pero di na siya kinontak pa ng lalaki.
Sino kaya yung lalaking yun? Ano kayang gusto niya sabihin sa'kin?
Sunud-sunod na katanungan ang nabuo sa kanyang isipan.
Parang siya yung...
Bigla niyang naalala yung hitsura ng lalaking kasama ng buntis na muntik na niyang mabangga.
Tama, siya nga yun. Pero ano kayang kailangan nilang dalawa sa'kin?
Ligtas na naman yung babae nang iwan nila ni Ybrahim, kaya di siya makaisip ng ibang dahilan kung bakit siya tinawagan ng magkaibigang ito.
Gusto pa rin niyang malaman ang pakay nila, kaya siya na lang ang tatawag. Pero di pa ngayon, kasi may inaalala pa rin niya ang masamang panaginip niya kanina.
" Hindi pwedeng mangyari yun kay Xaniel. Gagawin ko ang lahat, para ligtas siyang maipanganak ni Princess. Di na 'ko papayag na mawalan pa uli ng mahal sa buhay..."
Isa pang pangako ang tutuparin niya - ang mahalin ng buong-buo si Princess.
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
" Hon, nagustuhan mo ba? "
Muling tinikman ni Ryniel ang sabaw ng sinigang na niluto ng kanyang asawa.
" Masarap. Tamang-tama lang ang asim..." sagot niya kay Princess na halatang sabik na malaman ang sagot niya.
" Talaga? " Tanong pang muli ni Princess.
First time niyang magluto ng paboritong ulam ni Ryniel, kaya gusto niya maging perpekto ang lasa nito. Alam naman niyang masarap ang sinigang na baboy, dahil sinunod naman niya lahat ng itinuro sa kanya ni Yaya Dolores, pero kinakabahan pa rin siya.
" Masarap talaga iha..." puri naman sa kanya ng manugang na si Michael. Katabi niya si Yra na naghihintay sa pagkaing isusubo niya.
" Oo nga ate, parang luto ni Mama..." sang-ayon pa ni Yra.
" Tama siya hon..." pagpapatotoo pa ni Ryniel sa sinabi ng kanyang kapatid, kasunod ang isang ngiti na alam niyang magpapasaya sa kanyang asawa.
" Ganun ba? Salamat kasi nagustuhan nyo..." masayang sagot ni Princess sa kanila. " Sa susunod, ipagpapaluto ko naman po kayo ng iba pang ulam..." pangako pa niya.
BINABASA MO ANG
Love Over Vengeance 2: Eternity
RomanceLIFE is ETERNAL... LOVE is IMMORTAL... Hanggang kailan kaya maghihintay si Ryniel sa pagbabalik ni Rain?