Season III - Revelations | Chapter 39: Kamatayan...

363 8 3
                                    

 Author's Note:

Ito na po ang LAST CHAPTER ng SEASON III.

ABANGAN ang pagpapatuloy ng kwento sa SEASON IV. ( AS SOON AS POSSIBLE )

Maraming-maraming salamat sa pagbibigay nyo ng kaunting oras para basahin ang kwentong ito...

Pasensya na sa napakatagal na updates.

X|S

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Isang malagim na pangyayari ang nasaksihan ni Xerun habang kasalukuyan siyang nagmamaneho pauwi sa kanyang condo. Agad niyang pinahinto ang kanyang kotse dahil sa isang ambush ang nagaganap sa madilim na kalye malapit sa Dasmarinas Village.

Umalingaw sa paligid ang ilang mga putok ng baril mula sa mga armadong lalaking walang-awang pinaulanan ng bala ang mga taong lulan ng isang puting Toyota Innova.

Gusto man niyang tumulong pero alam niyang wala siyang magagawa, kaya napilitan na lang siyang sundin si Ryza manatili sa loob ng sasakyan.

Diyos ko, iligtas Nyo po sila...

Nanalangin pa siya pero wala paring nangyari. Wala ng buhay ang limang myembro ng pamilya Gutierrez nang iwan sila ng mga armadong lalaki.

" Xerun, wag ka ng mag-alala...Ito na ang takdang panahon ng kanilang kamatayan..." seryosong paliwanag sa kanya ni Ryza.

 " Pero nakakaawa naman ang nangyari sa kanila..."

" Wala na tayong magagawa pa, hanggang dito na lang ang kanilang mga buhay. Malagim man ang dahilan ng kanilang kamatayan, sa piling ni Ama ay hindi na sila masasaktan pa..."

Habang sinasabi ito ni Ryza ay nakikita na ni Xerun ang mga sundo ng mga namatay. Isa-isa na nilang inakay patungo langit ang mga myembro ng pamilya Gutierrez.

Sa di kalayuan, isang lalaking anghel ang nakita ni Xerun na nakatingin sa kanya. Bakas na bakas sa mukha niya ang sobrang pagsisisi, dahil sa wala siyang nagawa para pigilan ang mga itim na maisakatuparan ang kanilang masamang gawain.

Sino kaya siya?

Bago pa maglaho ang anghel na ito ay napansin ni Xerun na may binitiwan siyang mga salita, na hindi naman niya narinig.

Ano kaya yung sinabi niya?

Napatitig na lang si Ryza kay Xerun nang mabasa niya ang iniisip nito.

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Sa Langit...

" Hiel, lumapit ka..."

Isang mandirigmang anghel ang kaagad na lumapit sa kinaroroonan ni Archangel Michael.

" Bakit po ninyo ipinatawag? " mahinahong pag-uusisa ni Hiel.

Hinawi muna ni Michael ang mga ulap mula sa isang malaking salamin sa kanilang harapan. Ito ang nagsisilbing daan para makita nila ang mga kasalukuyang nangyayari sa daigdig.

" Masdan mo...mas lalo ng lumalaganap ang kasamaan sa daigdig..."

" Tama kayo..." sang-ayon ni Hiel.

Kasalukuyan nilang pinagmamasdan ngayon ang pamamaril na naganap sa isang kalye sa Pasay. Kung saan isang dalagita ang walang kaalam-alam na ngayong araw ang nakatakda niyang kamatayan. Kaya awang-awa ang gabay na nakatalaga sa kanya dahil mahimbing lamang siyang natutulog ngunit di pala siya magigising pa.

Love Over Vengeance 2: EternityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon