Isang paraan ang naisip ni Princess para muli siyang pansinin ng kanyang mga kuya. Naglagay siya ng tig-iisang small pink box sa bawat pinto ng kwarto ng kanyang mga kapatid. Laman nito ang tatlong special brownies na siya pa mismo ang nagbake. Bata pa lang silang magkakapatid ay paborito na nila ang brownies na gawa ng kanilang Yaya Dolores, kaya nagpaturo siya rito. Kasama rin nito ang tig-iisang "SORRY" letter para mas lalo siyang mapatawad ng kanyang mga kuya.
Madaling araw na nang makauwi ang magkakapatid na Joel, Jairus at Jarel. Tinapos pa kasi nila ang isang photoshoot sa Musiq Mag, para sa June Cover Issue nito, na napostponed noong nakaraang linggo dahil nga sa pagkakasakit ni Jarel.
Nang makarating sa kanilang mga kwarto ay sabay-sabay nilang nakita ang maliit na pink box. Nang mabuksan ito'y pare-pareho silang nagulat sa laman. Agad nilang binasa ang sulat kaya nalaman nila kung gaano na sila kamiss ni Princess.
Napagdesisyunan nilang patawarin na ang bunsong kapatid, dahil ang totoo'y tinitiis lang din naman nilang wag siyang kausapin, para maisip niyang napakalaking pagkakamali ang ginawa niya.
Sumama ang loob nila, lalo na si Joel, dahil pinalaki sila bilang isang simpleng tao ng kanilang ama. Kaya di pumasok sa isip nilang sasama na lang si Princess sa isang lalaki ng basta-basta at mabubuntis pa. Nagulat din sila dahil wala naman silang kilalang naging boyfriend nito. Lahat ay ginawa nila para lang sa kanya, tapos mapapariwara lang ang buhay niya dahil sa isang pagkakamali.
Habang lumalaki silang tatlo, pinaramdam sa kanila ng kanilang ama, na espesyal si Princess. Kaya sila ang tumatayong tagapagtanggol at tagapag-alaga niya, dahil siya ang nag-iisang prinsesa sa kanilang pamilya. Lumaki silang magkakapatid na mahal na mahal ang isa't-isa, kahit pa ang totoo'y magkakapatid lang sila sa ama.
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Isang Korean ang ina ni Joel, si Kim Eun Jaen. Nagkakilala sila ni Lucio Fernando noong magbakasyon siya sa North Korea. Nineteen years old pa lang siya noon nang mainlove sa 17 years old na dalaga. Dahil sa sobrang pagmamahal sa isa't-isa'y agad na nagbunga ang kanilang pagmamahalan. Ipinanganak si John Elrick noong June 13, 1989 pero namatay si Eun Jaen sa panganganak.
Dahil sa pagkamatay ni Eun Jaen ay napariwara ang buhay ni Lucio. Hanggang sa isang dalaga na naman ang kanyang nakilala, si Samantha Tennyson. Isang American student na iniligtas niya sa isang aksidente. Muli na namang tumibok ang puso ni Lucio para kay Sam. Noong August 13, 1991 ay isinilang ni Sam ang kanyang first baby - si Jaime Russel.
Tila isang sumpa ang dumating sa buhay ni Lucio. Gaya ni Eun Jaen, namatay din si Samantha sa edad na 18, matapos maipanganak si Jairus. Sinisi niya ang kanyang sarili dahil sa pagkamatay ng dalawang babaeng minahal niya. Pero sa kabila ng lahat, dalawang biyaya naman ng Diyos ang iniwan nila sa kanya.
BINABASA MO ANG
Love Over Vengeance 2: Eternity
Storie d'amoreLIFE is ETERNAL... LOVE is IMMORTAL... Hanggang kailan kaya maghihintay si Ryniel sa pagbabalik ni Rain?