My Butterfly (part 1)

920 20 0
                                    

[12-30-13]

(A/N: maagang author's note sa inyo! at maagang pang-New Year na rin sa inyo :D phew! akala ko talaga nawala na yung second part nitong one shot... ang gandang pang-new year sana -_- anyway, andito na kaya mababasa niyo na! gusto ko lang sana sabihin na salamat sa pagsuporta niyo sa unang one shot na ginawa ko. SALAMAT SA MGA KINILIG AT NATUWA :)) salamat sa mga bumoto at nag-comment! ako naman ang pinasaya niyo, kahit konti lang yun, nararamdaman ko pa rin na nagustuhan nito through your comments and votes, salamat!!

Pero bago niyo ituloy ang pagbabasa nito. Pakihanda muna ang playlist niyo. You need to have "Ma Boy by Electroboyz, Hot Air Balloon by Owl City & Sabay Natin by Daniel Padilla". Maganda basahin pag may music, for more effect :P magpa-pop ang A/N ko kapag kelangan na patugtugin. Daming arte no? yaan niyo na :D ang haba na -_- bye!

***

"oooohhh... jiyong~ah tignan mo yun oh! ang cute" turo ni Dara sa mga tsokalate na hugis rabbit na nasa isang stall.

Tinignan naman ito ni GD at ngumiti. "gusto mo?"

"oo! bili mo ko!"

"ayoko" sabay talikod ni GD at maglalakad na sana paalis.

Nanlaki naman ang mata ni Dara at hinila sa braso si GD pabalik. "yah!"

"aw! biro lang ito naman" matawa-tawang sabi naman ni GD.

Si Dara naman ay nakapout pa rin at sinasamaan ng tingin si GD. Natawa lang si GD at pinisil ang tungki ng ilong ni Dara.

"ibibili naman po talaga kita, wag ka na magpa-cute dyan..." nakangiti pa rin niyang sabi sabay talikod at lakad palapit sa tindahan ng tsokolate. "...kasi matagal ka ng cute"

"ano? yah! teka lang! anong sabi mo?" humabol naman agad si Dara at sumabay muli sa paglalakad ni GD.

"wala" tatawa-tawang sagot ni GD.

May lumapit na mga matitipunong lalaki na naka-black suit sa kanila.

"Sir, kung gusto niyo po kami na lang ang bibili."

Ang kanilang mga bodyguards.

Artista sila at humahatak ng atensyon sa mga tao kaya kahit ayaw man nila at gusto sana nilang silang dalawa lang ang magkasama sa pamamasyal ay wala silang magagawa.

Okay na rin ito, mas gugustuhin pa ito ni GD dahil at least hindi sila nagtatago.

Kahit may mga kasamang gwardya ang dalawa. Tila ba silang dalawa lang ang magkasama.

Nginitian ni GD ang lalaki at umiling. "hindi na, kami na lang, salamat"

Nag-bow ang lalaki at dumistansya na sila ng iba pang gwardya upang makadaan sina Dara.

Nang makabili sila ng tsokolateng hugis rabbit ay tinuloy na nila ang pamamasyal. Alas-kwatro nang hapon at maliwanag pa, hindi talaga maiiwasang pagtinginan at pagkaguluhan sila, may mga kumukuha ng litrato sa kanila mula sa malayo, pero nagpapasalamat sila dahil hindi sila nilalapitan at nagpapakuha ng litrato personal.

Don't get them wrong, hindi sa ayaw nila pero sabik sila sa isang araw na magkakasama sila. Sabik silang masulit ang libreng araw na 'to para sa kanila. Pinaayos pa talaga ni GD ang schedule niya para sa araw na ito, wala namang mahalagang okasyon, gusto niya lang mag-'date' sila ni Dara, date na alam na ng mga tao na sila, date na hindi nagtatago.

Siguro nakatulong din ang naganap na interview nila ng mga nakaraang araw, nasabi kasi ni GD sa isang interview na kung tatanungin siya kung anong klaseng date ang gusto niya, gusto niya ay yung simple lang, simple at silang dalawa lang ni Dara, pero imposible nga iyon dahil public figure sila, okay na ang mga bodyguards pero sana, hinihiling niya, na hindi sana sila gaano pagkaguluhan ng mga fans.

It's Over (Daragon FanFic OneShots)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon