(A/N: now play Hot Air Balloon by Owl City! patugtugin niyo na lang sa youtube o sa phone niyo, ibang :))
Mas nakalapit na si GD sa kinaroroonan nina Dara at ng dalawang bata. Nagbibisikleta ang dalaga habang humahabol ang dalawang bata.
Pansamantala at tahimik munang pinanood ni GD ang tatlo.
Paikot-ikot lang si Dara sa isang maliit na pond. Maya-maya ay dumiretso ito, bumitaw si Dara sa manibela at itinaas ang dalawang niyang kamay ng pa-horizontal. Yung tipong binabalanse.
Ilang beses siya muntikang mahulog at ang pang-apat pa niyang try ay talagang tumagilid na ang bike. Lalapit na sana si GD upang alalayan si Dara pero nang makita niyang nagtatawan lang ang tatlo ay huminto siya at natawa na lang din.
Sumakay muli si Dara, inulit niya ang kanyang ginawa, and this time, nagawa na niya.
Nakataas ang dalawa niyang kamay habang nagbibisikleta. Kitang-kita ang tuwa nito sa kanyang mukha. Ang dalawang bata naman ay nagtatatalon at pumapalakpak pa.
Nasa ganoong posisyon pa rin si Dara nang ito ay pumikit. Nakapikit at nakangiti. Nililipad ang malambot nitong buhok. Parang nanonood si GD ng isang commercial. Tila ba nag-slow motion ang lahat.
Nakangiti siyang pinagmamasdan ito.
Ang kanyang butterfly.
Ang kanyang mahal.
Ang babaeng dadalhin niya sa altar.
Ang babaeng ipapakilala niya sa lahat.
Ang babaeng makakasama niya habang buhay.
♫ Hot air balloon... ♫
"haaay... mahal na mahal kita" sabi ni GD habang nakatunghay kay Dara.
♫ I'll be out of my mind
and you'll be out of ideas
pretty soon ♫
"alam mo bang sobrang mahal kita?" natawa ng mahina si GD at napahawak sa batok niya.
♫ so let's spend
the afternoon in the cold
hot air balloon ♫
"dahil sayo nababaliw na ko, kinakausap ko na sarili ko"
♫ leave your jacket
behind ♫
"dahil sayo puro mahal na lang nasasabi ko"
Ang buhok nito na tipong sumasayaw kasabay ng hangin.
♫ lean up and touch
the tree tops over town ♫
"dahil sayo parang lahat walang problema"
Magdidilim na pero dahil sa kanya, lumiliwanag.
♫ I can't wait to
kiss the ground
wherever we touch
back down ♫
"dahil sayo lumiliwanag ang lahat"
Nahinto siya saglit ng makitang muling tumagilid ang bisikleta ni Dara, halatang talagang nasaktan ito. Halos di na maipinta ang mukha nito pero natatawa din. Mula sa pwesto niya alam niyang panay aray ito. Pero ang dalawang bata ay tumatawa pa rin. Maski siya ay natawa na rin.

BINABASA MO ANG
It's Over (Daragon FanFic OneShots)
RomantizmNow.... it's over. Copyright © 2013 MYfallenvamp. All rights reserved.