"Babygirl?"
Natahimik ang lahat. Mga nagtataka kung saan nanggaling ang boses.
Napahinto sina CL, Minzy at Bom sa paglapit kay Dara at sabay-sabay na nanlaki ang mata dahil sa gulat. Maski si Dara ay nanlaki din ang mata at hindi makapaniwala sa narinig. Ni hindi niya magawang gumalaw.
"Babygirl! tahan na!"
Muling nagsalita ang boses kasunod ay ang paglabas ng isang pigura sa gilid ng stage na may hawak na mic. Sa sobrang gulat at hindi makapaniwala, napahugis-bilog ang mga labi nina CL at Minzy, si Bom naman ay napatakip ng bibig.
Tuluyang nasilayan ang pinanggagalingan ng boses at ang kasunod ay ang mga sigawan, tilian at rebolusyon ng mga fans.
Habang takip pa rin ang bibig, napatingin si Bom kay Dara na ngayon ay nakatingin na sa isang tao, bakas sa mukha ang hindi makapaniwala. Panay oh my God naman na si CL at hindi pa rin maproseso ng maayos kay Minzy kung ano na ang nangyayari.
Pati mga staff and crew ay walang alam dito. Ang ibang YG artists na pumunta upang manood ng concert ay nagsilabasan na rin at nasa gilid na rin ng stage kasama ang grupong Bigbang, wala rin silang kaalam-alam dito.
Lahat ay gulat.
Pwera sa isa.
Mula sa pagkakatingin ni Dara sa isang partikular na tao. Nadako ang paningin niya sa bandang likod nito, hindi gaano makita dahil nasa madilim na parte ito sa gilid ng stage kasama ang ibang crew.
Ngumiti ito sa kanya na nag-peace sign at nag-mouth ng 'happy birthday'.
Natawa na lang siya ng mahina dahil hindi ang boss nila ang tipong nag-pi-peace sign. Tumango siya bilang pasasalamat.
So far gusto ni YG ang nasasaksihan niya, masaya ang mga anak niya. Ito ang regalo niya para kay Dara. At sa tingin naman niya, nagustuhan naman nito.
"yah!" napabalik na ang tingin ni Dara sa lalaki na ngayon ay nasa harap na niya. Maluwang na nakangiti.
Nagsigawan muli ang mga fans, pero bakit parang ang tahimik? bakit wala siyang marinig bukod sa lakas ng tibok ng puso niya? sa dami ng tao sa loob ng stadium bakit pakiramdam niya silang dalawa lang? bakit sobrang gaan ng pakiramdam niya? bakit pakiramdam niya nakawala na siya sa sobrang tagal na pagkakakulong?
"yah!" pag-uulit nito dahil nanatili lang siyang nakatingin. Here comes the playful side of him. Nandun pa rin ang ngiti nito na parang nakakaloko pero dama mo sincere ang ngiting ito.
Ah... nakawala nga siya, nakalaya na siya, sila ni GD, sa matagal na pagkakakulong.
Sa matagal na pagtatago.
"babo" yun lang ang nasabi niya pero nangingiti, pero maya-maya ay naiyak na ulit siya.
"yah~ bat umiiyak ka na naman? ako nga sinabihan mong babo tapos ikaw ang iiyak... lika nga dito" at bigla siyang hinawakan ni GD sa braso at mahinang hinila palapit sa katawan nito at niyakap.
Doon siya lalong napaiyak. Ginagawa ba talaga ito ngayon ni GD? pinapakita na ba talaga nila sa mga tao? Totoo ba ito?
Sobrang saya niya.
"Pasensya na kayo blackjacks, alam niyo namang sobrang iyakin nito..." niyakap niya ng mahigpit si Dara at inalog ang magkayakap nilang katawan. Napapangiti ang 2NE1 at Bigbang sa aegyo na pinapakita ni GD. Kitang-kita na masaya siya. "...kaya babygirl ko 'to eh" Iisa lang ang nararamdaman nila ni Dara ng oras na ito, pakiramdam niya rin nakalaya na siya.

BINABASA MO ANG
It's Over (Daragon FanFic OneShots)
RomansaNow.... it's over. Copyright © 2013 MYfallenvamp. All rights reserved.