13. Pinagtatanggol mo parin siya. Kapag tinutukso ka ng mga kaibigan mo tungkol sa kaniya, tudo ka parin sa pagtatanggol mo sa kaniya, daig mo pa ang basketball player kung makapagdepensa. (Bakit mo siya pinagtatanggol? Ayaw mong malaman nila kung paano ka niya ituring? Ayaw mong malaman nila na patuloy ka niyang sinasaktan? Ayaw mong malaman nila na hindi niya maibalik yung pagmamahal mo? Nahihiya kang sabihin na wala siyang pakialam sayo?) Pilit mong hinahanap ung mabuti sa kaniya para yun ang sabihin mong ugali niya, pero hindi mo makita ung mga napakaraming bagay na iniyakan mo dahil sa kaniya. (Tama na ang pagpapakatanga, mahalin mo rin yang sarili mo)
BINABASA MO ANG
Steps To A Broken Heart
Teen FictionHindi ito isang story. Ito ang mga karaniwang stages na maaaring pinagdaanan, pinagdadaanan o pagdadaanan mo sa buhay pag-ibig. Madaming makakarelate dahil ito ay magsisimula sa CRUSH LANG MUNA, hanggang sa maging LIKE MO NA, hanggang sa maging LOV...