20 COMMON MISTAKES A WRITER MAKES:
1.) Emoticons.
Masyado na ho itong mainstream, ano po? Kaya hindi ko na kailangan e-elaborate pa. But please, refrain from putting this thing in your story. Hindi siya cute tignan. Minsan, nakakatacute na. Tell, don't show.
2.) Gay point of views.
I know I have done this thing and some of the writers here, 'til now. Hindi rin naman kasi maiiwasan lalo na pag babae ka at wala kang ideya kung paano ba ang tamang pananalita ng mga lalaki. But let's try to watch movies. Try to observe the boys around us. Assess how they think and talk. Finally, e apply natin ang mga 'yon sa isang story. One tip, avoid writing "kyaaaaah", "omg!", "ang cute niya!" and so on. Nakakasuka lalo na kung lalaki ang narrator. 😒
3.) Too many side characters.
Honestly, biktima rin ako nito. For example, may sampung friends ang heroine sa story mo. But are you sure that those characters have a big part on your story? Ang ending po kasi minsan, nagiging tood lang sila sa isang tabi. Nandun nga, pero hindi mo naman nararamdaman. Kaya kung maaari, iwasan po natin ito para hindi malito ang mga readers sa sobrang dami ng mga characters.
4.) Unique but weird names of characters.
Aminin mo, minsan napapangiwi ka rin kapag may nababasa kang pangalan ng character na pang-out-of-this-world ang dating. I've read a story once, and the protagonist name was Puppy. O, di ba? Parang tuta lang 'yong bida. Mag-isip ng pangalan na akma sa character mo. 'Yong may dating at madaling matandaan ng mga readers. Marami naman, eh. You can also do some research.
5.) Juvenile characters.
In short, immature. Hindi pa hinog kaya pilit na pilit ang pagganap. Sorry to say this, pero minsan, nanggagaling talaga 'yan sa mismong writer. Kahit ako. Masyadong kinulang sa inpormasyon at emosyon kaya nagre-reflect sa mga characters. As I've said, it takes a lot of time bago makabuo ng magandang story. Kung hindi pa talaga handa, huwag na po nating ipilit. Maghintay ng tamang panahon. Kasi minsan, napapanahon talaga 'yan. 😃
6.) Biography-ish story.
Ito 'yong halos lahat ng page ng story naka focus lang sa buhay ng isang character. Parang nagbabasa ka lang ng Life and history of Rizal. 'Yong tipong mula pagkapanganak hanggang sa magdalaga ang bida ay sinulat mo na. Isama mo na rin kung pa'no siya huminga para pak ganern. Hahaha. Kidding aside, tama na. Last mo na yan. Kawawa naman yung iba.
7.) Overused plot.
As we all know, there's no such thing as original story. Kung meron man, siguro panahon pa ng mga hapon. Aminin man kasi natin o hindi, lahat ng mga plots na naisip natin ay hango sa iba't-ibang bagay na nagpa-inspire sa'tin. It may be in movies, songs o kahit dun mismo sa story na iniyakan at nagpakilig sa'tin ng husto. Well, guilty po ako sa bagay na 'yan. But we have this so called spices that would make our story from common to extra ordinary. Like a gangster story, imbis na mayaman yung lalaki, gawin mong mahirap. Mga ganun. Ikaw na ang bahala. Buhay mo naman 'yan. 😄
8.) Unrealistic plot.
Let me put it this way, yung bidang babae, masyadong makapal ang mukha at sinunog ang bahay ng kapitbahay niyang lalaki. At dahil dun, mapapalapit sila sa isa't- isa at kalaunan ay magiging sila. Whaaat? Nga-nga! I suggest you read a lot of books. From English, to Tag-lish, to plain Tagalog. Malay mo, makakuha ka ng mga ideya mula roon. Or simple, let your imagination works.
9.) Inaccurate research.
A credible writer gains respect from his/her readers. Totoo! Siguraduhin lang po natin na akma at tama ang lahat ng nakasaad na inpormasyon sa kwento. Saan ka ba naman kasi nakakita ng brain cancer patient na sa tiyan nanggagaling ang sakit? Di ba wala? Think about it.
10.) Conflict is all internal.
Emotional problem. Halimbawa dito ay yung takot ang heroine na ma-inlove sa lalaki. O di naman kaya man-hater yung babae. And, presto! Doon lang naka focus lahat ng problema at wala ng iba pa. Pinatagal lang ang narration para mag mukhang mahaba. Masyadong mababa ang problema to the point na nakakairita ng basahin. Kaya iwas-iwasan din po natin ito. There's always a time for learning. At kailangan 'yon ng mahabang pasensya. 'Yon, eh, kung gusto mo talaga.
Itutuloy....
BINABASA MO ANG
20 Mistakes A Writer Makes
Non-FictionI'm no pro. But I want to help. :) Source: http://onheroesandhappyendings.blogspot.com/2012/07/common-mistakes-new-tagalog-romance.html?m=1