11.) Writing down a lot of details.
Minsan mahirap iwasan 'to lalo na't marami kang gustong e-detalye sa kwento mo. But little did we know that putting a lot of information might bore the readers. Kaya kadalasan, yung iba sa kanila, nilalaktawan ang ibang chapters and look for much exciting parts. It should be enough but direct to the point details. 'Yong wala ng masyadong paligoy-ligoy.
12.) Giving too little information about the characters.
Okay. Medyo contradicting ito sa itaas. Pero ang tinutukoy kasi rito yung mga characters sa story mo at hindi sa isang partikular na bagay o scenes. Of course, you don't want your readers to just guess kung anong meron sa mga characters mo at kung bakit sila ganyan and what not, right? They should be introduced with adequate information that would somehow satisfy the readers.
13.) Looong narratives.
Ano nga ba ang narrative? Ito yung nagsisilbing boses sa kwento mo. Story teller kumbaga. Now, imagine your self listening to a woman who's reading you a story. Di ba, kung puro na lang kwento at walang action na nagaganap, ang tendency nun, eh, madali kang nauumay? It feels like you're listening to your history teacher for a very...long time. Nagiging dragging yung kwento. So please, try to be creative and always limit your words if it is not necessary.
14.) Using two or more POVs in one particular scene.
Very confusing. Minsan hindi mo na alam kung kaninong POV 'yon. As what I have learned, 3rd person POV is more appropriate in making a story. Sa pamamagitan daw kasi nun, binibigyan mo ng sariling pananaw ang mga readers mo sa mga bagay na nagaganap sa story mo. Plus, hindi pa nagiging magulo 'yong kwento. So might as well stick to the standard hanggang sa maging bihasa ka na.
15.) No justification for some character's action.
For example, sinuntok ni Berta ang gwapong si Berto. That's it. After that, ibang scene naman at hindi na binigyang linaw kung paano sinuntok ni Berta si Berto. Ano 'yon? Magic? 'Yon na 'yon? Huwag ganun. Lagyan mo ng konting kick to make it more thrilling and exciting.
16.) Adding unrealistic dialogues.
Example, "Gino, isang taon na akong buntis. Kelan mo ba ako pakakasalan?" Nakakaloka lang, di ba? Haha. But seriously, it may sound funny, pero para sa iba, nakakainis at sayang lang ang oras nila sa pagbabasa. Make your dialogues close to reality so readers can relate.
17.) Adding scenes that will not push the story forward.
Unnecessary scenes na hindi naman nakakatulong para umusad yung kwento. Isa sa mga halimbawa nito yung mga scenes like in a cafeteria--one of the most murdered places in Watty Land. Walang ginawa yung mga characters kundi mag-usap at kumain. Sayang lang yung space sa kwento mo. Think of a scene that would lead your story to the next level.
18.) Not enough scenes to show how and why the characters fell in love with each other.
Nagkita lang sa classroom, nagkamabutihan na. Nagkita lang sa hallway, biglang sila na. Nagkita lang sa bar, biglang may nangyari na. No explanations. No justifications. At walang development na nagaganap. It's like having a one night stand without enough information about your partner or that particular stranger. Same thing with this. Pag bubuo ka raw kasi ng kwento, kailangan mong ipakita kung paano nagkaroon ng pagmamahalan sa pagitan ng hero at heroine. Dahil kadalasan ito ang nagiging downfall ng isang kwento lalo na kung minadali mo ito. Sayang.
19.) An unhappy ending.
I have nothing against those writers na mas prefer yung tragic endings. Because I, myself, had created a story with that kind of twist. In fact, I find it unique. Dahil wala naman talagang tinatawag na happy ending, di ba? Kung meron man, sa mga fairy tales lang nangyayari 'yon where Cinderella and all the Disney princesses exist. Mas naniniwala kasi ako sa consistency. Pero masyado ng madrama ang buhay ng mga readers natin. Huwag na nating dagdagan pa ang mga hinanakit nila sa buhay. Make a story that would inspire them, instead of leaving them with a broken heart.
20.) No self-editing.
Finally. Ito ang isa sa mga dahilan kung bakit laganap ang mga technical at grammatical errors dito sa Watty Land. Tinatamaan kasi tayo ng katamaran minsan. Kahit alam nating may mali, hinahayaan na lang natin. Simply because we don't care what others might think about our story. Ano bang paki nila? Eh, nakikibasa lang naman sila. Ganito rin akong mag-isip noon. But, did I learned? No. Patuloy ko pa ring ginagawa ang mga mali na dapat sana'y tinama ko na noon. Until such time na kinonsider ko na rin at ginawang hobby ang pag-eedit ng story. Of course, it won't be possible without the help of some sources. At isa nga ito sa mga 'yon. But I'm still in the process of learning.
Write because it's your passion. Kung magsusulat ka para sa votes at comments, then you need to evaluate your self kung ang pagsusulat ba talaga ang magpapaligaya sayo.
If it's all for fame, then I suggest you stop as early as now. It will not do good in you and it will never satisfy you.
Mas maganda sa pakiramdam na nagsusulat ka kasi gusto mo ang pagsusulat. It will show in your work, and eventually, without noticing it, marami na pala ang sumusuporta sa'yo.
Maraming salamat sa pagbabasa. At sana'y makatulong ito sa inyo lalo na sa mga nagsisimula pa lang. 😊
--kim ❤
BINABASA MO ANG
20 Mistakes A Writer Makes
NonfiksiI'm no pro. But I want to help. :) Source: http://onheroesandhappyendings.blogspot.com/2012/07/common-mistakes-new-tagalog-romance.html?m=1