Daniel's POV
"Oh, Daniel may napili ka na ba?" . Kapagod, ewan ko kung sino ang pipiliin ko, tingin ko wala pa talaga yung hinahanap-hanap ko na attitude o ano.
"Direk, ang hirap. Wala na bang mas magaling sa mga yan?"
Nandito kami sa studio naghahanap ng bagong ka love team ko.
"Ba't ba kasi maagang nabuntis yang si Julia B., yan tuloy kailangan pa nating i-change ang plot." ani Direk na talagang dismayado.
"Direk, naaksidente lang po si Julia. For sure 'di niya yun sinasadya." totoo naman ah, hindi siya dapat hinuhusgahan ng lahat ng ganyan-ganyan lang.
"Protective? Daniel?" biglang sulpot ni Mark. Parang kapatid ko na din yun eh.
"Hoy Mark! Manahimik ka!" babatukan ko sana ng biglang tumakbo, nagmukha tuloy'ng bakla.
Pero yung totoo, nanghihinayang ako kay Julia, sayang eh yung career niya pati ang bata niya Nabuntis sya ni Jon boyfriend niya, pinagsabihan ko na siya kaso di nakinig, mahal daw talaga niya eh.
"Next!" sabi ni Direk.
"Direk, naka-ilan na ba tayo?"
"Hindi ko alam, bahala na, wala pang bagay eh. Pag meron na, gagawin natin ang lahat para makuha natin yung babaeng yun."
"Direk, lunch muna tayo?" Ito talagang si JD napaka-baboy. Hahaha, puro pagkain nasa isip.
"O sige, tatawagan ko nalang din si Karla para tanungin kung may kakilala siya."
"As in KARLA FORD direk? Yung magaling na artista at pamilya nila ang pinakamayaman dito sa Pinas?" kahit kailan talaga tong, si Mark.
"Ha? Ahh, oo!" Weh? Makaka-loveteam ko anak ng pinakamayan sa PILIPINAS? Dinga? Kung ang anak lang talaga ang ipapa-audition dito. Ay! Baka maarte yun, wag na! Pero di pa nga pumayag diba? Di pa nga sinabi kung sino ang ipapakilala.
"Direk ereto mo anak sakin ah!"
"Gago ka Mark! Ang mga babae di ginaganyan!" binatukan ko nga. Totoo naman ah, kahit maarte pa yan o ano dapat nirerespeto, babae pa rin kasi yan.
"Joke lang naman eh! Haha" natatawang sabi ni Mark. Ayun! Si direk tawa ng tawa.
"Kayo, di pa nga tayo sure kung ang anak talaga ang ipapakilala o ipapa-audition dito. Haha, excited?" Sabi ni Direk.
"Aw, oo nga no. Sana ang anak talaga. Bwahaha" pabirong sabi ni Mark.
Umiling nalang ako, kahit kailan talaga.
Kath's POV
"Mom, wala kang taping ngayon? Ba't nandiyan ka?" pababa ako ng hagdan ng nakita ko si mom sa sala.
"Wala, ikaw? Wala ka bang pasok?" nag beso kami, ito kasi ang greetings namin everytime na magkita kami. Pag nag-mano daw kasi ako ayaw niya, tatanda daw siya ng maaga. Arte no? Haha
"Isa nalang, ngayong hapon, mga 3:00 PM pa naman yun eh so pwede pa akung umuwi" aniya
"SHOPPING?"
Ayee na eexcite na ako naiimagine ko palang na mamili napapa heart shape na ang mata ko.
"Huh? Baka may makakilala sa akin dun, wag na"
"Ayan mag artista pa kasi kayo, pati ako madadamay e" bagbibiro ko
"Ehh!" napakamot sya sa ulo, wahahahaha itong si mommy talaga, kaya love ko to eh.
"BROOOMA! (joke) Syempre joke lang no, I can make magic mom, don't ya worry! Kanta muna ako ha, *ehem* *ehem*, 'Got to believe in magic'"
Ang saya naman na-isngit ko pa ang pagkanta ang saya saya ahww.
"Okay? Make sure, you won't make me like a clown ah? And please, don't sing again, magkaka-Yolanda part 2 ulit tayo pagnagkataon"
Yolanda mo your face ang ganda kaya ng boses ko.
"For your information, ang ganda kaya ng boses ko, pang-Hollywood. 'Got to believe in magic, tell me how to people find each otheeeer...'" I continued the song patunayng maganda ang boses ko. They must be proud.
Ayun na nga tumawa nalang siya. Nang matapos na naming ayusin ang aming mga sarili, pumunta na kami sa mall, namimili ng kahit ano basta yung mga nagugustuhan lang namin.
"Mom, do you think this is beautiful?" Nandito kasi kami sa isang jewelry shop. Basta, sikat to na shop and mga mamahalin talaga ang mga jewelries nila dito, pwede pa nga pa customized eh.
Pinakita ko nalang ang isang necklace na may pendant na KN, KN as in me and DJ? Kung hindi ko pa nababanggit sa inyo, assumera ako at hindi lang ako dahil alam kong kayo rin. Pero totoo ang ganda talaga ng necklace. Swear!
Tumango lang si siya. Lahat naman siguro gusto nito eh.
"Sigurado ka bang walang makakilala sa atin? Ba't ang daming nakatingin?" sabi ni mom. Wait natatawa ako pigilan niyo ko. From the looks of it, kinakabahan talaga siya kaya kung sana pwede lang humalakhak ngayon ay ginawa ko na. Halos sasabog naku sa pagpipigil ng tawa.
LAUGHTRIP KASI! Sinadya ko talaga 'tong suot niya na parang naka barney costume e, not totally barney pero violet talaga sya lahat kaya ata nakatingin ang mga tao. Whoa nakakaguilty kaso ewan ko ba sobrang nakakatawa lang talaga.
At sa ilang segundong pagpipigil napahalkhak na talaga ako ng sobra. Halos mawalan ng hininga sa pagtawa.
"Hoy Chandria! Umayos ka!"
"What? pfft haha.." parang nahihingal pa ako kakatawa, yung mga tao nakatitig sa'kin, parang nakakita ng baliw. Yung iba tumatawa nalang din.
Inirapan niya nalang ako hindi kasi maka sagot ng maayos kaya ayun, itong mga kapamilya ko talaga, grabe ang daling mapikon, hindi naman ako ganon kasama ah? Hindi nga ba? hehe.
Namili kami ng kahit ano-ano, di parin ako pinapansin ng mommy ko. Parang bata eh, ganyan yan magalit, ayaw makipag-usap, silent treatment kumbaga. Ewan ko ba, parang mas bata pa ata siya sa'kin.
Ayun namimili nalang kami tapos binigay ko nalang sa saleslady, sila kasi ang magdadala ng mga gamit kung bibilhin mo. Pumunta nalang ako sa tabi ni mommy para kausapin siya, lalambingin ko nalang ito. Magsasalita na sana ako ng biglang may kumanta na bata.
I love you, You love me
We're a happy family
With a great big hug and a kiss from me to you.
Won't you say you love me too
I love you You love me
We're best friends like friends should be
With a great big hug and a kiss from me to you.
Won't you say you love me too
Natatawa na ako, nagpipigil na ako ng tawa baka kasi magalit nanaman to, may ipapaalam pa naman ako.
Hmmm, inhale! Exhale. Pigil kath, pigil. Kunot na kunot na ang noo ni mom, ng kumanta kasi yung bata may hinahawakang teddy na barney tapos iniharap pa sa kay mommy, yung parang tinitignan nung bata kung magkamukha ba talaga.
Ay shems di ko na talaga nakayanan, humalakhak na talaga ako, waaa kainis. Lagot nanaman ako, as in ang lakas ng tawa ko. Buti biglang tumunog cellphone niya kaya ayun saved ako at syempre humalakhak narin.
BINABASA MO ANG
Destiny Answered
Teen FictionYour another story of fated love. Find out how will her perspectives gone wrong when she's able to experience those.