Hinatid nya ako sa may kanto namin,sana safe sya makauwi..."Naks! Concern! Pumapagibig ang alaga ko ah!"-otor
Gusto mo laslasin ko leeg mo otor? Habang nasa labas ako,ibibili kita ng blade! You want?
"Eto naman hindi mabiro,sige na pumasok ka na,ingat!"-otor
Hmmmmmm!
Dumiretso na muna ako sa bahay,sinalubong ako ng kapatid kong lalaki "Ate!" sabi nya sabay niyakap ako "Oh! Kumain ka na ba? Si mama nasaan?" tanong ko sa kapatid ko
"Nasa kusina ate,nagluluto,amin na yung bag mo ate,ako na magdadala sa kwarto mo" sabi nya na nagpupumilit kunin ang bag ko
"Ako na,sige na pumasok ka na sa loob"
"Sige ate!"
Pumasok na sya ng tuluyan sa loob ng bahay at sumunod ako,nagpahinga muna ako sa sofa, kasabay nun,pinuntahan ko si mama sa kusina upang tignan ang niluluto nya
"Oh anak! Nandyan ka na pala,masarap ang ulam natin ngayon,nagpadala kasi yung papa mo,nabayaran ko na din ang utang natin kay Jena,may pinadala na din ang papa mo sayo at kay Bryan..." mahabang paliwanag ni mama sakin na ikinagulat ko
"Buhay pa pala si papa,matapos ang panlolokong ginawa nya satin" pagpaparinig ko,napahinto naman si mama sa pagluluto,at panghihinayang na humarap sakin
"Kalimutan? Di ganun kadali yun ma! Mahirap kalimutan ang isang malagim na nakaraan! Gumising ka nga mama! Niloko tayo ni papa,tapos ano? Magpapaloko ulit tayo? Hindi ko tanggap yan ma! Kung makakasama natin sya sa iisang bubong,mas mabuti pang manatili na lang tayo dito" mahabang sabat ko sa kanya,nilason na ata ng TATAY kong magaling ang utak ni mama e
"May pamilya sya ngayon mama! Masayang masaya sila ngayon kesa sa atin noon" sabi ko kay mama,ramdam kong unti-unti nang pumapatak ang mga luha ko
"Ma! Please lang! Wag ka ng magpaloko sa kanya" mangiyak ngiyak kong sabi sa kanya
Piningot ako ni mama sa tenga at ikinabalik ko sa dati kong reaksyon,ano ba yan! Nagdadrama ako e
"Ano bang pinagsasasabi mo jan? Yung tatay mo nasa abroad!" Sigaw nya sakin,epal naman to!
"Nagdadrama ako mama e! Epal ka naman!" Pinunasan ko ang luha ko sa mga mata ko at bumusangot
"Kung kurutin ko kaya yang singit mo!" Galit na sabi sakin ni mama,panira talaga tong nanay ko!
"Hays,teka mama,ano nga palang regalo sakin ni papa?" Excited kong tanong,hindi ako mapakali,nagrequest kasi ako kay papa na iregalo sakin ay laptop na apple,baka yun na yun? My dream comes trueee!
"Hay nako! Dineretso ko na sa kwarto mo,at baka masira pa ng kapatid mo,pinaghirapan ng papa mo yun"sabi nya ng walang lingunan dahil busy sya sa pagluluto,tumakbo na ako ng mabilis sa kwarto ko at excited na pumasok sa silid ko
May nakita akong nakabalot sa ibabaw ng kama ko,isang malaking balot,as in malaking malaki
Dali dali akong pumunta kung saan yung kinaroroonan ng nakabalot na bagay...
Binuksan ko iyon at nakita ko ang isang malaking manika,stuff toy kung baga
Natuwa naman ako kahit na hindi yung nirequest ko kay papa ang binigay nya,magpasalamat na lang ako dahil kahit stuff toy lang...dadrama nanaman akooo.
Binuksan ko iyon ng tuluyan at idinisplay sa ibabaw ng aparador ko
Nagbihis muna ako ng pambahay,at saka tuluyang bumaba
"Oh anak,maganda ba yung niregalo sayo ng papa mo?" sabi ni mama sabay kinuha ang ulam at kanin namin at inilapag sa gitna ng lamesa
"Oo ma,anlaki nga e"sabi ko at sumandok ng kanin
"Mahal sa ibang bansa yun! Kaya ingatan mo" tumingin pa sakin si mama at saka ulit itunuon ang pansin sa sinasandok nyang kanin sa kapatid ko
"Oo naman ma,maingat ako sa gamit ano!" inirapan ko sya ng palihim,baka kasi tusukin ako ng tinidor neto pag nakita nyang iniirapan ko sya,alam nyo naman mahirap na....
"Oh sya,kumain ka na at matulog.." Sabi nya at tuluyan ng umupo sa tapat ng kinauupuan ko ngayon
Nagsimula na kaming kumain,tahimik kami habang ngumunguya,walang nagsasalita o kumikibo saming tatlo,may rules kasi kami,ang magsalita habang kumakain ay sa sofa matutulog,since ayaw kong matulog sa sofa,ititikom ko na lang yung bunganga ko...
After namin kumain,ako na nagligpit sa lahat at inilagay ko sa lababo namin,sabi ni mama sya na lang daw yung maghuhugas,gumawa na lang daw ako ng assignment, e ayoko...gusto kong tulungan si mama para hindi nanaman atakihin ng putspa nyang sakit.
"Ako na maghuhugas ma..may oras pa,maaga pa naman kaya ako na bahala dyan..." Sabi ko kay mama,at thanks god,hindi nya na pinahaba pa ang talunan namin sa paghuhugas ng mga pinagkainan,ang tigas kasi ng ulo ni mama e...
"Malamang Blythe,may malabot bang ulo? Kung meron? Share mo naman,ikaw na lang kaya ang laslasin ko mas nakakabuti pa,nakakasakit ka talaga ng bangs! Haysss~ *irap*"-otor
Sorry na foo.. Ikaw naman otor hindi mabiroooo... Syempre may halong joke....
"Sige na sige na,magwawalis na lang ako"walang lingunang sabi ni mama sakin,at tuluyan ng naglakad para kuhanin yung walis tambo
Naghugas na ako ng tuluy-tuloy at pinagpag ang mga plato para matanggal yung mga tubig at saka ko na tuluyang inilagay sa lagayan ng plato.
Nagpunas ako ng kamay at pumunta ng sofa para manood ng ENCANTADIA....
"Bakit hindi mo sinabi kung sino ang taksil dito Amihan? Upang sa ganon ay maparusahan natin sya"-Alena
"Bwisit ka Alena,ang lakas mong magtanong kung sino ang taksil,ikaw lang naman!" sabi ko sa hangin dahil affected ako sa mga ginagawa ng character ko sa ENCANTADIA
*slap*
"Nagtanong ka pa! Diba't ikaw naman ang taksil! Pashnea ka!"-Amihan
" Ohhhhbbb! Panesxzs!" Sigaw ko....nyemas! Biruin mo... Sinampal ni Amihan si Alena.. Buti nga sayo!
Nanood pa ako ng nanood hanggang sa ipalabas yung abangan... Bastos talaga to oh! Nambibitin?
Pagtapos nun,nagpalabas na ng Rated SPG....
"Okay.....tapos na...its time to do my assignment!" pumalakpak pa ako at saka tumayo....
"Papatayin ko na yung ilaw dito... Umakyat na kayo..." sabi ni mama at agad naman naming sinunod ang kanyang utos.
––––––––
A/N: Bitin? Well! I promote nyo muna ang story ko para double update tayo,arrasseo?
By the way,sorry kung nakasulat sa chapter 1 ata yun... Na hindi marunong si Blythe mag korean pero nakausap nya ng hangul si Jacob..... Sorry guys! Sana paintindi nalang.... Loveyah!