Chapter 22

713 48 2
                                    

Hapon na,pero hanggang ngayon wala pa rin si mama,dapat talaga hindi ko na sinabi sa kanya.

"Asan na ba ang mama mo?" Muling tanong ni Lola sakin

"Hindi ko po masasagot yang katanungan nyo Lola,umalis na lang po sya ng walang pasabi kung saan sya pupunta." Nag aalala na ako kay Mama.

Magsasalita pa sana si Lola ng may pumasok na doktor sa kwarto na kinaroroonan ko sa ospital

"Lola Nida,heto po ang kailangan gawin ni Blythe upang hindi na maulit pa muli ang ganitong pangyayari sa kanya,pwede na rin po syang lumabas bukas since okay na din po yung lagay nya,excuse me po" lumabas na ulit yung doktor,binigay nya lang kay Lola yung papel then umalis na din sya

"Ibibigay ko to sa mama mo para hindi hayaang mangyari to sayo,at ikaw! Wag mo ding hahayaang mangyari ito sa sarili mo!" Sinermonan nanaman ako ng Lola ko,hays!

"Opo Lola"

"Good."

Nagulat ako sa sinabi nya,aba naman talaga!

*****

Naghahanda na kami para umalis sa ospital,nandito na din si mama kagabi pa,halatang namumugto yung mata nya pero sa ganda nyang yan,hindi mo mahahalata

"Anak! Pasensya na kahapon ah? Di ko lang talaga mapigilan umiyak dahil sa panloloko ng papa mo satin,wala na syang babalikan dito!" Halata mo sa boses ni mama ang galit at puot,Hindi ko na kailan man tatay yung Noel na yun

"Hindi na namin sya tatay ma,ok  lang po yun,atleast nalabas nyo po yung galit nyo kay Noel" Wala akong pakielam kahit Noel o kung ano mang itawag ko sa magaling kong Tatay dati!

"Nako! Tutulo nanaman ang luha ko,wag na natin syang pagusapan at baka makasuntok pa ako dito" Manang mana talaga si mama kay Lolo! HAHAHAHAHA!

MATAPANG!

"Alam ko na kung kanino ako nagmana! HAHAHAHA!" Nagtawanan kami ni mama pero halata mo pa din sa kanya yung lungkot at galit,pero dedma na lang..

Paglabas namin ng ospital para kaming naestatwa sa kinatatayuan namin ni mama

Lumapit sya samin sabay niyakap kaming tatlo kasama yung kapatid ko

Tinulak sya ni mama kaya napaatras sya

"ANG LAKAS ML DING PUMUNTA DITO ANO?! NAPAKAKAPAL NG MUKHA MONG HAYUP KA! LUMAYAS KA SA HARAPAN NAMIN!" Sigaw ni mama,bumagsak na ng tuluyan ang mga luha ko,pareho kami ni mama na galit at umiiyak,habang sila Lola at si Bryan ay blanko ang mga mukha

Umalis na kami dun dahil madami ng tao na nakatingin samin,mga chismoso't chismosa
-_-

"Anng ibig sabihin nun Bea?! Ha?!" Sigaw ni Lola kay mama dahil halatang naguguluhan sya sa nangyayari

"Mahabang kwento nay! Tara na ho sa bahay ko na lang sasabihin!" Pinunasan ni mama yung luha tsaka naghanap ng tricycle at sumakay na kami

NAPAKA WALANGHIYA! ANG LAKAS NYANG PUMUNTA DITO PARA ANO!? LOKOHIN NANAMAN KAMI?! ABA MATINDE!

*****

A/N: Sobra ba yung ginawa ng papa ni Blythe at Bryan sa kanila? Abangan ang susunod na mangyayari...

Facebook page: My Nerdy Slave

Don't forget to vote and comment!

My Nerdy Slave [On-going]Where stories live. Discover now