May nagtakip sa mata ko at hindi ko alam kung sino....Natatakot ako,baka si god na itoo... Paano na si Mama,yung kapatid ko?
Wahhhh! Ayoko pang mamayapa
"S-sino ka?" Nanginginig kong tanong sa kung sino nagtakip ng mga mata ko,hinawakan ko yung kamay nyang nakatakip sa mata ko
Infairness,malaki yung kamay nya,halatang malaking tao sya,tapos ang smooth pa....
Shocks! Sino ba talaga to?
"Don't worry,hindi kita sasaktan" bulong nya sakin,parang pamilyar sakin yung boses nya,di ko lang maalala kung sino?
"S-sino ka ba talaga kasi?" Naiirita kong tanong sa kanya,naiinis na ako! As in!
Tinanggal nya na yung kamay nya sa mata ko at nakita ko ulit ang maliwanag na paligid....
Tumalikod ako upang makita kung sino ang hinayupak na nagtakip sa mga mata ko......at bumungad sakin si------
"Ethan?!"napalakas ang boses ko nung bumungad sakin yung makisig nyang mukha! Emeged! Sya na ba si Mr. Right ko?
----------------------
"ETHAN!"sigaw ko at tumayo mula sa pagkakahiga ko sa kama...
Narinig ata ni Mama at tarantang umakyat dito sa kwarto NAMIN
Umupo agad sya sa tabi ko at hinimas ang likod ko
" Anong nangyari sayo?" Nagaalalang tanong ni mama,nilingon ko muna yung bintana namin at nakita ko ang araw na uusbong pa lang dahil maguumaga na...
Paktay na!
Malalate nanaman is mehhhh!
"W-wala ma! Maliligo ko na ako baka malate pa ako tsaka baka bigwasan na ako ng tuluyan ng adviser ko" mahabang sabi ko kay mama at nagsimulang tumayo,kinuha ko na yung twalya ko at nagsimulang bumaba.
"T-teka!" Sigaw ni mama sakin
Pag baba ko natapilok pa ako for the last time! Nyeta! Bwisit tong hagdan na to! Kung hindi ako matatapilok,malalaglag ako at puputok yung labi ko! Aishhhh~
Nagsimula na akong maligo at nagshampoo,nagsabon at nagtooth brush. Mga 30 mins,natapos na ako maligo,umakyat na lang ako ng marahan sa taas at baka matapilok nanaman ako..
Bago ko pa mahawakan ang knob ng aparador namin e biglang nagsalita si mama "Eto na yung damit mo oh! Maghahanda na ako ng baon at pagkain mo." Sabi nya at bumaba na
"Aish~" naii-stress na ako!
Nagsimula na akong magbihis at magsuot ng medyas,nasa baba kasi yung sapatos ko e-skl
Kinuha ko na ang bag ko pati suklay,wala na talaga akong time!
Bumaba na ako at naiwan ang kapatid kong lalaki dun sa itaas,natutulog pa kasi-skl
Kinuha ko na yung sapatos ko mula sa likod ng pinto,kinuha ko na din ang baon ko,hanggang kelan ba ako magmamadali? Punyeta kasi tong umagang to!
"Eto na yung baon at kumain ka na dyan" sabi ni mama at inilapag ang platong naglalaman ng Fried Rice at Itlog
"Ma! Hindi na ako kakain,no choice e,malalate nanaman ako if kumain pa ako dito,yung baon ko na lang ang kakainin ko sa school" mahabang paliwanag ko kay mama,at agad na inilagay ang baon ko sa loob ng bag at saka tuluyang umalis..
Nagtungo na ako sa sakayan ng jeep,at sa kasamaang palad! Traffic pa,at punuan ang jeep! Kung minamalas ka naman talaga oo!
20 mins mula kanina,may namataan naman akong jeep na iilan lamang ang sakay,nagtungo ako dun at sumakay....
Pagsakay ko dun ay mabilis akong naghalungkat ng barya sa wallet,7 pesos lang naman yung pamasahe mula rito hanggang school,kaya pa naman.....
"Manong eto na ho yung bayad!" Sigaw ko kay manong,not actually sigaw talaga,yung katamtaman lang,inabot ko na sa iba pang pasahero yung bayad at mabilis din naman nilang kinuha iyon at iniabot kay manong drivah!
5 mins lang ay nakarating agad ako,mabilis akong kumilos para makababa sa jeep...
Papasok na sana ako sa gate ng harangin ako ni KALBONG guard,anong problema neto?
"Hindi ka pwedeng pumasok!" Masamang tumingin sya sakin at itinuon ulit ang pansin sa record book nya
"At bakit? Estudyante ako dito,mamang kalbo! Bakit ako hindi pwedeng pumasok? Aber?" Nakapamewang kong sagot sa kanya,aba! Hindi sya ang nagbabayad ng tuition fee ko dito kaya itikom nya lang ang bibig nya! Kung ayaw yang gawin kong buko yung mukha nya!
"May I.D ka ba? Wala diba? Ayan ang dahilan kaya hindi ka pwedeng pumasok!" Tinulak nya ako sa pamamagitan ng kanyang braso kaya napatalsik ako ng konti
"Astadi ka panot!" Sigaw ko dun sa guardiyang singkintab ng sahig namin yung ulo nya!
Bwisit!
Hindi na sya gumanti ng sigaw sakin dahil busy sa kung ano man ang ginagawa nya sa record book nya! Siguro dinodrawing nya yung mukha nya,tapos pinapakintab nya pa lalo yung ulo nya? Tama ba?
"Aishhh~ Ang malassssss!" Sigaw ko sa sarili ko at hinampas ang sarili kong ulo,hinayupak na guardyang yan! Hmmm? Aha! Gagawa ako ng dahilan para makapasok!
Umakyat ako sa ladder na katapat ng puno,natatakot ako kasi umaalog! Baka malaglag ako!
Papatong na sana ako sa itaas ng dingding nang may nakita akong magbabarkada ng langgam,nagmamartcha sila...Ano to? Sundalo?,halatang tutungo sila sa kinapapatungan ko at kinagat ang paa ko,ako naman ay mabilis na bumaba ng hagdan at nagkamot ng nagkamot
"Ha! Akala mo talaga makakapasok ka! Tsk! Tsk! No! Kahit anong gawin mo para makapasok wala kang laban sa mga tropa kong langgam! HAHAHAHAHAHAHA!" Kung hindi lang to guwardya,matagal ng nasa sementeryo to..! Buwisit!
Pero teka! Tropa? Langgam? Aba! May saltik na ata tong guwardyang panot na to na kalahating mukhang langgam😂
"Palibhasa mukha kang langgam! Che! Panot!" Singhal ko kay Panot
Umupo ako sa bench,at mabuti na lang may nilagay sila dito
"Guard! Papasukin mo sya!" Sigaw nung lalaki kay panot! Nilingon ko sya at.....at....