Paggising ko kaninang umaga agad kong hinawakan ang phone ko para makapag FB at icheck kung nag reply na ba siya. Nang may nag notif sa phone ko na may kaarawan ang isa sa admin ng group kung san ako nabibilang bilang isa rin admin.
Hera Wus have birthday today!
Kumunot ang noo ko. Hindi ko alam kung totoo ba na birthday mo O yan lang ang nilagay mo sa iyong FB. Kaya nagtanong ako kay ares-san kung totoo ba ang sabi naman niya ay Oo. Hindi ko lang talaga alam kung totoo ba O hindi kahit sinabi na sakin na 'Oo' nahahawa na rin ata ako kay inay na hindi agad naniniwala.
Napag isip ko na gawan nalang kita ng ganito dahil hindi naman kita mabibigyan ng regalo dahil malayo ka. Sa ibang bansa. At malabong magkikita tayo.
Kaya wag ka ng pabebe kung ito ang ibibigay ko as a gift to your birthday.
Naisip ko kanina na gawan kita ng lettering kaya lang sinumpong ako ng sakit ko. Ang tamadism. Malala na siya.
Kaya nga ito nalang. Pfft.
Ikaw ang taong FC sakin. Na gusto mo na tayo nalang mag best friend. Pinipilit mo pa ako noon nung araw na sawi ako sa isa kong kaibigan. Pero ewan ko sayo kung totoo yung sinasabi mo O nagbibiro ka lang. Kaya hindi ko siniseryoso iyon.
ikaw ang taong mahilig sa kdrama at mahal rin si ehem Chanyeol. Bias niya rin si Chanyeol. Nanadya ka babae!
At dahil magkapatid kayo ni inay tatawagan kitang 'Tita' DAPAT. pero sa inaasta mo ako pa ata ang mature sayo. Haha. Sorry na kung wala akong galang. Ok lang yan. Masanay ka na. Wala talaga akong galang sa mga baliw.
Herako, magtrabaho ka na para pag dating mo dito sa pilipinas Ililibre mo kaming lahat ng wusfam. Haha.
Hindi nanaman 'to story. Nawawala nanaman ako. Aish.
Happy birthday Herako. Sobrang tanda mo. Pakasaya.
YOU ARE READING
Random Thoughts
De TodoMy Imagination, Emotion and Happy memories are all here. I write it here.