Chapter 5

38 3 0
                                    


° Chapter 5: Three Kinds of Gangs °

Nikkie

Sapo ang braso habang ako ay lumalakad,hindi ko alam kung saan ako pupunta gusto kong gamutin ang malaking hiwa sa aking braso na gawa ng lalaki nangharang sa akin kanina lang kaso hindi ko alam kung mayron o asan ang clinic nila.

Dinala ako ng aking paa sa parang garden dahil sa puno ito ng bulaklak at mga kahoy na nakakalat sa mga damo, may fountain pa sa gitna pero ang creepy dahil imbes na tubig ang lumabas ay pulang likido na tingin ko ay dugo.umupo nalang ako sa isang upuan na gawa sa kahoy saka nagmuni-muni.

Minsan ng sumagi sa isip ko kung nagaalala ba ang magulang naming lima dahil dalawang araw na kaming nawawala,siguro hindi pa dahil tatlong araw ang camping namin sa Caprica na dapat ay nandoon kami at wala sa eskwelahang ito.

              *~~•×••×••×•×••×••×•~~*

"Guys kain na!" sigaw ni Rica mula sa kusina.nasa sala kami ngayon at nanonood,agad na naglapitan ang iba hanggang sa ako nalang ang natira.walang ganang kinuha ko ang remote at pinatay ang TV.

"Ano Nikkie!Hindi kapa ba kakain?pa special mention pa e." napairap nalang ako sa sinabi ni Nene bago pumunta sa lamesa.

Agad naming nilantakan ang pagkain na niluto ni Rica.fried rice at fried hotdog na may kasamay fried egg.puro fried diba!.wala naman kasing gulay sa ref kaya eto lang ang available parang umagahan lang peg kahit dinner na.

Tapos na lahat sa pagkain pero wala parin ang nagsasalita o tumatayo manlang lahat ay nakaupo at nakikipagtitigan sa mga plato nila.

"Ano guys walang kikilos sino ang maghuhugas?" basag ni Nene sa katahimikan kaya lahat ng atensyon ay nasa kanya at gumuhit ang ngiti sa aming labi.

"Ikaw!" sabay sabay naming sabi habang nakaturo sa kanya.bumasangot naman ang mukha nito bago tumayo at nagpunta sa lababo.isa isa naman kaming tumayo at naghugas rin.papapunta na sana kami ng sala ng magsalita muli ito.

"So.....walang tutulong sa akin ganon" taas kilay na tanong nito.sabay sabay naman kaming tumango at nagtungo na sa sala.

"Grrrr...." she murmured. habang padapog na nililigpit ang aming pinag kainan.

"Hoy hinay hinay lang baka mabasag!" pang-aasar ni Brie. she just rolled her eyes bago magumpisang maghugas.bahagya naman akong napangiti na agad ring nawala dahil sa pinagusapan namin ni Jiewel kaninang umaga sa garden.

/ Flash back /

Napatigil ako pagiisip ng humangin ng malakas kaya napayakap ako sa sarili ko.parang namanhid narin ang braso kong may hiwa dahil hindi ko na maramdaman ang sakit nito,puro natuyong dugo ang kumulay sa braso ko pero wala na akong pakielam pa.

Hindi kona sana sya makita kundi kakalbuhin ko sya..I promise.

 Inferno UniversityWhere stories live. Discover now