WAFTS FOUR

125 7 1
                                    


FOUR

AUTUMN

"Seryosohin mo nga ito, Sky." naiinis ng sabi ni Martin sa abnormal na si Skylar na kanina pa ako inaasar.

"But I'm serious, dude." Natatawa niyang sagot.

Bwisit naman talaga itong bakulaw na to. Hindi ko pa nga siya naharap dahil practice kami agad-agad.Seryoso raw siya e puro pambabara ang sinasabi niya sa akin. Masyadong papansin.

Pero maganda rin pala pag kasama sa mga ganito, excused buong araw.

"Practice tayo sa weekends. Sunduin kita Phia?" Baling nalang sa akin ni Martin.

Bumilis naman ang tibok ng puso ko. Pina-move niya kasi ang competition para makapaghanda kami ng mabuti. Hah! Perks of being the son of the school owner.

"Phia, huh? I thought it was AJ." nang-aasar na namang sabi ng bakulaw kong ka-banda. Pinaparusahan yata ako ng Diyos, bakit ganito ang taong ito? Hindi ba pwedeng kainin nalang siya ng lupa at mabulok sa underworld kasama si Hades?!

Tinignan ko siya ng masama. Sana talaga nakamamatay na lang ang titig. Ts, nagiging demonya ako dahil sa bakulaw na nasa harap ko ngayon!

"Sky. Ano ba?" This time, may diin na ang mga salitang binitawan ni Martin.

Skylar Jaymes bwisit Chan just shrugged. The annoying creature finally shut up. Mabuti nalang dahil kanina ko pa talaga siya gustong patayin!

"Baka naman kayo ang magkatuluyan nyan ha." Sinamaan naming tatlo ng tingin si Francis sa sinabi niya.

I rolled my freaking eyes at him. Magkatuluyan, my ass!
This monkey? No way!

"Sophia." Bumilis ang tibok ng puso ko sa pagtawag sa akin ni Martin. Agad na nailipat sakanya ang tingin ko.

Naka-kunot ang noo at parang nauubos na ang pasensya niya.

"Uh.. Papahatid nalang ako kay kuya Tols." Ani ko saka ako nag-iwas ng tingin.

"Hindi ba day off ni kuya Tols ang weekends?"

Umiling ako.

"Hindi na ngayon. Uh.." God, this is so awkward!

Nagbago naman ang expression ng mukha niya saka siya tumango-tango habang nakatitig sa akin.

Yung puso ko parang tatakbo palabas ng dibdib ko. Fuck. Kulang nalang mag hyperventilate ako dito.

"So tapos na tayo for today?" Tanong ni Francis.

Dahil dun napatingin sa kanya si Martin. Oh, thank you, Francis! Hulog ka ng langit!

"Yes. But we should all prepare para sa mga practice. Hanggat maaari ayaw ko ng may umaabsent."

And with that, he dismissed us.

Naunang lumabas si Skylar at sumunod naman si Francis. Medyo natatagalan ako kasi inaayos ko pa ang mga gamit ko at si Martin naman may inaayos sa iPad niya nung huli ko siyang tinignan.

My God! Ilang awkward moments pa po?!

"Uh, Phia.." Tawag niya sa akin ng palakad na ako papunta sa exit.

Biglang bumilis nanaman ang tibok ng puso ko. Ano ba naman ito? Grrr.
Watdahel Autumn! Umayos ka.

"Yea?" Hindi ako makalingon.

"How are you?"

Three fucking words. Kinakamusta niya lang ako. Pero bakit parang hinahaplos na ang puso ko?

When Autumn Falls to SkyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon