WAFTS TWO

149 4 2
                                    

TWO:

AUTUMN

Tinatamad na bumaba ako sa kotse nang ihinto ito ni kuya Tolits sa tapat ng gate ng school.

Tinatamad na isinara ko rin ang pinto pero dahil nga tinatamad ako, mahina lang yun at hindi ito naisarang mabuti kaya tinatamad na binuksan ko ito ulit at inipon ko ang lakas ko bago ko ito itinulak ulit pasara.

Bumusina muna si kuya Tols bago tuluyang pinasibad palayo ang kotse.

Another boring day.

Sa anong subject kaya ako matutulog today? Definitely not math. No. Never.

Hello? Favorite kaya akong okrayin ng prof ko sa Basic Math. Lintek kasing Math yan e! Tuwang-tuwa na ako nang makita ko sa listahan ng subjects ko ang BASIC MATH. You know, ang in-expect ko yung addition, subtraction, multiplication at division lang. BASIC daw e. Yun pala hindi! Punyemas. May x plus y minus fuck off mathematics parin!

I still have 10 minutes para pairalin ang permanente ko ng sakit na katamaran. I'm sure naman late nanaman ang prof ko sa Natural Science.

Nang makarating ako sa building namin, agad hinanap ng mata ko ang bff forever ko na si Jewel Rose. And there, nakikita ko na ang chararat niyang mukha.

Pero joke lang, maganda siya. Mas maganda nga lang ako.

"Phia!" Tawag niya sakin.

I rolled my eyes. Heto nanaman siya.

"It's AJ, Jew. AJ." Medyo may diin kong sabi nang makalapit na siya sa akin.

She rolled her eyes. Tatanungin niyo pa ba kung bakit kami bffs?

"Wala kang maloloko dito, Inday. Tantanan mo ako sa AJ-AJ na yan! Lokohin mo na sila. Wag ako ha! WAG AKO!" Eskandalosang birada niya sa akin.

Karag talaga itong babaeng ito.

"Mahiya ka nga sa mga tao sa paligid. Sigaw pa e." Natatawang sabi ko.

Sinukbit niya naman ang kamay niya sa braso ko at buong pwersa akong pinasabay sa paglalakad niya.

"Ikaw naman kasi eh. Ang aga-aga hinihiritan mo ako ng mga kagagahan mo sa buhay. Nako,Phia. Naiirita talaga ako sa pinaggagawa mo sa sarili mo! My God! Seryoso ka ba sa mga inaakto mo? Tomboy? Iw." Halatang inis na niyang sabi.

I rolled my eyes once again.

Naddrain lahat ng katamaran ko kapag siya ang kasama ko.

Hindi naman talaga ako tomboy or totally nag-transform bilang isang lesbian. Yung tipong bigla nalang nagpagupit and such. Siguro yung sa pananamit at pagkilos ko lang. Very unladylike raw. Ganito naman talaga ako dati e, partly because my siblings are all boys at dahil na rin wala akong hilig sa kaartehan eclavu na yan..

When Autumn Falls to SkyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon