Her POV ~
Linnea Phoebe Simera Alcantara.
15 years old.
Senior - One A.
Far Away Academy.
I was looking to my new identification card and smiled. Finally, I am going to be a college student next year and in all fairness, ito ang pinaka-matinong picture ko sa I.D. ko. First day of my senior year and excited ako ng super.
" Baby! Andito na si Ethan, bilisan mo dyan." sigaw ni mommy mula sa baba.
"Okay mom, andyan na." kinuha ko na ang BAGO kong bag at isinuot na ang BAGO kong sapatos. Ganoon naman di ba kapag first day ng class? Lahat na lang bago, sabay din sa uso pag may time.
Pagkababa ko ng hagdan nakita ko na si Ethan na nakaupo sa may sala. Siya ang bestfriend ko, naka-lampin pa lang kami yun na ang fate namin. Medyo kinulang sya sa height, ewan ko pero mas matangkad pa ko sa kanya. Siguro na-late lang ang pag-bloom nya kaya ganun.
"Pards! Tara na." sabay batok ko sa kanya. Ang sweet ko di ba?
"Aray naman pards! Ang gandang buena mano nyan sa akin ah!' Kaya siguro di na ko lumaki e." kakamot kamot ng ulo nyang sabi sa akin sabay ngiti. Ang gwapo talaga nitong si pards. Haysss *drools* Chos!
"Tara na sa school. Excited na ako e." sabay hila ko sa kanya papuntang pinto.
" Baby, eto na ang sandwich para sa inyo ni Ethan. Kainin nyo na lang sa daan at mag-ingat kayo ah?" sabay abot samin ng paborito naming sandwich ni pards.
"Thank you po mommy. Bye po." sabay naming sabi, mommy na din kasi ang tawag nya sa mommy ko. Feeling kasi yang si pards. Haha!
Walking distance lang naman ang school namin, mga 15 minutes. Naglakad kami ng mabagal at kinain ang so called breakfast namin, nakulangan pa nga ako kaya kumagat pa ko sa sandwich ni pards kaya ayun isinubo na nya lahat at baka daw wala na syang makain. Haha, damot naman T3T. Maaga pa kaya di naman kami mali-late kapag binagalan namin. Ganito kami ni Ethan palagi. Sanggang dikit na kami, bata pa lang kami.
"Pards, naka-pasa akong varsity." out of the blue na sabi nya. Napatigil ako sa paglalakad.
"Ha?!' Nag-try out ka nung summer?" halos walang hinga hinga na tanong ko sa kanya. Kaya pala 1 month syang di nagpakita sa akin. Kaya pala!
"Oo e, di ba may pangako ako sa iyo? Tumutupad lang." sabay ngiti nya sa akin. Bigla naman akong nalungkot sa sinabi nya.
"Ethan, you don't need to do this." potek! Naiiyak na naman ako e.
"Don't worry. I also want this, at isa pa para sa akin din ito." sabi nya pa din ng naka-ngiti. Bigla ko na lang syang niyakap. Sobrang na-touch ako sa effort na ginagawa nya para maabot ang pangarap na dapat ay akin.
"Thank you." yun na lang ang nasabi ko. Everytime na maaalala ko ang nangyari noon I can't help but feel the pain inside me but because of Ethan I was able to hold on and continue to live.
"Iyakin ka pa din. Tara na nga." sabay hila nya sa kamay ko. He always care and that is one of the thing I love about him.
"Hindi kaya! Sapakin kita dyan e." tapos bigla ko syang inambaan.
"Amazona ka talaga! Hindi ko talaga alam kung ano ang nakita sa'yo ng mga lalaki sa school at ang daming may gusto sa'yo." asik nya akin. Sikat "daw" kasi ako sa school pero di ko alam. Friendly lang talaga ako.
"Maganda kasi ako kaya ang swerte mo!" ganti ko sa kanya. Bigla ba naman akong tinawanan! Walanghiya talaga itong bestfriend ko na ito e!
"Hahahahahahahahhahahahaha! Okay, maganda ka. Sabi mo e." sabay takbo palayo sa akin. Ang bilis nya talagang tumakbo. Sapak sa akin yun kapag naabutan ko.
At ayun nga, dahil sa bilis nya di ko na sya naabutan. Halimaw talaga sa takbuhan yung lalaking yun e. Ika nya nga "small but terrible". Tumatakbo pa din ako at nakita ko na syang nasa gate ng school, inaantay ako. Isa yan sa ugali nya, hindi yan papasok ng school gate kapag di nya ko kasabay pwera na lang kapag wala talaga ko.
Pak!
"Loko loko ka! Iniwan mo ko, napagod tuloy ako!" sabi ko sa kanya after ko syang batukan.
"Ang bagal mo kasi. Tara na!" sabay hila sa akin papuntang gate ng school pero bago pa kami makapasok ng school ay may biglang tumigil na mamahaling sasakyan sa tapat ng school.
Iniluwa noon ang isang hindi din kalakihang lalaki na sa tingin ko ay kasing tangkad lang ni Ethan. Pinagkaguluhan agad sya ng mga babae. So, sikat pala sya? Transfer student siguro, nagulat na lang ako ng bigla syang tumingin sa gawi namin at biglang nag-smirk.
Isa lang ang masasabi ko sa transfer na yun. Oo, nag-conclude na ko na transfer sya kahit di ko pa sure! Ang masasabi ko lang ay …
MAYABANG SYA,
pero gwapo! Haha. Bakit ba! Honest ako e. Hahahahahaha. Pero di ko sya gustong umasta -____-!"
---
A/N: I will not post a picture of the characters. I will let my readers imagine the face of the character the way they want :)!
BINABASA MO ANG
Long Lost Love
Teen Fiction"You can't really leave him huh?!" He said bitterly "You know that I love you right? Don't be like that. Please?" She pleaded. "You love me but you chose him." Pain was evidence on every word that he said.