chapter 3

5 0 0
                                    

A/N: I don't know kung anong sumapi sa akin at nagsusulat na naman ako, dapat nagpapahinga ako kasi may sakit ako :3 .. Masyado akong natuwa dun sa taong nag-vote sa chapter 2 nito. Alam nyo naman, masarap sa pakiramdam kapag ganun kasi nagsisimula pa lang ako tapos may nakaka-appreciate nung sinusulat ko kaya thank you at ito na ang CHAPTER 3 :) 

Linnea's POV ~

Nasa bahay na ako. Kung tatanungin nyo kung anong nangyari after nung iyak moment ko ay wala naman. Oo! umiyak ako, ewan ko kung bakit, ang abnormal di ba? Pagkatapos lang naman ng klase ay umuwi agad ako at hindi na dumaan sa Student Council, bahala ng mapagalitan ni President bukas. Hindi na din ako nagpaalam kay Ethan kasi ayoko ng mag-alala pa sya, alam nya kasi kapag may problema ako. Kung problema nga bang matatawag ang nararamdaman kong ito.

Napatingin ako sa bed side table ko at kinuha ang picture frame na nandoon. Picture namin ni Ethan noong Grade 6 kami, nakasuot ako ng jersey at si Ethan naman ay may hawak na bola. I keep looking on the picture, napa-ngiti ako. Naalala ko tuloy yung mga times na lagi ko syang kasama sa court. Yung mga panahon na abot kamay ko pa ang pangarap ko hanggang sa mawala ito ng tuluyan sa akin.

* Flashback *

"Go bespren! Kaya mo yan!" sigaw ni Ethan, napatingin naman ako kung nasaan sya at nag-thumbs up tsaka ko tinira ang bola at yun, PASOK! Instant three points.

"Bespren ko yan! Ang galing galing mo talaga Phoebe!" dagdag na sigaw pa nya. Buong laro ay ganadong ganado ako dahil sa cheer nya at sa cheer na din ng iba naming kaibigan hanggang sa natapos ang laro at kami ang nanalo.

Pumunta muna kami sa locker ng mga ka-team mate ko at saka nag-shower. Ang ganda na naman ng laro namin. Kasali ako sa women's basketball team ng school at lumalaban kami Regional at laging ang team namin ang champion. Matagal ko ng pangarap ang maging sikat na basketbolistang babae, at gusto kong tuparin yun.

"Nea, ang galing mo talaga! No wonder, ikaw ang MVP natin" sabi ni Clay, ang pointguard namin.

"Oo nga captain! ang cool mo talaga kapag nasa loob ka na ng court" dagdag pa ni Samantha, ang pinaka-bata sa grupo.

"Kayo talaga! Binobola nyo na naman ako ah?' Lahat tayo magagaling, we always have team work and that is the best thing that we have right?' We all deserve a treat from coach!" sabay tingin ko kay coach Chino.

"Yeah! You need to treat us coach!" pagsang-ayon naman ng iba pang member ng team.

"Hay naku! may magagawa pa ba ako? Sige, bukas na at baka masapak ako ng captain nyo kapag tumanggi ako" and there, nagtawanan ang lahat.

"Ihanda mo na ang bulsa mo coach, bubutasin namin yan bukas." sabi naman ni Emmy at muli na namang napuno ng tawanan ang locker. Loka talaga itong babae na ito, tinakot pa si coach Chino.

"Okay okay. I'll see you tomorrow girls." sabay kuha ng bag ni coach at umexit na. Nagpaalam na din kami sa isa't isa ng mga teammates ko.

After namin i-dismiss ni coach ay inayos ko na ang mga gamit ko. Ngayon ko lang naramdaman ang pagod pero ang saya ko sa ginagawa kong ito. Mahal na mahal ko talaga ang basketball. Lumabas na ako at hinanap ko sa isa sa mga bleachers si Ethan. Nasaan na kaya yun? Pag-lingon ko pa ulit sa kabilang side ay nakita ko syang naka-ngiti sa akin. Agad ko naman syang nilapitan at bigla ba naman nyang tinap ang ulo ko, akala mo naman kung sinong matangkad. Lagi nyang ginagawa sa akin yan kapag tapos na ang game, ewan ko pero yun siguro ang way ng pag-cocongratulate nya sa akin kaya hinahayaan ko na lang.

"Nice game Phoebe girl." sabay tapik sa braso ko at kuha ng mga gamit ko. Ang ganda ng endearment nya sakin noh? Haha! LOL!

"Magaling kami ng team ko e." sabi ko habang naka-chin up, proud ako e.

"Oo na, tara na at umuwi, sigurado masarap na naman hapunan sa bahay nyo. Pakain ah?" nagtanong pa! Kahit naman tumanggi ako dun pa din sya kakain sa bahay. Geez!

"Nagtanong ka pa, tara na nga at gutom na din ako e." sabay hila ko sa kanya.

Pagkadating namin sa bahay ay agad kaming sinalubong ni Mommy at binati ako tsaka binigyan ng hug. Pati si Daddy natutuwa masyado kaya binuhat ako nito at pinaikot ikot. Ang kulit lang, tuwang tuwa nga si Ethan at ang Kuya kong si Louis, tatlo kasi ang kuya ko at yung dalawa ay wala sa bahay gawa ng nag-dodorm sa University nila at si kuya Louis lang ang trip mag-uwian. After ng kulitan namin ay kumain na kami at umiral na naman ang katakawan ko. Sarap talaga magluto ni Daddy, tama kayo ng basa, si Daddy ang nagluluto sa amin kasi kapag si Mommy baka masunog ang kusina namin pero nag-aaral syang magluto, tinuturuan sya ni Daddy kaya I think malapit na ding ipagka-tiawala ni Dad ang kusina kay Mom.

Natapos na kaming kumain at umalis na din si Ethan. Pumunta na ako sa kwarto ko, napatingin ako sa mga trophies ko. Ang dami na masyado, laging MVP. Hindi biro ang maging captain ng isang team, kailangan lagi kang malakas para may paghuhugutan ang nasasakupan mo. Nahiga na ako sa kama ko at dala na din marahil ng pagod ay nakatulog ako.

---

"Far Away Women's Basketball Team is on the lead again!"

I looked at our school newspaper and smiled. We did it again. I am a first year highschool now at syempre patuloy ko pa ring tinutupad ang ang pangarap ko. Pinilas ko na naman ang article namin sa dyaryo ng school at itinago. I always do it, maybe it will serve as a remembrance. Regional game na naman at waiting na kami ng makakalaban namin para sa championship. Naka-upo kami sa isa sa mga bleachers at pinapanuod ang dalawang team na naglalaban, kung sino man ang manalo sa kanila ay ang magiging kalaban namin.

"Nagugutom ako." sabi ng katabi ko.

"Nagwawala na naman yang sawa mo sa tyan! Halika nga at bumili ng pagkain, gutom na din ako e." sabay tayo at hila sa kanya sa labas ng gym. Lumabas kami ng school kung saan ginaganap ang Regional game dahil halos ubos na ang tinda ng mga tindahan sa loob ng school.

"Hahahahahahahahaha! Nagugutom din pala dami pang sinabi. Ikaw talaga Phoebe girl."

"Heh! Wag mo kong tawanan, ilibre mo ako ah?"

"Ayaw nga! Pulubi ako ngayon!"

"Ah ganun? Bahala ka dyan!" iniwan ko sya pero ang totoo may nakita kasi akong bilihan ng kwek kwek kaya pinuntahan ko muna.

"Phoebe girl naman e! Oo na, ililibre na!" habol sa akin ni Ethan. Ha! effective ang kunyaring walkout, sarap na naman ng kain ko nito, libre e.

Habang bumibili si Ethan ng kwek kwek ay naupo muna ko sa isa sa mga bench na nakita ko sa area na yun. Ang haba kasi ng pila kaya si bespren na ang pumila. In all fairness, mabili ang kwek kwek ni manong ah. Naka-tingin lang ako dun sa batang naglalaro ng lobo nya. Ang cute naman nya, tuwang tuwa sya dun sa lobo nya kaya lang bigla nyang nabitawan at hinabol nya yun.

Sinundan ko ng tingin yung lobo at sa di malamang dahilan ay bigla akong tumakbo papunta doon sa bata na kasalukuyang nasa kalsada. Adrenaline rush! Sh*t! Kailangan kong maialis yung bata dahil kung hindi mababangga sya nung mabilis na sasakyan. Sa sobrang bilis kong tumakbo, naabutan ko yung bata at naigiya ko pa papunta sa safe side pero di ko nailigtas ang sarili ko. Masyadong mabilis ang pangyayari, ang alam ko lang may mabilis na sasakyan and it hit me bago ako nawalan ng malay.

---

A/N: Medyo flashback pa po sa next chapter. Bear with me guys ^^v!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 12, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Long Lost LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon