Linnea's POV ~
"Hi everyone, I am Shin Iexzel Villarin." sabi nya sabay ngiti. Tumingin ako sa paligid ko at ang mga kaklase kong haliparot grabe kung kiligin. Kitang kita talaga, mga walang pakundangan.
"Okay, welcome to our school Mr. Villarin. Kindly go to your seat now and be comfortable." WTH! Ang terror namin na teacher biglang bumait. Ngumiti pa ito kay transfer student. Yes! unfortunately, he is my classmate.
Sya yung guy na mayabang sa labas pa lang ng school at pinagkakaguluhan ng mga babae na akala mo ngayon lang nakakita ng lalake. Sumasakit ang ulo ko, unang araw pa lang ng school.
"Thank you ma'am." sabay ngiti nya sa teacher namin at tama ba ang nakikita ko?!' Nag-bblush si ma'am, haliparot itong guro namin a!
At dahil sa bad luck na nasagap ko kung saang lupalop, papunta si Mr. Antipatiko sa vacant seat sa tabi ko! Bakit kasi walang tumabi sa isa kong side. Nakakaasar! Ayoko talaga sa mga taong may aura ng kayabangan.
"Pards?" biglang tawag sakin ni Ethan. Nasa left side ko kasi sya. Katabi nya ang bintana.
"Why?" sabi ko ng di sya tinitingnan. Na-boboring na kasi ako, ewan ko ba!
"Ang panget mo!" bigla naman akong napatingin sa kanya. Walanghiyang lalaki ito, masasapak ko ito ng wala sa oras e. Sarap bigwasan, as in now na!
"Shut up!" asar kong sabi sa kanya kaya lang I heard him chuckled. Kaya tiningnan ko sya ng masama. Makuha ka sa tingin Luke Ethan Dela Fuerte!
"Finally! Kanina pa kasi iisa yung expression ng mukha mo, na-boboring ka na naman no?" natawa na lang ako. Loko talaga, he always find his way to entertain me.
"Quit talking!" woah! Ang suplado naman nitong isa kong katabi. Sorry na lang sya, sa madaldal sya natabi. Ha!
"Oh, we're sorry Mr. Antipatiko!" note the sarcasm while I am saying the word 'sorry'. Pero syempre bago pa sya makasagot ay nagsalita na si Ms. Alam at nagsimula na ng introduction nya sa magiging subject namin sa kanya. Buong class hour tuloy ang sama ng tingin sa akin ng transfer na yun.
Papunta na kong cafeteria ngayon, nawala kasi bigla si Ethan, may text daw kasi ang Organization nila. Ang OA nga e, first day of school may meeting agad sila. Paliko na sana akong papunta sa cafeteria ng makita ko si Mr. Antipatiko. May nakabangga sa kanyang babae at natumba yung babae. Hinintay ko kung tutulungan nya pero ang loko hindi nya tinulungan!
"Tumingin ka nga sa dinadaanan mo Miss. Nakakaistorbo ka sa ibang tao e!" sabi nito dun sa babae na naka-salamin. I bet she is also a transfer student,bago kasi sya sa paningin ko e at nakikita ko ding natatakot sya kay Shin. Yung nga ba pangalan nya? Ay ewan!
"Sorry po, di na mauulit. Sorry talaga." nakayuko pang sabi nung girl. Parang naiiyak na nga yung girl e. Bwiset talagang lalaki ito. Marami na ding nagtitinginan na estudyante sa kanila.
"Sa susunod mag-ingat ka! Sinasayang mo ang oras kong panget ka!" Aba! Antipatiko talaga! Susugurin ko na sana sya dahil di tama yung ginawa nya kaya lang may nauna na sakin.
"Bawiin mo ang sinabi mo sa kanya!" kalmadong sabi ni Ethan kay Shin habang tinutulungan na tumayo yung girl na hanggang ngayon ay natatakot pa din.
"A-YO-KO! Panget naman talaga sya e!"
"Ang babae hindi deserve ang salitang panget! Gago ka pala e. Ang mga bagay na yan ay di sinasabi sa isang babae." patay tayo dyan. May dugong gentleman kasi yang bespren ko na yan. Ayaw nyan ang naaagrabyado ang mga kababaihan.
"Wala akong pakialam." tumalikod na si Shin kina Ethan at dun sa girl pero knowing my bestfriend hindi yan papayag ng ganun na lang.
"Eh gago ka pala talaga e!" sabay hila nya kay Shin at suntok dito, syempre gumanti naman yung isa. Hay naku! Di na naman nya napigilan ang temper nya. At dahil nga nagsusuntukan na sila mukhang kailangan ko ng umeksena dahil yung girl na tinulungan nya ay natataranta at di alam ang gagawin. Ang dami na ding nanood sa kanila at mukhang mga walang balak pigilan ang dalawang ungas. Kaya lumapit na ko at ...
PAK!
Sabay naman silang natigilan at napatingin sa akin pagkatapos ko silang batukan. Yes, oo! Binatukan ko lang naman sila, siga kaya ako!
"Hindi ba kayo titigil? My ghad! Your making a big scene at first day pa lang ng Senior Year nyo. Can you act like a 15 years old human being? Hindi na kayo nahiya." walang preno kong sabi sa kanilang dalawa. Narinig ko pa ang bulungan ng ibang estudyante.
"Astig talaga ni Nea ... "
"Idol talaga .. "
"Wala pa din pinagbago, sya pa din ang peace maker ng school"
"Ang cool talaga nya ... "
Ilan lang yan sa mga bulungan na narinig ko, pinigilan ko na lang ngumiti. I am a part of our school's Student Council and I am the peace maker of this school. Kahit yung mga lalaking sisiga siga ay tropa ko na. Takot lang nila sakin noh. Ha!
"Tss!" sabay kamot ng ulo nya at umalis. Sino pa ba?! Syempre si yabang yun. Hinayaan ko na lang muna.
"Okay ka lang ba?" napatingin naman ako kay Ethan nung nilapitan nya yung girl at tinanong pero halos matawa naman ako sa ginawa nung girl sa kanya. Tinakbuhan lang naman sya nung girl. Ang epic lang at naiwan syang tulala saglit saka humarap sa akin at sinabing ...
"Subukan mong tumawa! Ang sakit ng pagkaka-hampas mo sa akin ah. Dyan ka muna, hahabulin ko lang yung babae." sabay takbo. Okay, iniwan lang naman nila ako.
Pumunta muna ko sa cafeteria dahil doon naman talaga ang patutunguhan ko. Nagutom ako sa pag-aaway nung dalawang yun ah kaya naman kumain ako ng madami. Matakaw ako e, nang matapos akong kumain ay pumunta muna ko sa CR. Kalahating oras na lang at matatapos na ang breaktime kaya napagpasyahan kong hanapin muna si Ethan. Pumunta ako sa may library pero wala sya dun. Sinubukan ko din ang garden pero wala pa din. Tiningnan ko sa computer laboratory at kung saan saan pa pero no where to be found and drama ng bruho kong bespren.
Naglalakad na ako pabalik sa building ng Senior Department, malaki kasi ang Academy namin at ang building namin ang pinaka-malaki. Kitang kita namin ang rooftop ng ibang department dahil nga sa amin din ang pinaka-mataas na building dito sa Academy. Papunta na ako sa next room namin na sa kasamaang palad na naman ay nasa medyo tuktok ng building namin. Habang naglalakad ako napatingin ako sa bintana at nakita ko sya.
Nakita ko si Ethan, masayang nakikipag-tawanan dun sa babaeng iniligtas nya kanina. Parang may masakit sa loob ko na di ko maipaliwanag. Ngayon ko lang sya nakita na ganyan kasaya, ngayon lang. Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako. Napangiti na lang ako pero ang ngiting yun ay puno ng sakit at hindi ko nagugustuhan ang pakiramdam na ito.
Ayaw ko sa pakiramdam na ito.
---
A/N: The End na po xD! Chos! This is just the start, wala pa sa pinaka-thought ng story :) Salamat sa mg nagbabasa nito .. God bless :)
BINABASA MO ANG
Long Lost Love
Teen Fiction"You can't really leave him huh?!" He said bitterly "You know that I love you right? Don't be like that. Please?" She pleaded. "You love me but you chose him." Pain was evidence on every word that he said.