Prologue

37 2 0
                                    

"Khael, mukhang may nagbabalak na namang pumasok sa ating kaharian." pagbabalita sa akin ni Garuda.





Nakakasawa sa lugar na ito. Ni hindi naging masamang balita ang sinabi sa akin ni Garuda dahil wala pang nakakapasok sa aking trono.





"Garuda. Fenrir. Myuwyvern. Aeolus." pagtawag ko sa aking mga alagad.



"Ano iyon, Khael?"



"Gusto kong umalis sa lugar na ito."




"Alam mong hindi maaari iyon. Ikaw ang naatasang maging tagapagtanggol ng kahariang ito sa ilalim ng kontratang ginawa ng Deus ex Machina. Ang kontrata ay batas." pagsagot sa akin ni Aeolus.






Tsk. Deus ex Machina. Ang Cloister of Time. Alam nya ang nakaraan, kasalukuyan, at hinaharap. Ayaw nya akong makialam sa mundong kinagisnan ko ngunit ang mga tao ang mismong lumalapit sa akin.





"Ayoko dito. Gusto kong masilayan ang liwanag ng kalangitan at ang kislap ng mga butuin."






Alam kong hindi ko na makikita iyon simula nung gawin ang kontratang iyon. Sarado ang buong kaharian at tanging mga apoy ang nagsisilbing liwanag rito. Bawal akong umalis sa kwartong ito. Kung pano ako nakakakain at nabubuhay, tanging mga alagad ko lamang ang gumagawa ng paraan.





"Gumawa tayo ng kontrata." Suhestyon ko sa kanila.



"Alam mong lahat ng kontrata ay nangangailangan ng kapalit,  Khael." Fenrir





Nagsimula na akong ipunin ang aking lakas at isinantabi ko na lamang ang sinabi sakin ni Fenrir. Makakaalis na ko rito.





"Cereberus, ang banal na alagad. Sa kontratang ihahayag, ika'y magsisilbing mata sa panahon ng aking paglisan. Cassiopeia, ang banal na tagapagtanggol, pagmasdang mabuti ang kahariang ito at ilayo sa kapahamakan. Sa pagdating ng aking sisidlan sa kahariang ito, sya'y iyo'y subukin gamit ang iyong kapangyarihan bago makarating sa pinakahuling palapag."




"Anong binabalak mo?!" Pagtatakang tanong sa akin ni Myuwyvern.




Hindi ko sya pinansin at tinuloy ang ritual. Sa wakas, makakaalis na ko rito.





"Sa kontratang ito, buhay ang ihahain sa oras na hindi magtagumpay ang pagbabalik ng aking kaluluwa sa pagdating ng pinakamaliwanag na buwan. Sa paghihiwalay ng katawan at kaluluwa sa pagpatak ng alas dos ng maliwanag na buwan, ang aking mga alagad ang mag-aalaga ng aking katawan ngunit ito ay mananatiling buhay ngunit walang kamalayan. Ang itinakda ang syang magiging sisidlan.

Corpus.

Anima.

Lumos.

Nox.

Dinggin ang kontratang ito, Arcanum!"






Lumitaw ang isang magus kirkos sa aking paligid.





Ito na ang tamang oras. Hindi mo ako mapipigilan, Deus.

--
Note:
Magus kirkos means magic circle.

Magus: The BeginningTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon