Chapter 10 - Paglalakbay

13 2 0
                                    


"Kung gayon, ako ang pupunta ng Arkadia."

"Ngunit mapanganib ito, mahal na prinsesa."

"Kailangan ng isang Royal upang maiparating ang mensahe sa kaharian at wala ring kasiguraduhan kung magpapadala tayo ng mensahe gamit ang kuwago."

"Sang ayon ako sa suhestyon ng mahal na prinsesa. Sa katunayan, sa tingin ko ay sya ay nasa wastong gulang na upang ipadala sya sa kanyang unang misyon. Nais ko rin syang ipadala sa Arkadia upang sumailalim sa pag-aaral sa ilalim ni Raxeira."

"Raxeira?" Sa katunayan ay hindi ko kilala ang taong iyon dahil hindi ako madalas ipinapadala sa Arkadia.

"Sya ang isa sa mga malalakas na magus at ang pinakahuling dragon."

"Dragon?!"

"Oo ngunit hindi ito tulad ng iyong nasa isip mahal na prinsesa. Sya ay kalahating dragon ngunit sya ay may anyong tao."

"Bumalik tayo sa usapan mga guro. Kung ipapadala natin ang mahal na prinsesa ay kakailanganin nating ipahanda ang mga kawal upang matiyak ang kanyang kaligtasan."

"Ngunit hindi natin ito maaaring ipaalam sa mga mamamayan ng ating bayan. At kung makikita nila na maraming kawal ang lalabas ng bayang ito ay maraming magtataka."

"Nais kong sumama. Isinusumpa ko na ako ang poprotekta sa mahal na prinsesa." Pagtayo ni Baron.



Tumingin sa kanya ang mga opisyal at nagisip ng mabuti sa suhestyon ni Baron.



"Kung sasama ang isang Paladin ay maaari nating bawasan ang mga kawal na sasama sa paglalakbay." suhestyon ng isang opisyales.

"Kung gayon, pumapayag ka ba mahal na prinsesa sa suhestyong ito?"

"Mas mapapanatag ako kung nariyan si Baron sa aking paglalakbay. At nais ko sanang imungkahi na isang karwahe lamang ang gamitin sa paglalakbay na ito. Sa paraang iyon, hindi mangangamba ang mamamayan."



Tila ang lahat ay nagiisip kung sasangayon sila sa akin sinabi ngunit malakas ang paninindigan ko na papayagan nila ako.



"Simulan natin ang botohan. Ang lahat ng pumapayag sa nais ng prinsesa ay itaas ang kanilang kamay."



Halos lahat ng nasa kwartong iyon ay sumang-ayon at doon na rin nagtapos ang pagpupulong. Ibinigay sa akin ng opisyales ang kasulatan na ibibigay ko sa Hari upang humingi ng tulong sa panggagamot at sa teleportasyon.



Nang nakita kong papalabas na ang dalawang guro ay agad ko silang tinawag.



"Gurong Khan, bakit nyo nais na pag-aralin ako sa ilalim ni Raxeira?"

"Mas marami kang matututunan sa taong iyon. At mas nakabubuti ito sayo bilang susunod na taga-pamahala ng bayang ito."



Iniabot nya sa akin ang isang kumikinang na bato.



"Sa panahon na makita mo si Raxeira ay ipakita mo ito at tutulungan ka nya."



Sinimulan ko nang ayusin ang mga gamit na aking dadalhin. Sabi nila na aabutin sa tatlo hanggang limang araw ang upang makapunta sa Arkadia.



"Sigurado ka ba, anak? Mas nakabubuti kung ako na lamang ang pupunta roon."

"Ayos lang po ako, mahal na ina. Mas mapapanatag po ako kung narito lamang kayo sa kaharian. Magtiwala po kayo sa akin."

Magus: The BeginningTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon