Chapter 2 - Ang Pagtatagpo

18 2 0
                                    

"Sa wakas, nakita ka na rin namin mwahahaha."


Nakakatakot. Ang mga tawa nila. Mga tawa na hinding hindi ko nanaising marinig ng paulit-ulit.


Ano ba sila?

Mga manigno! Hinahabol nila ko!


"Tulong! Tulungan nyo ko! Wag! Hindi!"


Malapit na sila sakin. Maaabutan na nila ko. Napakadilim at tanging ang mga pula nilang mata ang nakikita ko. Hindi!


"Lyra! Lyra! Gumising ka! "


Baron?


Unti-unti kong minulat ang mga mata ko at nakita ko ang nag-aalalang mukha ni Baron. Bakit?


"Bakit?"

"Nagsisigaw ka at tila ba ikaw ay nasa ilalim ng hindi magandang panaginip. Ayos ka lang ba?"


Ngayon ko lang napansin na pinagpapawisan pala ako. Masamang panaginip.


"Ayos lang ako, Baron. Salamat."


Pinainom rin nya ako ng tubig para kumalma ang aking pakiramdam. Tumingin ako sa bintana at napansing papasikat pa lamang ang araw. Masyado pa lang maaga.

Bumangon ako at nagpunta sa veranda. Gusto kong masilayan ang tuluyang pagsikat ng araw.


Lumabas na si Baron sa aking silid matapos nyang makitang ayos na ang aking kalagayan.


Pinagmasdan ko ang mga taong maagang nagbabanat ng buto at nang makita nila ako ay kumaway sila sa akin na syang sinagot ko naman ng pagkaway at ngiti.


Naghahanda na sila sa palayan at natutuwa akong pagmasdan sila. Naranasan ko ang magtrabaho sa palay nung minsang tumakas kami ni Baron sa mga kawal at mga tagasilbi.


Mahirap ang mga gawaing iyon kung kaya't bilib na bilib ako sakanila dahil araw-araw nila iyong ginagawa.


Pumasok na ko sa veranda at naisipang humiga muna ulit para makapag isip-isip.


Hayy. Kelan kaya ako makakalabas ng bayan para makapunta sa iba pang mga bayan na hindi makikilala bilang isang prinsesa -_-


Hindi naman ako mahina tulad ng inaakala nila.


"Mukhang malalim ang iniisip mo ah."

"Oo nga eh."


Pero teka... Sinong kausap ko?!


Boses ito ng isang babae! Lumingon ako sa paligid at nakitang wala namang tao sa paligid ko. Sino iyon? Isang espirito? Nako wag naman sana >.<


Baka naman guni-guni ko lang iyon. Tama. Guni-guni lamang iyon.


"Hindi mo ako guni-guni."

"S-sino ka?!"

"Ako ang konsensya mo. Hahahaha!"

"Hindi mo ko maloloko. Magpakilala ka! At nasaan ka?"


Hindi ko na mapigilang sumigaw sa aking isip dahil ito ang unang beses na naranasan ko ito at mukhang sa isip nga lang talaga kami nag-uusap.


"Ako ay matagal nang nakahimlay sa iyong isipan, Lyra. Simula sa iyong pagkabata hanggang ngayon."

"Kung matagal ka nang nasa aking isipan, bakit ngayon pa lamang kitang nagagawang kausapin?"

"Dahil malapit na ang itinakdang araw."

"Hindi ka pa nagpapakilala sa akin. Sino ka? Isa ba akong... shubu?"


Ang mga shubu ay sinasabing nagtataglay ng dalawang kaluluwa. Isang kaluluwa ng masamang espirito at ang totoong nagmamay ari ng katawan. Sila ay ginagamitan ng puting mahika upang maalis ang mga espiritong ito ngunit kung ito ay hindi magtatagumpay ay pinapatay sila at karaniwang biktima nito ay mga kababaihan. Masama ang mga espiritong iyon dahil kaya nilang kontrolin ang katawan ng kanilang pinasukan.


Kung isa ako sakanila... At sya ay isang masamang espirito, kailangan kong patayin ang sarili ko. Dahil sila rin ang isa sa mga dahilan kung bakit may kapangyarihan ang iba kahit na walang kapangyarihan ang mga magulang nila. Normal lamang ang aking mga mahal na magulang kaya napag-isipan kong malaki ang tsansang isa akong shubu.



Nagpalabas ako ng mga ice shards sa aking kamay at inihugis ko itong puntal sapat upang makasugat ng sino mang matusok nito.


Itatarak ko ito sa akin. Hindi maaaring kontrolin nya ang katawan ko! Bago pa mahuli ang lahat!



"Kung iniisip mong isa akong masamang nilalang, nagkakamali ka! Hindi ka isang shubu dahil kung gayon ay matagal ka nang ikinonsulta sa inyong Brahma."



Tama nga sya. Ang mga Brahma ay hindi lamang basta mga magus dahil kaya nilang tignan ang awra na dumadaloy sa iyong katawan. Sinasabi nilang ang mga shubu ay kakaiba ang awra sa karaniwan.


Kung ganon, panong...?


"Ang ating kapangyarihang dalawa ay magkahiwalay kaya wag kang mag-alala dahil isa ka talagang magus. Iyon ang tinitiyak ko sayo. Kontrolado ko ang aking awra at kaya ko itong palabasin na ito lamang ay humahalo sa iyo."


Nakahinga ako ng maluwag sa sinabi nyang iyon. Pero bakit mukhang pinagkakatiwalaan ko sya kahit na ngayon ko pa lamang sya nakakausap kung talagang matagal na syang nakahimlay sa akin.


"Sino ka ba?"

"Hmmm. Tawagin mo na lang ako sa pangalang Aria."

"Aria. Pero bakit sa akin ka napunta? At pano mo nasisigurong hindi ka masamang espirito?"

"Hehe. Hindi ko rin alam. Ang gusto ko lamang ay maglakbay pero mukhang dahil isa kang prinsesa ay walang magaganap na ganun kaya nananatili pa rin ako sayo. Ang pakikipag-usap mo sa akin ay isa lamang ebidensyang hindi ako masamang espirito."


Hmm. Tama nga sya doon dahil kung gayon, dapat matagal na nyang ginamit ang aking katawan.


*tok tok


"Mahal na prinsesa."


Biglang may kumatok sa pintuan habang malalim akong nag-iisip. Akmang tatayo na ko ng biglang nagsalita si Aria sa aking isipan.


"Huwag na huwag mong sasabihin sa iba ang tungkol sa akin o kahit ninoman dahil masisira ang mahikang nilikha ko at lalabas ang lahat ng aking kapangyarihan. Sinisiguro kong mamamatay ka sa panahong mangyari iyon."

"Oo sige. Pero kailangan mo akong tulungan. Mamaya na lang tayo mag-usap uli dahil tinatawag na ko para sa agahan."



Binuksan ko na ang pinto at sumama na ko sa naghahatid sakin patungo sa aming kainan. Sabay-sabay kaming kumakain rito kasama ang tatay ni Baron at sya.


Matapos mag-agahan ay inikot ko ang buong hardin at bumalik ako sa aking kwarto dahil gusto ko munang magpahinga ulit. Mamaya pa namang hapon ang pag-aaral ng mahika sa ilalim ni Gurong Ghibli.

Magus: The BeginningTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon