Chapter 3 - Ang Magus

23 2 0
                                    

"Magandang umaga, mahal na prinsesa."


"Lyra na lang po ang itawag nyo sa akin, Guro."


"Ah sige. Ngayong araw na ito ay tatalakayin natin ang pinagmulan ng mahika."


"Sa tingin mo, bakit may mga taong kayang gumamit ng kapangyarihan ng isang magus at bakit may mga normal na mamamayan na hindi kayang gumamit nito?"



Hmm. Bakit nga ba? Sinasabi nilang lahat ng tao ay ginawa ng pare-pareho pero bakit may kayang gumamit ng mga elemento, tulad ko?



"Dahil ito sa isang pangyayaring nagpabago sa lahat ilang siglo na ang nakakaraan." Sagot ni Aria sa aking isipan.



Sa isang pitik ng kamay ng guro ay lumitaw ang isang libro mula sa kanyang kamay. Ang galing!


Si Gurong Ghibli ay may kakayahang gumamit ng isang teleportation spell ngunit limitado lamang ito at sya rin ay may kakayahang gamitin ang elemento ng hangin.


Kinuha ko ang libro at binuklat ang pahina nito.


"Nakatala sa librong iyan ang pagsisimula ng mahika."


"Isang daang siglo na ang nakakaraan ng magkaroon ng malawakang digmaan sa may puno ng Yggdrasil. Mga armas at pisikal na lakas lamang ang ginagamit ng mga tao ng panahong iyon.


Sa gitna ng pakikipaglaban, namataan nila ang isang kometa na paparating sakanila."


"Isang kometa? Hindi ba't ang mga kometa ay nagpipira-piraso bago makarating sa lupa?"


"Oo. Tama ka ngunit iba ang kometang iyon. Mistulang ang kometang iyon ang tumapos sa gulo ng mga tao. Marami ang namatay sa pagbagsak ng kometang iyon. Sinasabing iyon rin ang kometang pumatay sa mga naunang sibilasasyon ng mga pariah at mga deity."


"Di ba't hindi namamatay ang mga deity?"


"Hindi sila namamatay ngunit ang mga katawan nila, oo. Hindi pagkamatay ng katawan ang tunay na pumapatay sa mga ito kundi ang pagkamatay ng kanilang mga kaluluwa kung kaya't mayroong mga shubu dahil sila ay sinasaniban ng mga deity na nawalan ng katawan at nabahiraan ang kanilang kaluluwa ng kasamaan.


Bumalik tayo sa ating pinag-aaralan, matapos ang pangyayaring iyon ay natahimik ang magkabilang panig dahil sa dami ng mga nasawi at dito nila napagpasyahan na magkaisa.


Makalipas ang ilang mga araw matapos ang digmaan ay nagpakilala si Tales sa isang pagpupulong."


--
"Magandang hapon. Ako si Tales. Ang prinsipe ng aming hukbo bilang taguyod sa aking amang hari na hindi makararating dahil sa kanyang karamdaman."


Mistulang nagulat ang lahat sa biglaang pagdating ng prinsipe ng Arkadia, ang bayang kilala sa kanilang mga karunungan.


"Maupo ka, mahal na prinsipe." Pag-iimbita ng isa sa mga heneral


"Nais ko lamang iparating sa inyo na may mahalaga akong mensaheng nais iparating sa ating mga kababayan dahil ang malaking tipak ng bato na bumagsak sa atin ay hindi lamang basta-basta."


"Ano ang iyong ibig sabihin?"



"Nagpakita ang Deus ex Machina sa akin sa pamamagitan ng isang panaginip at inihayag nya sa akin ang mga pagbabago sa ating mundong kinalalagyan."


Natahimik ang mga heneral at ang hari ng Anazori, ang bayan kung saan matatagpuan ang iba't ibang klaseng materyales sa pakikipaglaban.



"Ipagpatuloy mo."


"Ang mga taong nakaligtas sa pagbagsak ng bato ay magkakaroon ng pagbabago sa kanilang kakayahan sa paglipas ng araw. Magkakaroon sila ng kakaibang kapangyarihan."


Nagbulong-bulungan ang mga heneral aa itinuran ng prinsipe at tila ba hindi sila kumbinsido sa mga sinasabi nito.



"Paano naman kami makasisiguro na hindi lamang ito isang biro, mahal na prinsipe?"



Ipinakita ng prinsipe ang kanyang kakayahang magpagalaw ng tubig sa pamamagitan ng pagpapalutang nito mula sa basong kinalalagyan.


"T-totoo nga!"


Hindi makapaniwala ang mga taong nasa silid na iyon sa ginawa ni Tales. Hindi nila alam kung pano iyon nagawa ng prinsipe. Kaya nyang pagalawin ang tubig sa pamamagitan ng pagkumpas ng kanyang mga kamay.


"Naroon ako sa digmaan at lumalaban bilang isa sa mga heneral at nakaatas sa akin ang limangpung mandirigma. Ang mga taong nakaligtas mula sa pagbagsak ay nakasisigurado akong matutuklasan nila ang kanilang kakayahan kung kaya't kailangan natin itong ipaalam sa ating mga nasasakupan."

--

"At doon nagsimula ang paglilikom ng mga magus sa buong mundo at sila ay pinagsasanay para sa pakikipaglaban, panggagamot at pangkabuhayan. Ikaw, mahal na prinsesa.





Saan mo nais gamitin ang kapangyarihan mo? At ano ang tungkulin mo bilang isang magus na kagaya ko? "

Magus: The BeginningTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon