Transferee ako ng third year high school sa mataas na paaralan ng Project 8, Quezon City. Kaya ako lumipat ng school kase nasa public school yung mga kababata ko so gusto ko magkakasama kami. Nagpaalam ako sa tatay ko na magtransfer ako sa public school, nung una hindi agad pumayag sinabi ko na lang na sa college na lang ako babawi. Nagkasama sama kami sa isang section ng mga kababata ko pero syempre nagkaroon ng pagbabago. Sa simula lang kami madalas nagkasama sama. Nagkaroon na ng bagong kakilala saka kaibigan hanggang sa iba na ang trip sa buhay tapos yung isa nagkaroon ng boyfriend kaya wala ng time sa kaibigan. Ayos lang, ang mahalaga nagkakausap o nagkikita pa rin kami saka alam namin na magkakaibigan pa rin kaming apat.
Nagkaroon din ako ng bagong close friends nung third year so naging okay naman yung buhay ko sa school kahit hindi na kami ganon nagkakasama nung mga old friends ko.. ganon talaga eh.
Nung nag fourth year ako, akala ko same section kami nila Ancor at Liezel, sila pala yung mga bagong closefriends. Saya ko pa naman sila yung naging new set of BFF ko nung third year ako. Nung nag roll call of names yung classroom adviser natawag na lahat ng names pero di ko narining yung pangalan ko kaya nagsabi na ko na hindi ako natawag. Hinanap naman ng teacher yung surname ko kaso wala eh kaya pinapunta ako ng Registrar office. Ayun nga, ang ending iba pala talaga section ko-- Coral daw ang section ko. Nagbakasakali pa rin ako na kausapin ang adviser na pwedeng sa kanya na lang ako. Hindi daw pwede kase sakto lang daw yung bilang ng mga estudyante sa laki ng room (haler! parang dabyana ko naman para sumikip yung room.. etoh si Mam makadahilan pa eh!) saka may assigned section daw ako na dapat pasukan.
Punta ako ng Science building, andon daw yung classroom ng section Coral. Pagcheck ko ng room, nasilip ko na nagsasalita yung teacher sa gitna. Nahihiya akong pumasok. Nakita nya ko kaya napilitan na ko magsalita, "Good morning, Mam. Section Coral po ba ito?"
"Oo. Ikaw ba si Liza Obado?" sagot ni Mam.
"Opo." Sabi ko
"Bakit late ka? First day of school, late ka, tama ba yan?" Banat ni Mam.
"Po?" Nautal ako.
So nag explain ako para naman ipagtanggol ko sarili ko noh, hindi ako late, aga ko kaya pumasok. Nagkamali lang ako, tao lang ako nagkakamali.. pak! Pinaupo na rin ako ni teacher, na nagpakilala na siya si Mrs. Dizon. At dito na nagsimula ang kabanata ng buhay fourth year ko sa totoong section ko..