Fifth part: Kermit the Frog

8.7K 88 12
                                    

After high school, mas challenging ang college life saken at samin ni Jonas

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

After high school, mas challenging ang college life saken at samin ni Jonas. Magkaiba kami ng University na pinapasukan, along Taft avenue yung location ng school nya, ako naman within university belt. Iba rin yung halos schedules ng pasok namin kaya pag may chance don na lang kami nagkikita. May times na nagkakainitan na kami, hindi ko lam kung dahil sa sitwasyon ng oras at way ng pagkikita namin o hindi ko lam.. basta may nabago rin.

"Bat ang tagal mo? kanina pa ko nag-aantay! Nakakainis ka!" Galit na ko. Tagal kong nakatayo habang halos basa pa ang paligid ng Morayta dahil kakatapos na malakas na buhos ng ulan.

"Nagpatila pa ko ng ulan." mahinahon nyang sagot.

Don na ko napatitig sa kanya. Halos sukluban ang buong pagkatao ko ng salitang guiltness! Halos mukha syang basang sisiw na sinugod daw nyang ulan kase nga alam nyang nag-aantay ako.

Hindi na ko nakareact. Nahiya ako sa mga nasabi ko.

"Hindi mo man lang inisip kung okay ako.." nagtatampo na sabi nya.

"Sorry." sobrang guilty na sagot ko.

Kaya todo lambing ako sa kanya hanggang paghatid nya saken. Simula nung naging kami, hindi ko man lang napapakita yung appreciation ko sa lahat ng effort nya para saken. Madalas ko syang inaaway kahit simpleng bagay pero hindi nya pinapatulan, pinalalampas nya lahat yun.

Nagweekend getaway kami sa bahay nila sa Palmera. Sunday, uwi na kami ng magkayayaan na magSM Fairview muna kami. Sya nagplantsa ng susuutin namin. Eh nangugulit pa ako sa kanya kaya hindi pa ko naliligo. Pinasok ko yung kabilang kwarto nilang magkakapatid. Nakita ko sulat ng Mama nya para sa kanilang magkakapatid.

"May sulat Mama mo oh. Nabasa mo na ba toh? Gusto mo basahin ko para sayo" -Liza

"Hindi pa. Sila pa lang ata nakabasa nyan" -Jonas

Nilakasan ko ng pagbasa ng sulat, nangamusta muna ang Mama nila sa kalagayan nila sa bahay. May part na parang nanenermon na ang Mama nila sa sulat.. isa isa sa kanilang tatlong magkakapatid.. nung nabasa ko na yung part na para kay Jonas.. pahina na ng pahina ang boses ko hanggang sa natulala na ko.. hindi na ko nagsalita.

"Oh ano na?" Tapos? Bakit ka tumigil? Tapos na ba? " tanong ni Jonas habang nagliligpit siya ng pinagplantsahan niya.

Ako parang tulala ako na lumabas ng kwarto, hindi ako nagsalita.

"Uy, bakit?" -Jonas

Hindi ko sya sinagot. Derecho lang akong pumasok sa kabilang kwarto tapos dumapa ako humiga. Tulala lang ako. Sobrang nashock ako sa nabasa ko...

Pumasok sa kwarto si Jonas at binasa yung sulat ng Mama nila. Pagtapos niyakap nya ako sa likod. Hindi ako nagsasalita, pinipilit nya ako humarap pero hindi ako humaharap.

"Ano bang nabasa mo? Yan kase basa ka kase ng basa ng may sulat. haha" pagbibiro nyang sabi.

Pagsalita nya, don na ako napaiyak. Sobrang iyak. Lalo naman nya hinigpitan yung yakap nya saken.

Joke ng tadhanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon